Ika-tatlumpu't Siyam na Biyahe:
Andrew's point of view:
Sa paglipas ng mga buwan ay naging busy talaga kami sa kanya-kanya naming mga business. Ako, sa pagma-manage ng kumpanya; si Alex, sa kanyang pag-aaral. Minsan, hindi na nga kami magpang-abot e. May mga pagkakataon kasi na gabing-gabi na ako nakakauwi. E tulog na siya noon. Tapos, maaga naman siyang umaalis, kaya minsan, pagkagising ko, ako na lang palang mag-isa ang nasa condo. Well, nauunawaan naman namin iyon. What more pa kaya kung nasa relasyon na kami? At least, sa mga ganitong sitwasyon, nasasanay kami.
"Sir, ito na po ang proposal ng HR para sa Team Building natin," ani John habang hawak ang isang folder.
Agad ko naman iyong kinuha. "Thanks, John. Ire-review ko ito sa bahay. It's been a long and tiring day."
"Halata nga po, Sir. Sige po, ako na po ang bahala rito. Inform ko na lang kayo through e-mail," nakangiting untag nito sa akin.
"Thank you, John. Kung hindi siguro dahil sa tulong mo, baka matagal na akong nawalan ng ulirat dito," natatawa kong sabi sa kanya.
"Mabait po kasi ang Dad ninyo sa pamilya namin, kaya ito po 'yung naisip kong paraan para makabawi man lang doon," nakangiti nitong sagot.
"Ano ba'ng naitulong sa inyo ni Dad?" tanong ko pa—tila na-curious sa sinabi nito.
"Kami po ng kapatid ko, pareho niya kaming tinulungan para maging maayos ang buhay namin. Although si Kuya, hindi siya nagtatrabaho rito, nagpapasalamat pa rin siya sa Dad ninyo," paliwanag nito sa akin.
"Sino ba ang kapatid mo? Gusto ko rin siyang makilala. Panigurado, mabait din iyon."
Nangiti naman siya. "Si Lenard po. 'Yung nakatrabaho ninyo sa Umali Corp."
Nabigla ako roon. "Weh? Totoo?"
Doon ko lang tuloy napagtanto ang lahat. Magkamukha nga sila, although mas matured tingnan si Lenard.
"Opo, Sir. Ancheta po talaga ang apelyido ko," sabi pa niya. Oo nga, Ancheta ang apelyido ni Lenard.
"Bakit mo binago?" tanong ko pa. Ortega kasi ang apelyidong gamit nito.
"Sina Kuya at ang Dad po ninyo mismo ang nagsabi noon sa akin. May gusto kasing pumatay sa amin ni Kuya dati kaya kailangan naming gawin iyon," nakangiti, ngunit may lungkot na sabi nito.
"Grabe naman pala, John. Don't worry, iimbitahan ko sina Lenard at ang girlfriend nito sa amin sa weekends. Punta ka," sabi ko na lang sa kanya. "I have to go."
"Thank you po, Sir. Ingat po sa biyahe," aniya.
Mabuti na lang at hindi trapik kaya maaga akong nakauwi. Wala pa si Alex noon kaya nagkusa na akong magluto ng dinner. Nilaga na lang ang naisipan kong iluto dahil panigurado, pagod din iyon sa campus. Isa pa, mainam ang sabaw sa ganoong sitwasyon. Nang matapos ay agad ko na itong sinerve. Sakto namang patapos na ako nang bumukas ang pinto.
"Ang aga mo ata, babe?" nagtataka niyang tanong nang makapasok.
"Masama?" kunwari ay banas kong sagot.
"Hindi naman. Hay! Mabuti at nandito ka na dahil may sasabihin ako sayo," aniya habang palapit sa akin.
"Ano?"
Ngumiti pa ito bago magsalita. "President's Lister ako ngayong sem na 'to at sa Biyernes ay mayroon kaming awarding ceremony."
"So kailangan kong um-attend para maging guardian mo?" tanong ko habang nakangiti. Good news kaya iyon.
"Exactly, kaya please lang, mag-leave ka muna sa araw na 'yun," pakiusap niya.
"Okay, fine. Congrats, by the way." Niyakap ko pa siya noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/23411038-288-k593176.jpg)
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014