Ika-apatnapung Biyahe

3.7K 109 14
                                        

A/N: Medyo SPG ang chapter na ito. HAHAHA. Hindi naman yung as in, basta SPG lang. Winarningan ko lang kayo para walang away.

***

Ika-apatnapung Biyahe:

Andrew's point of view:

"Great job, son!" masayang bati sa akin ni Dad matapos ang proposal na ginawa ko on how we are going to expand the company internationally. Ito 'yung dahilan kung bakit hindi ko kasama si Alex for the last three weeks. Kinailangan ko kasing pumunta sa California para makipag-meeting sa mga American investors doon. One more thing, para na rin maisagawa ang proposal na ito -- na masayang inaprubahan ng Board.

"Thanks, Dad,"masaya kong tugon sa kanya.

After that, excited na akong umuwi. Since may jet lag pa nga ako, si John na ang nag-volunteer na ipag-drive ako pauwi. Hindi na rin ako tumanggi, lalo't prone ako sa aksidente. Isa pa sa ikina-e-excite ko ay ang inihandang hapunan para sa akin ng mahal ko. Sounds cheesy ba? Well, kahit wala pa naman kaming official relationship, gusto ko na ring iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa akin. Hay! Epekto nga naman ng pagod, o!

"Sir?" Napapitlag ako nang tawagin ako ni John. Saka ko lang din napansin na malapit na kami sa condo.

"Bakit, John?"

"Mukhang masaya po kayo, ah?"tanong niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Na-miss ko lang kasi ang Pinas, John. Hindi rin kasi biro ang three weeks of stay sa California."

"Saka na-miss niyo ring makipag-make love kay Alex," natatawa niyang pahayag -- dahilan para mag-blush ako.

"Gago, h-hindi."

Umalis na rin noon si John matapos niyang mai-park ang kotse ko. Mag-ta-taxi na lang daw siya pauwi sa kanila. Agad ko namang kinuha ang mga bagahe ko, kasama ang pasalubong ko para kay Alex para makaakyat na. May pasipol-sipol pa akong nalalaman noong mga oras na iyon. Wala lang, masaya lang ako despite sa nararamdaman kong pagod. Agad naman akong nakaakyat sa floor namin at heto nga, nasa harap na ako ng pinto. Kakatok na sana ako nang bigla na lang itong bumukas at sa loob, nakita ko si Alex na abot-tenga ang ngiti habang may hawak pang isang red rose. Naka-long sleeves pa ito -- na siyang uniform daw nila sa department nila sa UDSM every Friday. Bagong policy daw kasi iyon sa school nila.

"Welcome home, my love," malamanay nitong sabi habang nakangiti pa rin.

Three weeks lang akong nawala, naging ganito na ang aura nito? Ano kayang nangyari sa kanya? Agad na rin akong pumasok at binigyan siya ng isang yakap.

"Mukhang galing ka pang school, ah?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, galing pa ako. Naisipan kong huwag munang magpalit para pormal naman akong tingnan," natatawa niyang sabi.

Agad naman niya akong tinulungan sa pag-aayos ng bagahe. Ako naman ay tumungo muna sa kwarto para magpalit ng damit.Hawak-hawak ko pa rin ang rose na binigay niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti dahil ang saya lang ng salubong niya sa akin. Pakiramdan ko tuloy, nawala ang pagod ko sa naging flight ko kanina. Hay! Thanks to Alex. At least, naging upbeat ang buhay ko, unlike dati. Napaisip pa ako bigla: paano kaya kung walang Alex na dumating sa buhay ko? Ganito rin ba kaya ako kasaya?

"Andrew? Ba't hindi ka pa nagpapalit ng damit? Ayos ka lang ba?" Tumabi sa akin noon si Alex. Hinawakan pa nito ang kamay ko at dahan-dahan iyong minamasahe.

"Okay lang ako, Alex. Medyo stressed lang siguro." Nginitian ko siya.

"Good. Pero mamaya, ako'ng bahala sayo."Kumindat pa siya -- dahilan para kilabutan ko.

BiyaheMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon