Ika-tatlumpu't Anim na Biyahe

3.7K 121 6
                                        

A/N: Pasensya na po kung natagalan sa paggawa ng UD. Tinapos ko po kasi yung isa kong story, yung SIGMS. Try niyo rin po sanang baaahin iyon nang mainspire din kayo. HHAHAHAHA.:D #Promote

***

Ika-tatlumpu't Anim na Biyahe:

Alex' point of view:

Naestatwa ako sa mga naging pahayag ni Patrick. Siya? Kapatid ko? Nahihibang ba siya? Wala akong kapatid, for Christ's sake!

"W-Wala akong kapatid," walang lingong sagot ko sa kanya. Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita si Andrew.

"Bumalik ka rito, Alex," he commanded—na dahilan para maupo ulit ako sa sofa kung saan ako nakaupo kanina. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pat, totoo ba 'yang sinasabi mo?"

Napabuntong hininga muna si Patrick bago magsalita. Namumugto pa rin ang mga mata niya habang nakaharap kay Andrew. "Sigurado ako, Andrew. Hindi naman ako pupunta at iiyak dito sa harapan ninyo kung hindi ako nagsasabi ng totoo e."

"Paano mo naman nasabi na siya 'yung nawawala mong kapatid? Hindi naman sapat na basehan ang litrato para mapatunayan iyon e," sabi ni Andrew sa kanya. Pinipilit pa rin niya ang sariling maging kalmado hanggang sa mga sitwasyong ganoon. Nanatili lang akong tahimik doon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa na-a-absorb ang mga nalaman ko.

At ayaw ko, sa totoo lang.

"Aminado rin naman ako doon, Andrew. Kaya nga nagtulungan kami ni Brenda para makagawa ng paraan e. Remember, noong pumunta kami rito last time?" aniya. Napapaluha na naman siya noon.

Sa hindi malamang dahilan ay naapektuhan ako ng mga luhang iyon. Sh1t lang nitong nararamdaman ko!

"'Yung nag-dinner kayo rito?" Si Andrew.

Tumango naman si Patrick. "Kumuha noon si Brenda ng ilang strands ng buhok mo, Alex, noong mga oras na iyon. Naisip kasi naming ipa-DNA test iyon, bago sabihin sa inyo ang totoo. Kung alam niyo lang kung gaano ako nagdasal na sana, coincidence lang ang lahat, pero hindi e. Positive ang resulta."

Dito na gumuho ang mundo ko. Bigla akong nakaramdam ng biglang pagbilis ng puso. Nag-uumpisa na ring tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko akalain na may kapatid pala ako. Ang akala ko, kamag-anak lang namin iyon na sobrang attached sa mga magulang ko. Sh1t lang, bakit nagsinungaling sina Mama at Papa? Bakit hindi nila iyon pinaalam sa akin? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga nalaman ko. Hindi naman kasi iyon ganoon kadali e. Hindi naman iyon basta-basta na lang makukuha o matatanggap. Sa tingin niyo, kung kayo ang nasa sitwasyon ko, agad niyo bang matatanggap ang katotohanan? Mauunawaan niyo lang ako kung kayo na ang nasa ganitong sitwasyon.

"Patingin ng DNA examination," sabi pa ni Andrew. Nananatili pa rin siyang kalmado sa mga oras na iyon. Doon na ako tumayo at walang paalam na tumungo sa kwarto ko.

Agad kong kinalikot ang ilang mga gamit ko para maghanap pa ng ibang litrato. Doon ay napagtanto ko na halos lahat pala ng mga photos namin, nandoon siya, laging nakatago sa likod ni Papa. Sh1t talaga o! Ano na’ng gagawin ko ngayon?

***

Andrew’s point of view:

“S-Sorry, Pat,” paghingi ko ng tawad kay Patrick noong mga oras na iyon.

Pakiramdam ko kasi, masyado kong pinoprotektahan si Alex, gayong hindi naman dapat. Natatakot lang kasi ako sa magiging reaksiyon niya kapag nakumpirma na nga na totoo ngang magkapatid sila. Siyempre, kahit hindi ko naman iyon naranasan ay alam ko pa ring ‘yung pakiramdam. 'Yung pakiramdam na all of a sudden, makikilala mo ang kapatid mo na hindi mo naman matandaan o makilala.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon