A/N: Yung necklace po na tinutukoy ko sa chapter na to ang nasa multimedia>>
***
Ika-tatlumpu't Pitong Biyahe:
Alex' point of view:
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang malaman ang totoo kong pagkatao. Hanggang ngayon, shocked pa rin ako sa pangyayari. Hindi ko pa rin lubos maisip na 'yung dati ko lang karibal kay Andrew, kapatid ko pala. Ang iba nga lang ngayon, medyo nag-a-adjust na ako sa kanya. In the first place, mayroong bahagi ng isip ko ang nagdidikta sa akin na mas kilalanin pa siya. Isama pa rito ang encouragement na laging ginagawa ni Andrew para sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa alaalang iyon.
"Huy! Tulala ka na naman?"
Napapitlag na lamang ako nang iwasiwas ni Sabi ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Oo nga pala, nandito kami sa library para pag-usapan ang gagawin kong sorpresa para kay Andrew. Kung natatandaan ninyo, Enero noong unang magtagpo ang landas namin. Idagdag pa rito na kaarawan din pala niya ito. Maalala lang ang nga pangyayaring iyon, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
"S-Sorry naman," sagot ko sa kanya.
"May gumugulo ba sayo?" tanong nito sa akin. Napailing na lamang ako noon. Kahit kailan talaga napakapraning nitong si Sabi.
"Adik, wala naman." Ngumiti pa ako noon para hindi niya mahalata ang sayang nararamdaman ko.
Nagpatuloy lang kami noon sa pagpaplano. So far, maganda ang mga suhestiyon niya. Kaya bilang pagbawi, niyaya ko siya sa canteen para magmeryenda. Magkaklase kasi kami sa next subject namin, pero nagkataon na may meeting daw ang professor namin dito kaya vacant namin.
"Sabi, punta tayo sa canteen. Treat ko?" sabi ko sa kanya habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit.
"Sige, pero huwag mo na akong ilibre," walang lingong sagot nito. Hindi pa rin tapos sa pag-aayos.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ko rito.
Humarap siya sa akin. "Save your money, Alex. Alam ko naman kung gaano mo pahalagahan ang mga nakukuha mo as Student Assistant eh. Isa pa, kailangan mong magtipid. 'Di ba nga, kulang pa 'yung pambili mo ng singsing para kay Kuya Andrew?"
Hindi ko alam noong oras na iyon ang ire-react ko. Hindi ko akalain na itong nag-iisa kong best friend ay nauunawaan ako.
"P-Pero--"
Tinapik niya sa balikat. "No worries. Nandito lang ako. Hindi ko tutularan si Jaspher."
Napanatag na rin ako noon kahit paano. "Salamat, Sabi."
"Tara na nga! Gutom na ako eh!" At sinuntok pa ako nito sa balikat. Tsk. Nasita tuloy kami ng librarian.
PAPUNTA na kami ngayon sa mall para bilhin ang singsing na sinasabi ko. Actually hindi pa dapat ngayon pero hindi ko kasi akalain na dadalawin ako ni Patrick-- Kuya Patrick sa UDSM. Aniya, gusto daw niya akong maka-bonding. Dumagdag pa itong si Sabi at talagang kinwento pa kay Pat-- I mean, Kuya ang problema ko these past few days.
"Alex, hindi ko na kayo masasamahan, ah?" biglang untag ni Sabi. Kakapasok lang namin sa loob ng mall.
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit naman?"
Sa totoo lang, ayaw ko siyang umalis. Alam naman kasi niya na naiilang pa ako sa kapatid ko e. Tsk, palusot talaga itong babaeng ito.
"D-Dadaan pa ako sa parlor eh. Isa pa, kailangan niyo ring mas magkakilala pa ng kapatid mo. Hindi naman good idea na nakabuntot ako sa inyo, 'di ba?" nakangiti nitong sabi, saka naman bumaling kay Kuya. "Uhm, Kuya Patrick, mauna na po ako. Sana, mas makilala niyo pa po ang isa't-isa."
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014