A/N: Ngayon pa lang, humihingi na ako ng pasensya sa sabaw na update. HAHA. Sobrang stressed din kasi ako especially last week. So yun, sana maunawaan ninyo.
PS: Dedicated sa kanya. Natuwa lang kasi ako nung binasa niya ‘to. Thank you, naaaaaak.XD
PPS: Picture ni Alex sa gilid. >>>
READ l VOTE l COMMENT
***
Ikaapat na Biyahe
AJ's point of view:
Napapitlag ako matapos kong basahin iyon. Kahangalan. Mukha ba akong naghahanap ng pampatanggal-init? Hindi niya ba napansin na dun lang talaga ang direksyon ko papasok at pauwi? Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng yamot sa binatang iyon. Bakit ganun ang mga tao? Makakita lang ng lalaking palinga-linga, iba na agad ang interpretasyon. Bakit ba nila ginagawang kumplikado ang mga bagay?
Dahil na rin sa pagka-occupied ng utak ko, hindi ko na napansin na oras na pala. Kung hindi pa pumasok ang utility man, hindi pa mapuputol ang pagmumuni ko.
"Nandito pa po pala kayo, Sir!" parang gulat na sabi ng utility man. Siya yung inutusan ko na bumili ng pagkain kanina.
"Wala! Hindi ako ito." Natawa naman siya. Biro lang yun. Nakakainis kasi e. Tinatanong pa ang obvious. "Oo, pauwi na rin ako. Mauna na ako."
Naglakad na ako pabalik sa workplace ko. Tahimik na ang paligid. Obviously, umuwi na ang mga colleagues ko. Matakot ka kung maingay dahil sa mga 'di nakikitang nilalang. No, just kidding. Nasa labas na ako nang..
"Kaya pala 'di kita nakitang umalis e." Si Patrick. Nakasakay na siya sa kotse niya. Mukhang pauwi na.
"Pauwi ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito. "Sana, kaso nakita kita kaya huwag muna. Tara, hatid na kita."
Sino ang makapagsasabi na ako ang pinakamaswerteng bi sa buong mundo dahil sa napakagwapong nilalang na ito? LOL. Joke lang.
"Nakakahiya. Huwag na." Umiling-iling pa ako no'n as if ayaw ko talaga. Siyempre, sino pa ba ako para tumanggi? Ang kaso nga lang, medyo malayo ang condo ni Patrick sa tinutuluyan ko. Ayaw ko namang abutin siya ng magdamag lalo't matrapik ngayon sa lansangan. Rush hour pa naman.
After a decade of friendly argument, napabuntong-hininga na lang siya.
"Fine. Talo na ako. So, bukas na lang ulit?" Ngumisi pa ang g@go.
"Ha? Walang pasok bukas, 'di ba?" buong pagtataka kong tanong. May na-miss ba akong announcement kanina?
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014