Ika-tatlumpu't isang Biyahe

3.5K 130 19
                                    

Ika-tatlumpu’t isang Biyahe:

Alex’ point of view:

Maaga akong pumasok ngayong araw. May mga tinatapos kasi kaming group projects ngayon, at malapit na ang deadline nito. Ayaw ko namang magahol kami sa oras, lalo’t pinaghahandaan ko rin ang nalalapit na kaarawan ni Andrew. Oo, halos isang linggo na lamang iyon. Sa ngayon ay pinagpapatuloy ko pa rin ang pagiging student assistant sa library. Hindi naman niya ako pinagbabawalan. Sa katunayan, proud daw siya’t nagiging independent na raw ako.

“Tulala na naman si Mr. Leader.”

“Daydreaming amputa.”

“Ulol ka talaga, Jaspher.”

“Mas g@go ka, Savannah.”

“Sabi nang huwag Savannah ang itawag mo sa akin eh!”

Napapitlag na lamang ako sa dalawang kasama—groupmates ko na tila nagtatalo. Kahit kailan taalaga, wala pa ring pinagbago ang treatment nila sa isa’t-isa! Ganyan pa rin sila – laging nakaangil.

“Tama na ‘yang away niyo. Teka, tapos na ba ‘yung ginagawa ninyo?” ntatawa kong tanong sa kanila.

Nahinto na rin sila sa wakas at ibinaling na ang atensiyon sa project namin.

“Kanina pa kaya!” bulyaw ni Jaspher. Tsk, lately, lagi itong ganito – lakas makasigaw! Kung hindi ko lang ito kaibigan e.

“Pasensya naman. Patingin.” Binigay naman niya ang kanyang ginawa. Buti na lang at malayo kami sa mga naglalaro sa field. Kung hindi, agaw-eksena kami rito.

Na-satisfy naman ako sa ginawa niya kaya in-instruct ko na lamang siya na i-type ito sa laptop ni Sabi. Sunod ko namang binlingan ang ginawa ni Sabi.

“Sabi, mukhang may mali sa operation na gamit mo.” Pinakita ko naman sa kanya ang napuna ko sa gawa niya. “Baka hindi maging accurate ang resulta nito ‘pag nagkataon,” dagdag ko pa.

Napakamot naman siya ng ulo. “A-Ah, pasensya ka na, Alex. Hindi ko napansin.”

“Ayos lang iyon. Teka, mukhang puyat ka?” Ngayon ko lang kasi napansin ang eyebags niya.

Tila nabigla naman siya sa sinabi kong iyon. “A-Ah.. eh—ano k-kasi.. uhm.. may ginawa ako kagabi sa amin. Alam mo naman sina Mommy at Daddy. Masyadong strict. Hihi.”

Weird. Bakit pakiramdam ko, may inililihim itong si Sabi sa amin ni Jaspher. Gayunpaman, hindi ko na ito masyadong inusisa. Malay ko ba kung ano ‘yun? Isa pa, wala naman akong pakialam pa roon. Nagpatuloy lang kami sa ginagawa. Maya-maya pa’y nagdesisiyon kaming kumain muna sa canteen. Treat daw ni Jaspher. Well, wala naman kaming pagtanggi roon. Libre e. Kahit sino naman, mapapa-oo sa ganoong bagay. Huwag na tayong magpakaplastik.

“Kamusta pala si Kuya Andrew, Alex?” tanong ni Sabi sa akin. Nagtaka naman ako dahil halos pabulong lamang ang pagkakasabi niya nito. Kaming dalawa lang ang nasa mesa ngayon dahil nga si Jaspher ang bumili ng pagkain namin.

“Ayos naman. Bakit mo natanong?” nagtataka kong tanong. Alam kong magtataka siya sa tanong ko dahil usually, kinakamusta naman niya si Andrew. Ngayon lang talaga ako nawi-weirduhan sa kanya.

Napansin ko ang pamumutla niya. “A-Ano.. h-huwag na huwag m-mo siyang hahayaang mag-isa.”

Tatanungin ko pa lang siya ng bakit nang biglang dumating si Jaspher. Napaayos bigla ng upo ang babae. Hindi ko na lamang siya pinansin at nilantakan na ang pagkain na libre ni Jaspher. Sa totoo lang, nawiweirduhan ako sa kinikilos ng dalawang ito. I mean, parang may nangyayari na hindi ko alam. Ugh, ano ba ‘yang. Napa-paranoid na naman ako.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon