Ikalabintatlong Biyahe:
Patrick's point of view:
These past few days ay marami akong inasikaso. Hindi lang ang napipintong expansion plan ang inaayos ko. Nag-file ako sa court ng TRO laban kay Claire. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa niya. Fvck. Sino bang matinong babae ang basta-basta na lang pumapasok sa condo ng iba at guguluhin ang mga gamit nito? Alam kong galit na galit siya sa akin pero I think, sumusobra na siya. Kailangan na ngang ipa-mental ang babaeng 'yun e.
Para naman makapag-unwind, inanyaya ko si Andrew na mag-mall. Buti nga at pumayag siya agad e. Medyo nawawalan din ako ng oras sa kanya. Haha! Honestly speaking, na-miss ko ang isang iyon. Natuwa naman ako na isasama niya raw si Alex. At least, mas masaya ang hangout. Magaan kasi ang loob ko kay Alex. Parang, kapatid na ang turing ko roon.
"Tara, kain tayo?" anyaya ni Andrew sa amin. Kakatapos lang kasi naming manood ng sine.
"Saan niyo gusto? My treat," alok ko sa kanila. Kung sabagay, nakakagutom nga naman ang pagtatrabaho.
"Sa Mang Inasal!" sabay pang sabi ng dalawa.
Natawa naman ako. "Tara na! Maganda nga 'yan. Mapapakain talaga tayo." Nakitawa na rin sila.
Malapit na kami roon nang biglang may tumawag kay Andrew. Nabigla naman ako nang si Rixton pala iyon. Sa totoo lang, may iba akong pakiramdam sa taong iyon. Parang may nangyari sa kanila ni Andrew na 'di ko alam. Ang ibig kong sabihin ay, may nakaraan sila. Hindi naman siguro aakto ng ganoon si Andrew noong nalaman niyang si Rixton pala ang investor ng kumpanya.
Kalauna'y sumama na rin siya sa amin mag-dinner. Parang nainis naman si Andrew pero wala namang sinabi. Ang napansin ko lang ay ang paghawak ni Alex sa kamay nito. Oo nga't magaan ang loob ko sa taong iyon, pero 'di ko maiwasang hindi mainis. 'Ano'ng karapatan niyang hawakan ang kamay ng Andrew ko,' ang naibulong ko sa sarili. Alam kong nagseselos ako kahit 'di naman dapat. Bakit? Kami ba ni Andrew?
"Ang tahimik mo riyan." Napailing na lang ako nang bigla akong bulungan ni Andrew. Iba kasi ang karisma niya sa akin. At tanging siya lang ang makakagawa ng bagay na iyon sa akin.
"May naalala lang," palusot ko.
Bigla na lamang niya akong inakbayan. "Nandito tayo para mag-unwind, 'di ba?"
"H-Hehe, pasensya na. Order na tayo?" tanong ko na lang. Tama nga naman siya. Masyado akong nagpapaka-workaholic.
Tumango naman siya at sumunod na kami kina Alex. Mukhang nagkakairingan naman ang dalawa nang maabutan namin. Parehas na masama ang tingin.
"Ano'ng nangyari sa inyo?" tanong ni Andrew, pero nakatingin kay Alex. Talagang iniiwasang tingnan ang isa.
Ngumiti naman si Alex. "Wala, babe. Teka, ano'ng gusto mo?"
Babe? T-Teka, sila na ba? Bakit hindi ito nasabi ni Andrew sa akin, gayong magkaibigan naman kami. Napapraning na nga ata ako. Hay.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014
