Ika-apatnapu't Dalawang Biyahe:
Andrew's point of view:
It's been a month mula nang maging kami ni Alex. Noong araw na iyon, walang pagsisidlan ang kasiyahan naming dalawa. It's like, nagawa naming maghintay for the right timing. Paano, wala 'atang araw na hindi ako kinililig sa mga damoves ng gago. Iyon bang, every morning, may nakahandang breakfast in bed para sayo? Iyon bang minsan, magugulat na lang ako at nasa office siya para sabay kaming mag-lunch? Minsan, nakakainis dahil baka mahuli siya sa klase, pero wala naman siyang pakialam. Hay! Ako na nga yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil sa kanya.
"Sir?"
Napapitlag ako nang biglang sumilip si John mula sa pinto ng office ko.
"Yes, John?" tanong ko sa kanya.
"As usual, Sir." Nangisi siya. "Nandito na naman si Alex."
Pumasok na noon si Alex na nakakulay grey na long sleeves na tinerno sa maong pants niya -- the usual Engineer attire.
"Sabi ko naman say--" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Wala na kaming afternoon class, Andrew, kaya napagpasyahan kong dumito na." Naupo ito sa sofa na nandoon.
"Oh, okay. Teka, papabili na ako ng pagkain natin. Sakto at hindi pa ako kumakain," ani ko.
Akma ko nang dina-dial ang contact number ng resto nang pigilan niya ako.
"Huwag mong damihan ang order mo. Nagluto ako ng Chicken Curry kanina saka Ginisang munggo." Inilabas na nito ang dalawang tupperware na nasa bagpack niya.
"Paano--"
"Maaga akong gumising kanina. Sinadya ko talagang hindi ipaalam sayo para sorpresa. Don't worry pinainit ko 'yan sandali sa condo nina Sabi. 'Di ba, malapit lang 'yun dito?" Tumango ako.
"E 'di wow," nasabi ko na lang.
Kaya, imbes na marami akong order-in, fried rice na lang ang in-order ko saka drinks na rin. Pinapasok ko na rin si John, since pareho nga kaming hindi pa kumakain.
"Sir, nakakahiya naman p-po," nahihiya pa niyang untag nang makapasok.
"Okay lang, John. Marami naman itong niluto ko." Si Alex.
Masaya naman kaming kumain noon. As usual, makwento si Alex. Kahit si John, pinapakwento niya. Mukhang close na silang dalawa. Well, mas okay na rin iyon para hindi na nahihiya si John. Balik-trabaho naman ako matapos kumain. Si Alex? Nasa sofa lang siya. Kung hindi maiidlip, mag-aaral ng lessons. Okay lang naman. At least, nandito ang inspirasyon ko.
"Here."
Napalingon ako noon kay Alex. Hindi ko napansin na pinagtimpla niya pala ako ng kape.
"Uhh.." Hindi ako makapagsalita. "S-Salamat."
"Masyado kang busy, pero okay lang. Ang cute mo pa rin." At nagawa pang kumindat ang loko.
Napailing na lang ako habang nilalagok ang tinimpla niyang kape. Siya naman ay bumalik sa mini-kitchen ng office ko. Mukhang naghahanda siya ng tinapay pang-meryenda.
AT 6PM, naghanda na kami para umuwi. Nagkaroon kasi ng emergency meeting kanina regarding sa itinatayong Sales Office ng kumpanya sa La Union. Hindi naman ito malaking problema kaya in-assign ko na ang pagtingin dito sa Operations Manager ng construction.
"Ako ang nahihirapan sa iyo, e. Masyado kang stressed sa pagpapatakbo ng kumpanya ninyo," napapailing na sabi ni Alex. Hindi naman 'yung seryoso, pero mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya
![](https://img.wattpad.com/cover/23411038-288-k593176.jpg)
BINABASA MO ANG
Biyahe
Mizah[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014