Ikasiyam na Biyahe:
Andrew's point of view:
Matapos magbilin kay Alex ay umalis na ako. Tiwala naman ako na wala siyang gagawing hindi ko magugustuhan e. Nag-iwan naman ako ng sapat na pera sa taas ng ref para kung sakaling maisip niya na gumala. Alam ko naman na mabobored lang siya roon.
Mabilis lang ang naging biyahe. Holiday kasi ngayon. Pumasok lang ako dahil hindi pa tapos ang meeting namin ni Patrick. This time, wala na si Rixton Montenegro. Ugh, bakit kailangan pang magkrus ulit ang mga landas namin?!
Ganito kasi 'yun:
Flashback:
First year highschool na ako pero mahiyain pa rin ako. Saan ka pa! Hindi naman kasi ako palakaibigan dati e.
"Oy, nerd!" Biglang may umakbay sa akin. Kilala ko ang taong iyon. Si Rixton, kaklase ko at ang numero unong nambubully sa akin.
Hindi na lang ako umimik noon at hinayaan na lang siya sa kagaguhan niya.
"Bakit 'di ka sumasagot? Ha? Maangas ka na?" Bigla niya akong tinulak. Sakto at nasa tapat na kami ng CR, kaya hinila niya ako papasok. 'Di hamak na mas malaki siya sa akin kaya gano'n lang kadali sa kanya ang maipasok ako roon.
Sh!t lang, ang sakit ng puwitan ko! Ang malala pa, nadumihan na ang uniporme ko. Ugh, putangina ka talaga, Rixton!
"Huwag kang aalis diyan kung ayaw mong mabugbog!" sigaw niya sa akin. Nakatunog na ako sa gagawin niya. Iyon naman lagi ang ginagawa niya kapag nasa CR kami e -- ang gumawa ng kagaguhan!
Pilit niyang pinapahawak sa akin ang ano niya, pero hinihila ko pabalik ang kamay ko. Tangina! Straight ako!
"Ayaw mong hawakan? Ha?" Sinabunutan niya ako, na siyang naging dahilan para mapa-aray ako.
"T-Tama na, Rixton," mautal-utal kong pagmamakaawa. Napapaluha na rin ako. Hindi ko na napigilan. Ang sakit na kasi e. Lagi na lang nila akong ginaganito.
End of Flashback:
Hindi ko na tuloy napansin na nasa tapat na ako ng elevator. Akalain niyo 'yun? Nakarating ako rito ng lutang? Dali-dali akong pumasok dito. Buti na lang at walang masyadong tao. Agad akong nakarating sa 15th floor at dumiretso na sa workplace ko. Nakasalubong ko na naman si Lenard. Bakit nandito 'to?
"Good morning, AJ!" bati niya sa akin. Todo-ngiti pa ang mokong.
Ngumiti na rin ako. "Good morning din. Ah, ba't nandito ka?"
"Pinapasok ako ni Sir Umali. About sa expansion. Dapat, si Janine ang nandito. Kaso, ayaw ka atang makatrabaho nun, kaya nag-volunteer ako," pahayag niya.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014