Picture ni Lenard sa multimedia section >>>
***
Ika-dalawampu't tatlong Biyahe:
Lenard's point of view:
Agad kong dinala si Andrew sa kwarto ko. Hassle kasi kung dadalhin ko siya sa kwarto nila ni Alex. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina. Alam kong may gusto si Patrick sa kanya pero hindi ko inasahan ang nasaksihan ko kanina. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Patrick ang bagay na iyon. Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya. O baka naman nadala siya sa kanyang nararamdaman para kay Andrew? Hindi ko alam.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko tinutulungan si Andrew. Well, to be honest, ako ang nagbabantay sa kanya. Tama. Inatasan ako ng Dad niya na bantayan siya't ireport ang mga pangyayari rito. Nakakatawang isipin na masyado akong paepal sa kanya. Pero, ano'ng magagawa ko? Sumusunod lang naman ako sa instructions.
Agad ko siyang binihisan at inayos sa pagkakahiga. Nang masigurong ayos na ay tinungo ko ang CR at tinawagan ang unang tao na dapat kong pagsabihan ng mga nangyari.
"Hello, Lenard. Kamusta ang anak ko?" tanong no Mr. Canlas sa akin. Oo, tinawagan ko ang Dad ni Andrew
"Ayos naman po siya, Sir. In fact, natutulog siya ngayon sa kwarto ko," balita ko rito.
"B-Bakit?" Marahil ay nagtataka ito kung bakit nasa kwarto ko si Andrew.
"Nalasing po siya, Sir. Mukhang nasobrahan sa alak," palusot ko.
"Gano'n ba? Sige, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Paalam."
Agad kong binalingan ng atensiyon ang lalaking ito na nakahiga sa kama ko. Napapailing na napapangiti na lang ako. Aaminin ko, matagal ko nang hinahangaan ang lalaking ito. Oo, bisexual ako, katulad niya pero ayaw kong makagulo sa magulo na niyang buhay. Ayaw ko nang makisali pa sa mga taong nagkakagusto sa kanya. Unang-una, wala naman akong laban sa kanila. Ano ba ang kaya kong ipagmalaki? Wala naman, 'di ba? Makita ko lang siyang masaya, pakiramdam ko, parang kami na na rin. Ayos na ako roon. Iyon naman ang mahalaga sa akin bilang bantay niya -- bilang personal security guard niya.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng katok. Agad ko itong sinilip sa peephole. Si Angeli. Naku, hindi niya pwedeng makita rito si Andrew at baka kung ano ang isipin niya. Agad akong lumabas at sinara ang pinto.
"O, Angeli? Bakit ka napapunta rito? Gabi na ah?" tanong ko agad sa kanya.
Base sa kilos niya, parang may nangyari. "S-Si Andrew kasi e. H-Hindi pa raw bumabalik sa kwarto nila sabi ni Alex."
Dahil doon ay sinabi ko na rin sa kanya kung nasaan si Andrew. Nagulat pa siya dahil nandito sa loob ng kwarto ko ang hinahanap nila.
"Bakit nandito siya?" buong pagtatakang tanong ni Angeli.
Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi ang tunay na nangyari. Sa huli, nagsinungaling na lang ako.
"Nakatulog sa dalampasigan kanina e. Hindi ko na ginisin dahil mukhang napasarap ang tulog."
Tumango naman siya at lumapit kay Andrew.
"Sayang talaga itong si Andrew. Bakit kasi naging chikboy pa siya eh," monologue niya. Napasabat pa ako ng wala sa oras.
"Chikboy?"
"Oo. Pwede sa chicks (girls), pwede sa boys," aniya.
Natawa na lang ako sa kanya. Kung alam lang niya na parehas lang kami ng preference ni Andrew. Nagkwentuhan pa kami noon habang nanonood. Ewan ko ba, masaya ako kapag kasama ko itong si Angeli. In fact, gusto ko siya. Hindi nga lang katulad ng pagkagusto ko kay Andrew pero balang-araw, matututunan ko rin siyang mahalin ng buo. Napapayag ko rin siya na dito na muna si Andrew at magdahilan na lamang kay Alex. Hindi na rin siya nagtanong pa kaya napanatag ako. Hinatid ko siya sa labas ng unit ko.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014
