Ikapitong Biyahe

6.8K 177 4
                                        

Ikapitong Biyahe:

Andrew's point of view:

Ginugol namin ni Alex ang buong araw na nasa bahay lang. Paano, nilalagnat pala ang loko. Kung hindi ko pa makakapa ang noo, hindi ko pa malalaman. Ang nangyari tuloy, nagmistulang caregiver ang dating ko. Tagaluto ng tanghalian. Taga-alalay sa kanya kapag gusto niyang mag-CR. At marami pang iba. No'ng mga bandang hapon naman ay nag-movie marathon naman kami. Kaysa naman pareho kaming ma-bored, 'di ba? Kung wala lang talaga 'tong sakit, gumala na ako-- kami sa mall. Ngayon nga'y lunes na. Halos sabay kaming nagising. Nauna lang ako ng ilang segundo sa kanya.

"Kamusta ang tulog?" tanong ko. "Nilalagnat ka pa ba?"

"Maayos naman. Hindi na namamahay ang isip ko. Oo, wala na rin akong lagnat. Huwag kang mag-alala," sagot naman niya.

Tumango naman ako. Agad akong dumiretso sa CR para maligo na. Sabay kaming aalis; ako papunta sa trabaho, siya papunta sa bahay ng tiyahin niya para kunin daw ang mga gamit at kaunting ipon niya. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwalang nasabi ko ang mga bagay na iyon. D@mn, kahit ako mismo, 'di ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit nga ba? Siguro, dahil naaawa ako sa kanya? Siguro, dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya?

Mas katanggap-tanggap na siguro ang huli. Tama, 'yung nga marahil ang dahilan. Alam ko ang pakiramdam na gano'n e. 'Di ba, pinalayas ako ni Dad?

Matapos maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya. Sa kasamaang-palad, nakalimutan kong magdala ng kahit pambahay man lang. Pagkalabas, naabutan ko siyang nagluluto ng agahan namin. Mukhang napansin naman niya ang presensya ko kaya nilingon niya ako..

"A-Ano, pasensya na at pinakialaman ko ang k--" Saglit siyang napahinto.

"Okay lang," sagot ko. Alam ko naman ang gusto niyang iparating.

Teka, ba't siya namumula? At hindi man sinasadya ay napatingin ako sa harapan niya. Medyo gumagalaw 'iyon'. Naka-boxers lang kasi siya. Pinahiram ko siya ng damit dahil nga wala siyang dala. Wait-- ah, hindi. Hindi naman siguro dahil topless ako? Hindi ko na lang iyon pinansin pa at dumiretso na ako sa kwarto ko. Aaminin ko, nabigla rin ako sa nakita ko. Sh!t! Mukhang malaki!

Ugh, wala ito. Nag-ha-hallucinate lang marahil ako.

Naka-attire na ako nang maisipan kong lumabas na para samahan siya sa paghahanda. Sakto at kakatapos naman niya.

"Nandyan ka na pala, Kuya," untag niya nang mapansin ako. Ngumiti pa siya noon.

At nasabi ko na bang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nasasaksihan ko ang mga ngiting iyon?! Sh!t! Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

"Wala pa ako. Aparisyon pa lang ito," pambabara ko. Pampatanggal man lang ng awkwardness sa paligid.

Natawa naman siya. "Haha! Pangalawang beses na 'yan ah?"

"G@go!" Dumiretso na ako sa kusina. "Maligo ka na muna. Gamitin mo 'yung mga binigay ko sayo. Hihintayin kita."

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon