Ika-tatlumpung Biyahe

4.3K 134 14
                                    

Si Gervis po yung nasa multimedia >>>

***

Ika-tatlumpung Biyahe:

Andrew's point of view:

Mabilis na lumipas ang panahon. Ngayon nga ay bisperas na ng pasko at nandito kami sa mansiyon para maki-celebrate kina Mama. God, kung alam niyo lang kung gaano ko na-miss ang ipagdiwang ang ganitong okasyon kasama sila. Noong mga nakaraang mga taon kasi, kina Brenda ako nakiki-celebrate, as per Tita's request na rin. Nakakahiya man pero nagpapasalamat pa rin ako dahil tinanggap nila ako as member of their family. At least, that time, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa.

"Babe, tulala ka na naman." Napapitlag na lamang ako nang biglang bumulong sa akin si Alex. Grabe, biglang nagtindigan ang mga balahibo ko sa pagbulong niyang iyon. Napaka-seducive kasi. Kahit sino namang nasa kalagayan ko e, ganito rin ang mararamdaman. No, hindi ako nagbibiro.

Sininghalan ko nga. "Umayos ka. Nasa harap tayo ng---“

Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang biglang may nag-flash.

"Nice! Gosh, nakakakilig kayong dalawa!" ani Ate Andrea. Napailing na lamang ako. I know her. She's a fan of yaoi mangas or such. Hindi ko nga alam kung kailan niya na-acquire 'yung addiction niyang iyon e.

"Ate!" tila nahihiya ko pang saway sa kanya. Aware kasi ako sa presence nina Mama at Dad e.

"Arte mo, bunso. Ang cute niyo kayang dalawa," dagdag pa niya. Ano raw 'yun?

Nabigla na lang ako nang sumabat si Dad. "Hayaan mo na 'yang kapatid mo, AJ. Natutuwa lang marahil sa inyo ng boyfrirnd mo."

Napakamot na lamang ako ng ulo. Leche, nahihiya na ako sa kanila. Hindi kasi ako outspoken na tao e. Introvert nga, as Brenda's comment. Nahihiya kasi ako sa kanila o sa mga tao sa mga tao sa paligid ko. Iyon ang totoo.

"O, tama na 'yan. Punta na kayo sa garden dahil doon tayo magno-Noche Buena," biglang anunsiyo ni Mama. Mukhang excited ito, dahil siya ang naghanda ng halos lahat ng pang-Noche Buena.

Na-excite din ako dahil hindi lang pamilya namin ang nandoon. Kasama namin ang ilang trabahador sa mansiyon. Napagdesisyunan kasi nila na sa bagong taon na lang daw sila uuwi sa kani-kanilang probinsya. At para raw hindi sila ma-home sick, niyaya na sila nina Mama na makasalo sa amin. May mga dala rin ang mga ito kaya mas dumami pa ang handa namin. Mabuti na lang talaga at nakapaghanda kaming apat -- si Ate Althea, Ate Andrea at si Alex, ng simpleng programa para sa lahat.

"Long time no see, AJ." Napatingin ako sa nagsalita. Si Kuya Gervis lang pala. Anak siya nina Manang Pacing at Manong Gilbert. Ang alam ko ay isa na itong Engineer dito sa probinsya.

"Oy, Kuya Gervis! Kamusta na?" masaya ko ring tugon. Grabe, ang laki ng pinagbago niya.

Ngumiti ito. "Ayos naman. Ikaw? Kamusta ka na? Matagal na akong walang balita sayo, ah?"

"Ayos naman ako. In fact, ako na ang mamamahala sa kumpanya in the near future." Naupo kami saglit.

"Mabuti naman at okay na kayo ni Sir Antonio."

Maya-maya lang ay biglang sumabat si Ate Andrea. "Hoy, Gervis. Kung balak mong umamin diyan sa kapatid namin, huwag mo nang ituloy."

Nanlaki ang mga mata ko noong mga oras na iyon? Ano'ng aamin? Napatingin ako agad kay Kuya Gervis noon. Napapakamot na lang ito sa batok.

"Ano'ng ibig sabihin ni Ate?" May nase-sense kasi akong iba, pero kung maaari, ayaw kong mag-assume.

Namula naman ito. "K-Kasi, matagal na kitang gusto, Andrew. Alam ng Ate Andrea mo dahil narinig niya ako noong nagpapraktis ako ng sasabihin ko sayo. Hindi ko na rin nasabi dahil bigla ka na lang nawala. Patawad, Andrew."

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon