Ika-dalawampu't apat na Biyahe

4.5K 137 7
                                    

Ika-dalawampu't apat na Biyahe:

Andrew's point of view:

Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakikita si Patrick sa opisina. Kapag pinupuntahan ko naman si Angeli sa desk niya, lagi niyang sinasabi na naka-leave daw at may mga inaasikaso. Bakit ko nga ba siya hinahanap? Kasi naman, hindi ko pa napapasa ang resignation letter ko. Mabuti na lamang at hindi ko pa nasasabi kay Papa o kahit kanino pa man ang desisyon ko. Kailangan ko munang maipasa ito para ayos na ang lahat. Isa pa, gusto kong personal na ipasa ito para na rin makapag-sorry na ako sa lahat ng nangyari noong team building namin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang hindi sisihin ang aking sarili sa lahat ng nangyari. Kasi naman, bakit pa sa akin nagkagusto si Patrick? Marami naman diyan ah?

Hay, Andrew. Sino ba'ng niloko mo?

Nanlulumo akong bumalik sa work place ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko, iniiwasan ako ni Patrick.

"Hey, ilang araw ka nang ganyan ah? Ngumiti ka naman diyan. Ilang araw na lang tayong magkakasama sa isang work place o?"

Napapitlag ako nangagsalita si Rixton. Hindi ko na pala namalayan na nakarating ako rito ng lutang.

Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya. "What do you mean?"

"By next week, balik na ako sa opisina ko sa kumpanya namin. Okay na ang expansion project at by June ay maila-lunch na namin ito sa market," paliwanag niya.

"Paano 'yan? E kahit ako ay aalis na rito," kaswal na sabi ko. Dapat na niyang malaman.

Nagtaka naman siya, as expected. "Bakit? Saan ka ba pupunta?"

Napangiti naman ako. "Mahina na si Dad at kailangan na niya ng makakatulong sa pagma-manage ng kumpanya namin."

"Gano'n ba? Teka, ano kasing industry kasama angckumpanya niyo?" tanong niya.

"Milk and dairy products," sagot ko.

Napaisip naman siya matapos niyon. Tumungo muna ako sa CR para makapaghilamos. Masyado na pala akong stressed nitong mga nakaraang araw. I think, kailangan ko nang magpa-massage sa weekends. In ahort, kailangan ko ng relaxation. Napabuntong-hininga naman ako nang maalala naman ang tungkol sa resignation letter. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang kailangan ko nang ibigay kay Angeli ang dokumentong ito. Iyon na siguro ang gagawin ko mamaya para agad maisaayos ang resignation ko. Kulang na lang kasi ng approval ni Patrick e. Ugh, nakakainis.

Nagulat na lang ako pagkalabas ko sa CR dahil nakasandal na si Rixton sa gilid. Peste, muntikan na akong atakihin sa kanya.

"Loko ka! Bakit ka nandiyan?!" pasinghal kong tanong.

Ngumisi pa talaga siya bago magsalita. "Naisip ko kasi na mag-invest sa kumpanya niyo. Hindi naman same industry ang kumpanya natin kaya okay lang naman siguro 'yun."

Sinuntok ko nga sa braso. Grabe lang. "Ulol. Conflict of interest! Hindi ako papayag!"

"Aba, bakit naman? Ayaw mo 'yun? Dadami ang investors ng kumpanya niyo? Hehe."

"Loko. Seriously, ayaw ko. Huwag na." Bumalik na ako sa pwesto ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Alam ko naman ang rason mo kung bakit e. Isa pa, sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo kaya ayaw ko," walang-lingong paliwanag ko. 'Di gano'n, men. Hindi, biro lang 'yun.

"Ang sakit. Sinaktan mo na naman ako." Nag-act pa siya roon na kunwari ay nasaktan sa sinabi ko. Umiling na lang ako at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

Before afternoon break, may kumatok. Si Janine pala. Naku, ano na namang ginagawa nito dito?

"Sir AJ," magalang niyang bati.

"AJ na lang. Bakit?"

"Ito na 'yung mga reports ko." Sabay lapag sa table ko ng mga reports niya.

"Okay, thanks. I'll just inform you ASAP kung may mga ipapa-revise ako," sagot ko sa kanya.

Akala ko ay lumabas na siya. Hindi ko kasi siya tinitingnan dahil nga busy ako kaka-encode. Then, bigla na lang may naglapag ng box sa table ko.

"O, Janine, para saan 'to?"

"Para sa inyo ni Mr. Montenegro," aniya.

"Bakit?" tanong ko pa.

"Ito 'yung gift ko sa lahat ng ka-department ko. Galing ako sa culinary workshop noong nakaraang araw. E kayo na lang ni Sir ang wala pa, so yeah," sabi pa niya.

"Oh, I see. Thank you." Ngumiti ako.

Nang makaalis siya ay saka ko tiningnan ang box. Wala namang kakaiba rito kaya binuksan ko. Napa-wow na lang ako dahil mga hopia pala yun. Assorted pa. Bigla tuloy akong ginutom.

"Rixton, kain muna tayo," anyaya ko sa lalaki 'di kalayuan mula sa akin.

Tumango naman siya saka inayos muna ang mga papel na nasa desk niya. Tumayo na ako para pumunta sa table na nandoon sa office namin. Siya naman ay nagpunta sa mini-pantry para magtimpla siguro ng kape.



NAKAHAIN na ang dinner nang makarating ako sa bahay. As usual, na-stucked ako sa trapik. Isa pa, dumaan pa ako sa convenience store para bumili ng isang gallon ng ice cream. Gusto ko kasing mag-stress eating. Okay lang naman siguro ito, lalo na't may kasama naman akong kakain.

"Nandiyan ka na pala. Akin na 'yang dala mo at ilalagay ko muna sa ref at magbihis ka na para makakain na tayo." Napapitlag ako kay Alex na bigla na lang napunta sa harap ko. See? Stressed nga talaga ako. Masyado nang lutang ang pag-iisip ko.

Tumango naman ako saka binigay sa kanya ang ice cream na dala ko. Dumiretso na ako sa kwarto para magpalit. Pinili ko na lang mag-boxers at puting Tshirt. Mainit din kasi ang panahon kaya mas mainam kung presko ang isusuot ko. Agad naman akong lumabas para makakain na rin. Napa-wow naman ako dahil kare-kare ang ulam na hinanda ni Alex. Paborito ko kasi ito lalo na kung may kasamang alamang.

"Nakita ko sa FB mo na paborito mo ang kare-kare kaya sinubukan kong ito ang lutuin. Sana magustuhan mo," tila nahihiya niyang paliwanag sa akin. Ginamit niya siguro ang desktop sa tabi ng TV (I mean, 'yung patungan ng TV. Huwag kayong ahunga riyan).

"Buti at alam mo 'yung password ng desktop?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Ayaw kong galawin 'yan kaya lumabas ako saglit para mag-computer sa shop malapit dito. Isa pa, nag-text sa akin ang admin sa UDSM para sa mga subjects ko, na makikita raw sa website nila."

Napatango naman ako saka, "okay naman kung gagamitin mo 'yan. Alam kong nakakaburyo rito sa bahay kaya kung trip mong mag-FB o mag-internet, gamitin mo itong desktop. Don't worry, ituturo ko ang password niyan mamaya."

Tumango naman siya saka pinag-serve na ako ng dinner. Parang ewan lang itong si Alex. Pwede namang ako na lang ang mag-serve sa sarili ko e. Napailing na lang tuloy ako. Nang matapos kumain, ako na ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan. Nakipagtalo pa ako sa lalaking kasama ko rito dahil gusto niya, siya na raw. Aba, minsan na nga lang ako mag-volunteer kaya huwag na huwag niya akong kokontrahin. Wala na siyang nagawa pa noong sinuntok ko na siya (ng mahina) sa braso. Agad kong inayos ang lahat sa lababo para mapunasan na niya ang mesa. Kailangan kong matapos agad dahil magmo-movie marathon pa kami. Horror film trip ko ngayon, mga parekoy kaya nae-excite na ako.

Patapos na ako sa pag-aayos ng lababo nang biglang may kumatok. Agad namang tumalima si Alex para i-check kung sino iyon. Maya-maya..

"Si Ate Brenda, Andrew," aniya.

Tumango naman ako habang siya naman ay agad na pinagbuksan ang best friend ko na matagal nang 'di nakakadalaw sa akin.

"Andrew!" sigaw na babaeng ito sa akin. Nasa likod ko na agad siya.

Agad ko siyang hinarap. "Wow. Ano'ng masamang hangin ang nagdala sayo rito?"

Hinampas ba naman ako sa braso. "Loka ka talaga, bakla. Haha! Miss you."

Niyakap naman niya ako. Gano'n din ang ginawa ko. It's just that, mukhang may pinahdadaanan itong best friend ko. Narinig ko kasi ang mga mahihina niyang hikbi e. Agad ko naman siyang ginuide papunta sa living room. Sinenyasan ko naman si Alex na maghanda ng maiinom at chips. Kilala ko kasi itong babaeng ito. Kapag ganitong may mga problema siya, dinadaan niya sa stress-eating. Kaya nga naging magkaibigan kami e. Sa pagkain namin dinadaan ang lahat.

"Okay.." Bumwelo muna ako. "Tell me, ano'ng gumugulo sayo ngayon."

Hindi siya nagsalita. Basta, patuloy lang siya sa pag-iyak. Naku, mukhang seryoso nga ito. Ito pa lang kasi ang unang beses na umiyak siya ng ganyan e.

"Brenda--"

"Break na kami ng boyfriend ko," bigla niyang sabi.

Hindi ko pa nakikita ang boyfriwnd niya pero alam kong mahal na mahal nito si Brenda. Nakikita ko rin na mahal na mahal ito ng best friend ko, base na rin sa kung paano siya kiligin sa tuwing nag-uusap kami. Hindi pwedeng hindi magkwento 'yan tungkol sa date nila at iba pa. Kaya nga labis ang pagtataka ko nang mabalitaan na nag-break sila e.

"Kailan?"

"A week ago, AJ. Nakakainis! Hindi ko pa rin makalimutan kung bakit kami nag-break!" kwento pa niya.

"Paano?" Kahit paano ay pinipigilan ko ang sarili ko na magbigay ng anumang kumento.

"Nakita niya kasing may kausap akong lalaki sa bar last week. Akala ata niya, nakikipag-flirt 'yung guy sa akin, e broken hearted din kaya 'yung guy na 'yun! Tapos nagawa pang suntukin ng Jordan (ex niya) na 'yun 'yung guy. Ugh, ang babaw niya! Nakakainis!"

"Teka? Hindi mo ba tanggap na break na kayo o ano? Nalito ako e," nagtataka kong tanong.

"Pareho. Pero kasi eh! Hindi naman tama 'yung makipag-break siya sa akin ng walang sapat na rason. Geez, pinagmukha pa niya akong flirt sa harap ng marami. Nakakainis!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa kanya. Hay! Iba talaga itong best friend ko na 'to. Nang maging kalmado na siya ay saka ko siya niyayang mag-dinner muna. At mukhang ready siya. May mga dala raw siyang damit at dito muna siya matutulog. So ang nangyari, makikitulog ako sa kwarto ni Alex. Doon ko kasi siya patutulugin sa kwarto ko e. Habang kumakain siya, Nilantakan naman namin ni Alex ang ice cream at chips na hinanda niya habang nanonood ng movie. Insidious ang napili kong movie. Sh!t lang, nakaka-excite 'to!

"Gaga ka talaga, AJ! Bakit horror pinapanood natin? Ito na lang!" bulyaw ni Brenda sa akin. Oo nga pala, wala itong kahilig-hilig sa mga ganitong movies.

"Big Hero 6? Loko, ilang beses na naming napanood 'yan."

"Tsk. Bwisit ka talaga," nakasimangot niyang sabi. Binuhat na niya ang plato niya at sa kusina na lang daw muna siya.

Natawa at napailing na lang tuloy ako.



TATLONG araw na ang nakalipas mula ng ipasuyo ko kay Angeli ang resignation letter ko. Maski siya ay nabigla rin doon. Sinabi pa niya na mami-miss daw niya ako. Natawa pa nga ako sa biglaan niyang pagdadrama e. So far, maganda naman ang mood ko. In fact, within two days lamang ay nagawa ko nang i-check ang report ni Janine at naibalik ko na rin ang mga dapat biyang i-revise. Si Rixton naman ay busy din sa mga inaayos niya para sa expansion plan ng dalawang kumpanya. Malamang. Hanggang bukas (Friday) na lang siya rito e.

Heto nga at sabay kami sa lunch break ngayon. Nagpa-deliver siya ng pagkain para sa amin para raw hindi na kami lalabas pa. Nahiya naman ako sa kanya kaya inanyaya ko siya sa bahay na mag-dinner. Pumayag naman siya  kaya agad kong tinext si Alex para sabihing maghanda ng marami. Plano ko rin kasing anyayahan sina Angeli at Lenard. Idagdag pa na pupunta raw si Brenda mamaya. Speaking of, okay naman siya noong naghiwalay kami ng landas noong Martes ng umaga. Mukha ngang nakapag-move on na agad 'yun kay Jordan e.

"Hey, natulala ka na naman sa akin. Don't tell me, nai- in love ka na. Yikes!" Napapitlag ako sa pag-snap ni Roxton.

At ano 'tong sabi niyang natutulala ako sa kanya?

"Oo. Iniisip ko kasi kung saan nagmumula 'yang kayabangan mo e," pabiro kong sagot. Nangisi na lang siya saka nagyaya na ulit kumain.

By 5 PM naman, nagkita-kita kami nina Angeli, Lenard at Rixton sa lobby. Mukhang excited ang magsyota dahil nga nabalitaan nilang si Alex daw ang nagluto. Kung alam niyo lang kung gaano na-excite si Angeli noong nalaman niyang magaling palang magluto si Alex.

"Kamusta pala ang resignation letter ko, Angeli?" tanong ko rito habang nasa biyahe kami pauwi.

"Naibigay ko na sa kanya through fax. Hindi ko lang alam kung ano'ng update since kani-kanina ko lang iyon na-send."

Bigla namang sumabat si Lenard. "Magreresign ka na pala?"

Oo nga pala, hindi pa niya alam. "Oo, Lenard. Actually, matagal ko na itong plano kaso pinatapos ko muna ang team building natin para mas maayos ang maging pamamaalam ko."

In no time ay nakarating na rin kami sa bahay. Halos kasunod lang naming dumating si Rixton. Hindi kasi siya pwedeng sumabay sa amin dahil nga may sarili rin siyang kotse. Sakto naman at nandoon na rin si Brenda na katulong ni Alex sa paghahanda ng dinner namin. Agad ko naman siyang pinakilala sa mga kasama ko. Nagulat pa nga ako noong napanson kong masama ang tingin niya kay Rixton. Oo nga pala, naikwento ko sa kanya dati ang pambubully sa akin ni Rixton at galit na galit siya rito. Agad naman akong nagpaliwanag.

"Brenda, matagal na 'yun, okay? Tingnan mo naman, maayos naman ang relationship namin as colleagues. Isa pa, naging magkaibigan na rin kami." Ngumiti pa ako para ipakita sa kanya na totoo ang sinasabi ko.

"Kasi naman, bakla! Sinaktan ka niya!" nakairap pa rin niyang katwiran.

Nilapitan ko naman siya at ginamitan ng charm ko. "Bae naman. Hindi ba, kaibigan kita? Siyempre nagpapasalamat ako kasi alam kong concern ka sa akin, pero matagal na 'yun. Okay? Bati na kayo."

Napangiti na lang ako nang makitang umepekto ang charm ko at siya na ang kusang lumapit kay Rixton. "Tandaan mo 'to: ako na ang makakalaban mo kapag sinaktan mo pang muli si AJ. Maliwanag?!"

"O-Oo." pagsang-ayon naman ni Rixton.

"Good. Uhm, hello!" At bineso-beso na niya ang lalaki. Natawa naman kami roon. Mabuti naman at okay na sila.

Sa hapag, panay ang kwento ni Brenda. Correction: panay ang panlalaglag niya sa akin. Tsk, pati ba naman 'yung pagsali ko sa Mr. University dati, nagawa pa niyang ikwento.

After dinner, nauna na sina Angeli, Lenard at Rixton. May kanya-kanya pa raw kasi silang business kaya kailangan na nilang umuwi. Nangako naman si Rixton na sa kanila lami mag-di-dinner sa Friday. Good thing is, mukhang okay na sila ni Alex. Panay nga ang usap nila kanina e. Mabuti naman. At least, nabawasan ang sakit sa ulo ko. Ngayon, kami na namang tatlo ang naiwan. Heto nga't dito raw muna si Brenda dahil tinataguan niya si Jordan na gusto na raw makipagbalikan sa kanya. At since matigas ang ulo ng best friend ko na 'to, hindi na siya pumayag. Inasar ko nga e. Sabi ko, theme song niya 'yung We Are Never Ever Getting Back Together ni Taylor Swift.

"Grabe ka talaga, AJ ah? Dinaig mo pa ang kagandahan ko," natatawang sabi ni Brenda. Nasa living room kami,ngayon at nanonood ng TV. I mean, primetime shows.

"Loko," natatawa ko ring sagot.

Maya-maya pa'y tumabi na sa amin si Alex. So bale, ako ang nasa gitna ng dalawa. Grabe, bigla skong nailang sa posisiyon namin.

Wala pang ilang minuto'y naramdaman ko na lang ang ulo ni Alex sa balikat ko. Hindi ko naman siya magawang lingunin dahil nga masyadong dikit ang ulo nito sa ulo ko. Ugh, damoves talaga ito kahil kailan.



FRIDAY afternoon nang bigla akong kausapin ni Angeli. Nagtungo pa talaga ito sa opisina namin.

"Excuse lang po, Sir Montenegro," paalam nito kay Rixton. Tango lang ang isinagot ng huli sa kanya.

Nang makalabas ay saka siya nagsalita.

"Andrew, hindi pinirmahan ni Mr. Umali ang resignation letter mo," balita nito sa akin.

"Ha? Bakit daw?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam, pero he said that, pumunta ka raw ngayon sa office niya matapos kitang kausapin."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Nandiyan siya?"

"Yeah, kakarating lang niya, actually," sabi pa niya.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Siyempre, hindi naman gano'n kadaling mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Isa pa, nakakaramdam pa rin ako ng inis sa mga sinabi niya kay Alex.

"Uy! Okay ka lang?" Nabalik lang ako sa sarili dahil sa pagkaway ni Angeli.

"Oo, tara?"

Sabay na kaming naglakad papunta sa office ni Patrick. Habang papalapit kami, mas tumitindi pa ang kaba na nararamdaman ko. Maraming tumatakbo sa isip ko, mostly, kung ano ang magiging kalalabasan ng pag-uusap namin. Ugh!

"Andrew, nandito na tayo? You may enter na," ani Angeli.

Napabuntong-hininga muna ako bago katukin ang pinto. Bahala na.

Pagkabukas, nabungaran ko ang Patrick na seryosong nakaharap sa kanyang laptop at seryosong-seryoso sa ginagawa.

"S-Sir.." pagtawag ko sa kanyang atensyon.

"Have a seat," cold niyang sabi. Ni hindi man lang ako nagawang lingunin.

Paupo na ako noon nang..

"Magreresign ka dahil sa ginawa ko no'ng team building?"

[Itutuloy..]

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon