Ikawalong Biyahe
Alex' point of view:
Masaya kong tinahak ang daan pauwi sa bahay ng tiyahin ko. Taliwas ito sa mga nakaraang pag-uwi ko roon na puno ng pangamba. Sa wakas, makakabangon na ako sa putik na kinasadlakan ko. Labis ang pasasalamat na nadarama ko para kay Kuya Andrew. Ngayon ko lang napagtanto na may mga tao pa pala na may mabuting kalooban.
Isa na siya roon.
Sa totoo lang, unang pagkikita pa lang namin, nakaramdam na agad ako ng kakaiba sa kanya. 'Yung pakiramdam na parang bumagal ang ikot ng mundo at animo'y kayong dalawa lang ang tao sa rito? Walang halong biro, gano'n talaga ang nararamdaman ko noong mga oras na 'yun. Pero mali e.
Pareho kaming lalaki.
Oo nga't bisexual siya, pero hindi natin maitatago ang katotohanang lalaki pa rin siya.
Hindi ko rin alam kung bakit ko siya na-offer-an ng serbisyo ko. Kadalasan kasi, mga lantad na bading ang nilalapitan ko. Takot kasi akong magkamali, tulad ng nangyari sa amin ni Kuya Andrew. Sila na lang ang hinahayaan kong lumapit para wala na lang gulo.
Hindi ako 'yung callboy na basta-basta lang. Ayaw ko kasing magka-AIDS o anupamang sakit, kaya lahat ng precautionary measures na alam ko, ina-apply ko. Malay ko ba kung malinis o marumi ang nakakasalamuha ko?
Malapit na ako sa bahay ng tiyahin ko nang makasalubong ko si Baste, isa sa mga kasamahan ko sa pagko-callboy.
"Ang tagal mong nawala, tol. 'Yung mga kliyente mo, hinahanap ka," aniya. Hindi man lang nahiya sa mga tao sa paligid.
"Tol, hindi na ako babalik sa pagko-callboy." Ngumiti pa ako nang bahagya.
Bakas naman sa mukha niya ang pagkabigla. "Langya-- totoo?!"
Tumango lang ako.
"Ano bang nangyari't nagbagong-buhay ka?" tanong niya sa akin. Gumilid muna kami para hindi kami pakalat-kalat sa gitna.
"Nagkita kasi kami ng pers lab ko at nalaman niya ang pinaggagagawa ko sa buhay ko kaya kukunin niya ako," palusot ko. Ayaw ko namang idamay pa rito si Kuya Andrew. Kung maaari, ayaw kong masangkot siya sa mga kag@guhan ko.
Sinuntok naman ako nito sa braso. "Naks! May part two na ang lab stori niyo niyan."
"G@go!" Nagtawanan kami.
Nagpaalaman na kami sa isa't-isa. Siya, dumiretso na sa overpass. Ako, kina auntie.
NASA tapat na ako ng bahay nina auntie. Hindi ito kalakihan, ngunit kasya naman kami. Napabuntong-hininga muna ako bago kumatok.
"Sandali!" Si auntie. Malamang ay nagpapaka-donya na naman sa loob.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014