Ika-dalawampu't Pitong Biyahe

4K 140 10
                                        

Ika-dalawampu't Pitong Biyahe:



Andrew's point of view:



Naging masaya ang weekends namin ni Alex. At least, napasaya ko naman siya. Bago pa nga umuwi kahapon ay dumaan muna kami sa sementeryo kung saan nakalagak ang puntod ng kanyang magulang. Nag-alay kami ng mataimtim na dasal para rito bago umuwi't makapagpahinga. Kinagabihan din ay tinawagan ko si Dad para ipaalam ang desisyon ko. Nagulat pa nga ako noon na hindi na raw siya nabigla dahil alam na raw niya ang tungkol dito. Tinanong ko kung paano niya nalaman, ngunit hindi naman niya ito sinagot. Instead, sinabi niya na may ipapakilala siya sa akin bukas -- I mean, ngayon.



"Kain na tayo, Andrew." Naputol ang pagmumuni ko nang magsalita si Alex. Hindi pa siya nakabihis noon dahil alas-nuebe pa naman daw ang start ng klase niya.



Tumango naman ako saka sumunod na rin. Ilang saglit lang ay natapos na rin ako at naghanda na sa pagpasok. Alas-sais y media pa lamang ng umaga noon.



"Since mas una akong uuwi sayo, ako na ang maghahanda ng dinner, okay lang ba?" tanong pa nito sa akin habang sinusundan ako sa garahe.



"Bahala ka, basta sarapan mo saka damihan mo. Dadalaw daw sina Angeli mamaya," bilin ko sa kanya.



"Aye! Aye! Captain!" Parang tanga lang.



Quarter to eight na ako nakarating sa kumpanya namin. Nakakapanibago lang na makaapak muli rito, makalipas ang ilang taon. Napa-wow na lamang ako sa pinagbago nito. Idagdag pa na nagkaroon ito ng extension sa gilid. Mukhang mahihirapan ako nito, ah? Agad na akong bumaba para pumasok sa loob. Binati naman ako ni Mang Arnold, isa sa mga sekyu roon. Kilala pa rin niya ako. Binati ko rin naman siya bago dumiretso sa information desk. Mukhang bago na rin ang nandito ngayon.



"Good morning. Applicant po kayo? Pasensya na po at walang hiring ngayon," walang-lingong sabi nito. Paano, busy kakadutdot sa phone niya. Idagdag pa na nakapasak ang headset nito sa tenga.



Hindi ako sumagot. Instead, nandoon lang ako at nakamasid. Mukhang napansin naman niya na hindi ako natinag sa pwesto ko kaya nagsalita siyang muli.



"Ano ba 'yan. Sir, hindi po ba kayo makaintindi na wala kaming hiring ngayon?! Layas na! Tsupi! Huwag nang makulit."



Aba, pvtanginang babae ito, ah?



Mukhang napansin naman ako ni Patricia, iyong dating nasa position ng kupal na babaeng nandito at nilapitan kami.



"Good morning po, Sir AJ. Naku, kanina pa po kayo hinahantay ng--" Inunahan ko na siya. Ayaw kong malaman ng kupal na 'to na anak ako ni Mr. Canlas. May maganda akong plano.



Nang makalayo kami ni Patricia, "Pat, sino ba 'yun?"



"Alin, Sir AJ? Iyong nasa info desk? Naku, si Bea 'yun," magalang naman niyang sagot.



"Matagal na ba 'yun dito?" tanong ko pa.



"Halos isang taon na rin, Sir. Bakit po ba?" tanong naman niya.



"Wala naman. Nagtataka lang ako dahil may nakapasok pala ritong animal," nakangiti kong sagot. Sarkastiko lang.



Mukhang nahinuha naman ni Pat ang ibig kong iparating. "Naku, Sir, ako na po ang humihingi ng dispensa sa inasal ni Bea sa inyo. Ganyan po talaga iyang babaitang iyan. Masyadong straw!"



Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksiyon niya. Talaga may pinaghuhugutan din itong babaeng ito, e.



"Sir, I mean, sipsip po iyan sa bagong HR Officer dito, kaya kahit ganyan ang work ethics niyan, wala kaming magawa." Now I know kung bakit.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon