Ikalawang Biyahe

11.4K 244 15
                                    

Ikalawang Biyahe

 

AJ's point of view:

"500 lang, okay na ako."

Anong sinasabi ng batang ito? Hindi ko siya ma-gets? A-At anong 500 ang tinutukoy niya? Seriously?!

"H-Ha?" mautal-utal kong tanong. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Parang masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"'Di ba, naghahanap ka ng panandaliang-aliw? Pwede ako!" Ngiting aso pa siya habang sinasabi iyan. Aba, loko ‘to ah?!

At..

At..

At..

At nagpakabibo pa ang ungas!

Pero aminin ko, medyo napalunok ako sa sinabi niya. Alam naman natin na lahat tayo, may tinatagong vulnerability. Geez! Pero hindi! Hindi ako magpapakababa para lang sa bagay na iyon!

Never!

“Ano, saan tayo? Sayang ang ora–“ Inunahan ko na siya.

"Mukhang nagkamali ka ng nilapitan, bata. Excuse me," seryoso kong tugon at naglakad na paalis. Shit lang, ano ba 'tong lugar na ito! Sa tinagal-tagal ko nang nagagawi dito, ngayon pa ako naka-encounter ng ganito.

Pero.. hindi ko makalimutan ang maamong mukha ng binatang iyon. Looks can be deceiving, ika nga ng ilan.

Ugh.

Nagmadali na akong bumaba sa overpass. Sakto naman at may huminto agad na jeep nang makababa ako. Uwing-uwing na talaga ako. Ugh. Idagdag pa yung dalawang siraulong nagyaya sa akin. Unang-una na 'yang si Patrick. Napakalibog! Akala niya, makukuha niya ako? Pwes, nagkakamali siya! Tapos, yung siraulong callboy na yun? Naku, humanda 'yan sa akin. One of these days, ire-report ko 'yan sa pulis.

Pagod na pagod na akong umuwi sa apartment ko. Parang napakahaba ng naging biyahe ko ngayon. Nakakastre---

"HAPPY BIRTHDAY, BAKLA!"

Napapitlag ako nang marinig ko ang nakakarinding boses ni Brenda. Ugh, siya lang ang nakakagawang tumawag sa akin ng 'bakla'. Ewan ko sa kanya. Nung una, ayaw ko sa tawag niyang iyon. Hindi naman kasi ako bakla e. Bisexual lang ako. Magkaiba iyon. Ang sabi naman niya, parehas lang daw iyon. Tignan niyo, iyan ang tunay na kaibigan. Tsk.

"O, tapos ka na?" walang ganang sagot ko. Pagod talaga ako ngayong araw.

Nag-pout naman siya. "Ang sama mo, AJ. Kita mo na ngang nag-effort na ako para bigyan ka ng surprise, tapos, 'di mo man lang ma-appreciate. Hetchu!"

Sus, nagtampo na agad. 'Di bale, gagamitin ko ang charm ko sa kanya.

"Sorry na, bae. Alam mo namang stressed ako ngayon e. Sobra kong na-appreciate ito. Salamat, bae," niyakap ko pa siya. So bale, nasa likuran niya ako.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon