Huling Biyahe

5.3K 125 47
                                    

Huling Biyahe:

Alex' point of view:

Ang buhay ay isang napakahabang biyahe. Minsan pa nga, tila walang katapusan. Hindi mo alam kung saan matatapos ang iyong life journey. Minsan, kahit hindi pa roon ang finish line, humihinto na tayo; sumusuko.

Sa biyaheng ito, marami kang nakilala at nakakasalamuha.

May mga nakiki-ride in din sa iyong biyahe.

May mga nakikisakay, kahit hindi naman sila dapat sumakay.

At may mga nanggugulo at nagdedeklara ng holdap.

Nakakatawa? Oo, alam natin iyan.

Pero, nangyayari talaga.

Kung hindi naman, may mga fortuitous events na maaaring mangyari; mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari.

Hindi natin kontrolado ang buhay. Hindi ito isang program sa computer na maaari mong manipulahin nang naaayon sa iyong kagustuhan. May mga pangyayari na hindi natin maiiwasan, at kusang nangyayari ayon sa itinakda ng panahon.

Nakakalungkot lamang isipin na kahit ano'ng gawin nating paraan, hindi na maaaring maibalik ang nakaraan. Hindi na natin maaaring maitama ang mga pagkakamali.

At, lalong hindi na natin maaaring makita ang mga taong nawala na sa ating paningin.

"Teka, bakit ang lungkot naman niyan?"

Napahinto ako sa ginagawa kong speech. Doon ko lang napansin ang mga pinagta-type ko sa MS Word sa aking laptop. Oo nga, masyadong dramatic. Baka akalain ng mga kapwa ko estudyante at mga magulang na nandoon, may namatay.

Nagtataka ba kayo?

Oo, mahigit tatlong taon na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang lahat ng malulungkot na alaala sa aming buhay. Tatlong taon na, ngunit narito pa rin lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Tuluyan na akong iniwan ni Kuya, mga isang linggo matapos mangyari ang aksidenteng iyon. Noong una, halos hindi ko matanggap.

Halos magpakamatay na nga ako, e.

Mabuti na lamang at nandyan sa Andrew -- ang bukod tanging tao na hindi ako iniwan. Malaki ang naitulong niya para maka-move on ako sa mga nangyari.

"Naalala mo na naman siya?" tanong sa akin ng pinakamamahal ko.

"Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat. Siguro, proud na proud sa akin 'yun ngayon," nasabi ko na lang sa kanya.

Niyakap naman niya ako habang nakaupo ako, at siya naman ay nakatayo sa likod ko. Ang bango niya lalo.

"Ako nga rin, e. Akala ko nga, mamamatay na rin ako noon. Mabuti na lang at dumating kayo bigla." Naramdaman ko ang kanyang pagbuntong-hininga sa aking leeg.

Tumayo ako noon at humarap sa kanya. Niyakap ko siya noon nang sobrang higpit. "Andrew, hindi ko hahayaan na masaktan ka ng Claire na iyon. Mabuti na lang at nandoon noon si Rixton saka 'yung kababata ng Claire na 'yun na si Jeremy."

"Nabigla ako noon sa presensya ni Jeremy. Akala ko, may gagawin din siya sa aking masama," aniya. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ko.

"Mahal daw niya si Claire kaya siya na rin ang bumaril dito. Natatakot at nasasaktan na rin daw siya sa mga ginagawa ni Claire," dagdag ko pa.

Naputol ang moment namin nang may marinig kaming umiiyak. Agad kaming napakalas sa pagkakayakap para tingnan ang anak namin sa kwarto?

Naabutan namin noon si Andrei na umiiyak. Mukhang binabangungot na naman.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon