Ika-tatlumpu't Walong Biyahe:
Andrew's point of view:
"What the fvck!?" Naibulalas ko na lamang noong mga oras na iyon. Halos maihagis ko na ang box na iyon sa takot! I mean, sino naman kayang may sayad sa utak ang papatay ng daga para lang ipanregalo sa akin?! Isa pa, hindi rin ito masangsang-- no wonder kung bakit hindi man lang nahalata ng security.
Agad kong pinatawag noon si John para ialis ang kahon na iyon.
"Kailangan ko ng CCTV footage sa lobby para malaman ko kung sino ang baliw na nagbigay niyon sa akin," ani ko sa kanya.
"Pinapa-save ko na po sa security," sagot naman niya.
"Sino kayang pwedeng gumawa no'n? I mean, wala naman akong kaaway, ah?" nagtataka kong tanong.
"Si B-Bea po, Sir. 'Di ba, tinerminate niyo siya sa work niya?"dagdag pa ni John.
Napaisip din ako noong mga oras na iyon. Hindi naman kasi imposible ang kanyang sinasabi e. Pero, kung maaari, ayaw kong mag-jump agad ng conclusion. Maaari rin naman kasing hindi siya. Ugh, napa-paranoid na ako.
"Sir.."
Agad akong napalingon sa pinto. Nandoon na pala 'yung security. Mukhang dala na nito ang flashdrive kung saan ko pina-save ang CCTV footage na iyon.
"Wala ba talaga kayong ideya kung sino 'yun?" tanong ko pa rito. Nagbabakasakali lang naman.
"Sir, naka-hoodie po kasi ito saka naka-shades kaya hindi po namin makilala. Isa pa, hindi na rin po kami nagdalawang-isip dahil sabi po niya, college friend niyo raw po," paliwanag nito bago tuluyang lumabas.
Agad naman naming pinanood ang video. Kahit kami ni John, hindi makilala ang babaeng iyon. Paano ba naman, Stitch (Lilo & Stitch)-inspired ang hoodie nito. Idagdag pa na naka-shades ito. The fvck lang, 'di ba? Aftrr that, John and I decided na puntahan si Bea sa tinitirhan nito, hindi kalayuan. Hindi naman sa siya na talga iyon, pero, 'di ba nga, hindi maganda ang huli naming pag-uusap? Ayaw ko namang palakihin ito, kaya aayusin ko na.
"Sir, gusto niyo po, ako na muna ang magmaneho?" John asked. Tumango na rin ako, after realizing na baka madoble pa ang kamalasan ko sa araw na ito.
In no time, narating na rin namin ang bahay nina Bea. Buti na lang at walang appointment ang ama nitong HR Officer ng kumpanya kaya naitanong ko rito ang address nila. Agad namang nag-doorbell si John. Saglit pa'y may kasambahay na lumabas.
"Ano po'ng kailangan nila?"tanong nito sa amin.
"Ah itatanong lang po sana namin kung dito po nakatira si Ms. Bea?" Si John ang nakipag-usap rito.
"Ah, opo. Nandito po siya. Saglit lang po at ipapaalam ko po."Umalis na rin ito pagkatapos.
Makalipas pa ang ilang segundo, lumabas na ito, habang nakataas pa ang kilay. Hindi ko na lamang iyon ginawang big deal.
"Ano'ng kailangan ninyo?!"mataray nitong tanong sa amin.
Si John pa rin ang nagsalita. "Nandito kami kasi itatanong lang namin kung ikaw ba itong nasa video na ito." Sabay labas ng kanyang phone at inabot ito kay Bea.
Kinuha naman ni Bea ang phone at tahimik na pinanood ang video. Maya-maya pa'y ngumisi ito sa amin.
"Bitchesa lang ako pero hindi ako ganyan ka-cheap na tao. Duh, tingnan niyo nga. Never in my life na magsusuot ako ng ganyang baduy na hoodie. Isa pa, ano bang pakialam ko sa inyo? Wala na akong pakialam sa kumpanya ninyo," mataray nitong untag. Mabuti naman at hindi siya iyon.

BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014