A/N: Sorry dahil ngayon lang nakapag-update. Ang dami kasing nangyari last week -- mostly, school matters.
Dahil Valentine's month ngayon. HAHA.
***
Ikalabing-apat na Biyahe:
Andrew's point of view:
Ilang linggo na ang nakalipas nang ma-promote ako as Marketing Head. Ayos naman ang pakikitungo ng mga colleagues ko sa akin. Naa-appreciate ko ang respeto ni ipinupukol nila sa akin. Ang masaklap nga lang doon ay ang katotohanang magkasama kami ni Rixton sa iisang kwarto! Wala nang ibang ginawa ang taong iyon kung hindi ang sirain ang matiwasay na araw ko. 'Yung tipo bang, mangungulit lang siya para sa isang walang kwentang bagay? Katulad na lang ngayon..
"Andrew! Huy!" tawag niya sa akin mula sa kanyang desk.
Hindi ko nga pinansin. Ugh, kailangan kong tapusin ang mga ginagawa ko ngayon para wala na akong problema sa mga susunod pang araw.
"Why you gotta be so ruuude~ Don't you know I'm human too~ Why you gotta be so rude~ I'm gonna MARRY YOU anyway~" Napailing na lamang ako nang bigla siyang kumanta. Sh!t lang. Talaga bang hindi titigil ang taong ito sa pangungulit sa akin?
"Please, huwag ka munang maingay? May kailangan pa akong tapusin e," malumanay kong saway. Ewan ko na lang kung hindi pa siya tumigil.
"Ikaw naman kasi.." Saglit siyang nag-pause. "Nasa iisang office nga tayo pero parang hindi naman tayo nag-uusap."
Alam niyo 'yung hitsura niya? Para siyang ewan na kung makapag-puppy eyes e wagas! Basta! Nakakainit siya ng ulo! Feeling niya, bagay sa kanya.
"Paki mo ba?!"
"Tsk, highblood ka na naman. Fine, tatahimik na muna ako, pero huwag mong kakalimutan ang reward ko ah? Valentine's Day pa naman bukas." Nahinuha ko naman ang gusto niyang iparating. Gusto niya ng.. date? Hindi ako sigurado pero kung uunawain ang statement niya, iyon ang pinupunto niya.
"Good," bulong ko lang sa sarili.
HINDI ko na napansin ang oras, at lunch break na pala. So far, natapos ko na ang mga ginagawa ko at konting editing na lang ang gagawin ko mamaya. Hindi na rin kasi ako kinukulit ng Rixton na 'yun e. Mukhang nagseryoso nga ang g@go. Well, maganda nga 'yun. At least, 'di nawala ang focus ko.
Patayo na ako nang bigla rin siyang tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
Agad akong napatingin sa kanya. Ang seryoso niya lang? So talagang sineryoso nga niya ang sinabi ko?
"Kakain na. Sama ka na," kaswal ko lang na sagot.

BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014