Ika-tatlumpu't Apat na Biyahe

3.6K 116 6
                                    

Ika-tatlumpu't Apat na Biyahe:

Rixton's point of view:

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa condo ko, gayong masyado pa akong lutang dahil sa nangyari. Sh1t! Ano ba'ng pumasok sa kukote ko at iyon ang nasabi ko? Ang gagawin ko lang naman noong mga oras na iyon ay ang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko-- or should I say, ipaliwanag ang side ko. After that, simulan ang panliligaw ko sa kanya. Pero, lahat ng iyon, hindi man lang naisakatuparan. Paano pa ako lalaban kung sa umpisa pa lang, pagmamay-ari na ng iba ang taong gusto kong ipaglaban? Alam ko na sa umpisa pa lang ay mahal na nila ang isa't-isa. Nakikita ko rin na hindi siya lolokohin ni Alex. Sa tingin ninyo, makakalaban pa ba ako roon?

Buong magdamag ay nilasing ko lamang ang aking sarili at doon ay hinayaan kong lunurin ako ng alak. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin na harapin ang sinasabi nilang consequences.

HAPON na yata nang magising ako. Medyo masakit pa ang ulo ko noong mga oras na iyon. Dala marahil ng hangover. Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Damn, wasted na wasted ang hitsura ko. Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili ko noon. Hindi ko alam pero nangangatog ako noong matapos kong maligo. Parang mas tumindi rin ang sakit ng ulo ko, pero pinilit ko pa ring magbihis. Nagsando at boxers na lang ako noon dahil iyon ang una kong nahagilap sa closet ko. Agad akong nagpunta sa kusina para maghanda ng pagkain ko. Baka gutom lang ito kaya ako nanghihina.

Patapos na ako noong kumain nang may kumatok. Agad ko iyong sinilip sa peephole—na si Andrew pala. Hindi ko alam pero naramdaman ko ulit 'yung naramdaman ko kagabi. Masyado ko kasing mahal 'yung tao na 'yun e, kaya masakit tanggapin na kailangan ko na siyang i-let go. Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pintuan.

"Hello, Andrew," medyo nanginginig kong bati. "N-Napadaan ka?"

Ngumiti naman siya. "Hello din. Galing ako sa bahay ng kaklase ni Alex na malapit lang sa condo mo, kaya naisipan ko nang daanan ka. Dumaan na rin ako sa convenience store at dinalhan kita ng pagkain."

"Naku, salamat at nag-abala ka pa. Bahala ka 'pag bigla akong nakaisip ng kababalaghan." Natawa ako roon. "Biro lang. Come here."

Nang makapasok ay pinaupo ko na muna siya sa sofa. Nagtama pa ang mga kamay namin—dahilan para matigilan siya.

"Teka, ang init ng singaw mo ah?" Agad niyang sinapo ang noo ko. "Sh1t! Ang init mo! Tara, punta tayo sa room mo."

Bigla akong natigilan. "Magse-sex tayo?" natatawa kong biro. Nagagawa ko pang magbiro, e nilalagnat na nga ako.

Namula siya saka.. "Ulol! Ang dumi mong mag-isip! Naku, magpahinga ka at ako muna ang nurse mo ngayon."

Napakamot na lamang ako ng ulo noon habang papunta kami sa kwarto ko. Agad naman niya akong pinahiga sa kama at kinumutan. Nang matapos ay lumabas siya. Para kumuha siguro ng panghilamos. Napapailing na lang ako. Hindi ba niya napansin na kakaligo ko pa lang? Hindi nga ako nagkamali noon dahil may dala siyang palanggana at bimpo.

"Kakaligo ko lang, Andrew noong dumating ka."

Nabigla na lang ako nang batukan niya ako. "Gago ka pala e. Nilalagnat ka na nga't lahat, nagawa mo pang maligo?! Hay naku ka naman!"

Natatawa na lang ako sa kanya noon pero hindi na ako nag-react. Kahit man lang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay makasama ko siya, okay na ako roon. Wala naman akong planong masama sa kanya, although I'm planning one. Biro lang. Masyado akong awesome para gumawa ng mga ganoong mga bagay. Maya-maya pa'y nakatulog na ulit ako.

***

Alex' point of view:

Pangalawang araw na ito na hindi ako pumapasok, pero unlike kahapon, tinext ko na ang ilang prof namin na masama pa rin ang pakiramdam ko. Naiintidihan naman daw nila at bibigyan na lamang ako ng make up quiz sa susunod na meeting. Paalis ako ng bahay ngayon dahil biglang nag-text sa akin si Andrew na pumunta sa condo ni Rixton. Nandoon daw kasi siya ngayon at inaalagaan si Rixton. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba dahil alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ako ipagpapalit ni Andrew. Hanggang ngayon, hindi pa rin mataggal ang saya na nararamdaman ko sa nangyari kagabi. Matapos naming mag-movie marathon ay nangyari na nga ang hindi inaasahan. Ang nakakatuwa pa roon ay siya mismo ang gumawa ng first move—na usually, ako lagi ang gumagawa. Pero, sa lahat ng iyon, isang bagay pa ang pinakanagdala sa akin ng labis na tuwa—noong sinabihan din niya ako ng 'I love you too, babe'. Damn, parang dinaig ko pa noong mga oras na iyon ang nanalo sa lotto e. Alam kong OA, pero ganito nga talaga kapag nagmamahal ka—nagagawa mong sumaya kahit sa mga simpleng gestures lang.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon