Ika-dalawampu't isang Biyahe:
Andrew's point of view:
Maaga akong nagising kinabukasan. Ang sakit ng bandang puwitan ko. Ah, oo nga pala. Inatake na naman kasi ng ispirito ng kalibugan itong katabi kong g@go. Kahit ako ay nabigla noong bigla niya akong pasukin sa CR at siilin ng halik. Ako naman itong si t@nga at nagpaalipin na naman sa mga labi niya. Ugh! Humanda siya sa akin mamaya dahil ako naman ang magpapaka-top.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin. Matatanggal na sana ngunit nakaramdam ata ang ungas at muling nilagay ang kamay niya sa baywang ko. Ugh! Loko 'to ah?! Dinantay pa talaga ang isa niyang hita sa akin! Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari kagabi kung saan nag-dirty dancing pa itong loko na 'to. At sa aminin ko man o hindi, nasarapan ako sa mga pangyayari.After 15 minutes siguro ay pinilit ko nang tumayo. Hinarap ko itong lalaki na ito na persistent sa pagyakap sa akin.
"Hoy, mister.." mahina kong sabi. "Tsansing pa more."
Nagawa pang ngumisi ang ungta. "Good morning, Andrew."
Kahit anong pagtanggal ang gawin ko ay ayaw talaga niya. Tsk. Hinayaan ko na lang tuloy siya sa pagyakap niya sa akin. Maaga pa naman e. Mga 6:45 AM pa lang naman at tanghali pa kami pupunta sa Tagaytay.
"Ang libog mo, ano?" seryoso kong tanong sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Hindi ko itatanggi."
Natawa na lang ako. Ganoon pa rin ang posisyon namin -- magkaharap, habang siya ay nakayakap sa akin. Halos magkatapat lang ang mukha namin. Hay, oo na, ang gwapo talaga ng isang ito. Hindi ko na itatanggi. Sa tingin ko, 'yung kilay niya talaga ang asset niya. Napaka-expressive kasi e. Hay, ano ba 'to. Nagmumukha akong manyak.
"Alam kong pogi ako, Andrew." Ngumisi pa ang ungta!Kinurot ko nga ang ilong. At kasabay niyon, naramdaman ko na naman ang ano niya na nabubuhay. Ha! Gaganti na ako.
"Alam ko 'yang iniisip mo," aniya.
"Alam mo naman pala e."
BLESSING in disguise na ring matuturing ang pag-ring ng cellphone ko. Kasi kung hindi, mahuhuli kami sa biyahe. Rush hour pa naman ngayon. Pagkatingin sa phone, nanlaki ang mata ko. 20 missed calls galing lahat kay Patrick. Ano naman kayang problema ng isang 'yun? Sakto at nag-ring ulit iyon.
"Hello, Sir," bati ko sa kanya sa kabilang linya.
"Hello, Andrew. Papunta ka na ba sa venue?"
"Sir hindi pa po. Nag-aayos pa po kami ni Alex ng mga dadalhin namin," palusot ko.
"Ah gano'n ba? Sige, ingat kayo sa biyahe."
In-end ko na rin iyon saka tumayo na. Napatingin ako kay Alex na gising na rin noong mga oras na iyon. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Ano'ng nangyari dito? Ito na ba 'yung epekto ng ginawa ko sa kanya?
"Maligo ka na. Aalis na tayo before 12." Lumabas na ako.
NANG maiayos na ni Alex ang lahat ng mga dadalhin namin sa kotse ay inilock ko na ang bahay. Sa totoo lang ay 'di pa kami kumakain ng agahan at tanghalian. Plano ko kasing sa KFC malapit na kami kumain para dire-diretso na kami.
"Wala ba tayong nakalimutan?" tanong ko sa kanya kakasakay ko lang sa loob.
"Wala na po, captain," natatawa naman niyang sagot.
"Loko ka talaga," natatawa kong sabi.
***
Alex' point of view:
Dire-diretso lang ang biyahe namin papuntang Tagaytay. Ang maganda lang dito ay parang ang dami kong naipong enerhiya. Ako kasi ang daldal nang daldal sa kanya e. Kinwento ko sa kanya ang nangyari kahapon sa UDSM saka noong nagpunta kami sa mall ni Baste. Masaya naman siya dahil nakikita daw niyang nag-eenjoy ako sa mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014