Ika-dalawampu't dalawang Biyahe:
Alex' point of view:
Naabutan ko si Andrew na nakahiga na sa kama namin. Mukhang nakatulog na siya. Kung sabagay, nakakapagod nga naman 'yung maghapon kang nagmamaneho. Imbes na gisingin ay inayos ko na lamang siya sa pagkakahiga niya para makatulog na siya ng mahimbing. Nang maiayos ay napagdesisyunan ko munang lumabas saglit para magpahangin. Hindi naman niya siguro ako hahanapin, 'di ba? Hindi bale, mag-iiwan na lamang ako ng note para kung sakali mang magising siya ay 'di siya mag-alala. Alam niyo naman 'yun, masyadong concern sa akin. Haha! Hindi, biro lang.
Sa paglalakad ko sa dalampasigan ay ramdam ko ang hangin na nanunuot sa aking balat. Malamig ang panahon kahit na summer. Ang presko lang. Naupo ako sa isa sa mga batuhan na nandoon at pinagmasdan ang buong karagatan. Napabuntong-hininga na lang ako nang bigla kong naalala ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko bago ko pa makilala si Andrew at hikayatin na magbago. Dati, wala akong ibang gusto kung hindi ang kumita at mabuhay sa mundong ito. Dati, kahit anong pilit kong magsumikap para lang makaalis sa pagiging callboy ay wala pa rin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung tama pa ba ang tinatahak ko o hindi? Ah, ewan. Basta bigla ko lang naalala lahat.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang bigla kong napansin si Kuya Patrick sa likod ko.
"Hindi ka makatulog?" tanong niya sa akin. Naupo rin siya sa tabi ko.
Tumango ako. "Namamahay ako marahil."
Lumipas ang isang minuto na walang nagsasalita sa amin. Wala rin naman akong itatanong sa kanya e. Isa pa, pakiramdam ko, nagseselos din ito sa amin ni Andrew. Maya-maya pa'y binasag na niya ang katahimikan.
"Mahal mo ba talaga si Andrew?" Iyan ang tanong niya sa akin.
Hindi ako lumingon. "Oo, mahal ko siya."
"Huwag na tayong maglokohan dito, Alex. Alam ko ang nakaraan mo kaya imposibleng mahal mo na siya agad," sabi pa niya. Hindi pa siya natinag sa pagkakaupo niya.
Napantig ang tenga ko roon. Ano bang alam niya? Na isa akong callboy dati? Na pera lang ang habol ko kay Andrew? E pvtanginang pera pala 'yan!
"Alam mo nga ang nakaraan ko pero hindi mo alam kung sino talaga ako, Kuya Patrick. Iyan naman ang tingin niyo sa aming mga callboy e -- mukhang pera," kalmado kong sagot sa kanya. Sa totoo lang, kanina ko pa siya gustong sapakin.
Tumayo na ako noon para bumalik sa kwarto namin nang..
"Bakit, hindi nga ba?" At nagawa pa niyang ngumisi. "Iyang pagpasok mo sa UDSM? Hindi ba't pinilit mo si Andrew? Alam nating dalawa na pang-mayaman ang iskwelahan na iyon? Napaka-imposible namang makakaya mong gumastos para roon, 'di ba?" dagdag pa niya.
Dito na ako nakaramdam ng galit kaya walang anu-ano'y sinuntok ko siya sa mukha -- dahilan para mapaupo siya sa buhanginan. Tangina, ano bang karapatan ng mga tao na pulaan ang pagkatao ko? Hindi ko nga sila pinapakialaman sa mga ginagawa nila e, pero bakit sila, pinapakialaman ako?
"Wala kang alam, Patrick. Hindi mo alam kung ano'ng hirap ang mga pinagdaanan ko para lamang mabuhay sa mundong ito. Hindi mo alam kasi hindi mo pa alam ang pakiramdam ng mamatayan ng magulang. Hindi mo pa nararanasan kung paano mahirapan kakahanap ng pera para lang mabuhay. Ah, hindi mo nga pala alam kasi lumaki ka nga pala na nandiyan na sa harapan mo ang lahat." Saglit akong huminto. "Hindi niyo alam kung bakit may mga callboy sa kalye kasi may pera kayo. Hindi niyo alam kung bakit namin ito ginagawa, kaya huwag na huwag ninyo sasabihin na marumi kaming tao; na mukha kaming pera. Wala naman kayong alam e."
Hindi siya nakasagot sa akin. Totoo naman kasi ang sinabi ko e. Wala silang alam sa mga naging buhay namin at kung bakit namin pinapasok,ang pagiging callboy. Bakit? Ginusto ba namin ito? Hindi naman ah! Palibhasa, mga anak-mayaman sila. Hindi na nila kailangan pang kumilos para lang kumita ng pera. Ito ang hirap sa pagiging mahirap e. Hindi ka magkakapera kung hindi ka gagawa ng paraan. Pero bakit gano'n? Kami pa rin ang laging masama? Kami pa rin ang laging pinandidirian? Kami pa rin ang nagmumukhang pera?
Dahil doon ay nagpasya na akong bumalik sa kwarto namin ni Andrew. Hindi ko na alam ang pwedeng mangyari kung sakali mang magtagal pa ako roon. Baka hindi lang suntok ang magawa ko sa Patrick na 'yun na walang pinagkaiba sa g@gong Rixton na 'yun.
HINDI ako dalawin ng antok. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa kisame ngunit wala man lang sign ng pagkaantok. Kanina ko pa kasi naiisip ang nangyari kanina. Aminin ko man o hindi, bigla akong napaisip sa sinabi ni Patrick kanina. Pera lang ba talaga ang habol ko kay Andrew? Matagal ko nang alam na hindi iyon ang gusto ko pero bakit gano'n? Pakiramdam ko ay nagiging gano'n ako? Ang gusto ko lang naman ay makapag-aral ako e. Isa pa, hindi ko naman iyon hiningi sa kanya. Katunayan, sinabi ko sa kanya noon na maghahanap ako ng matinong trabaho para lang makapag-aral akong muli. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong mga ginagawa ko o hindi na.
"Hmm, ang kulit mo namang matulog." Napapitlag ako nang biglang magsalita si Andrew. Mukhang naalimpungatan sa paglikot ko sa kama.
"S-Sorry," ang tanging nasagot ko.
"T-Teka, bakit gising ka pa? Gabi na saka maaga pa tayo bukas," sabi pa niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako roon.
"Hindi ako m-makatulog e. Sige na, matulog ka na," sabi ko na lang.
Akala ko ay nakatulog na ulit siya pero hindi pa pala.
"Alan kong may bumabagabag sa iyo. Sige na, makikinig ako," sabi niya bigla.
Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Kasi naman, kung maaari ay ayaw ko na siyang madamay pa rito. Ako lang naman ang sangkot dito e.
"Sasabihin mo ba o hindi? Dalian mo na," dagdag pa niya. Hay.
"Paano k-kung hindi ko na ituloy ang pagpasok sa UDSM?" Ito ang naisip ko munang palusot.
Sinuntok niya ako sa braso. "G@go ka ba? Sasayangin mo ng gano'n lang 'yun?"
"E kasi.." Saglit akong huminto. "Gusto ko kasi, ako ang gumawa ng paraan para makapag-aral ako. Nakakahiy—“
Hindi na niya ako pinatapos. "May kinalaman ba rito si Patrick?"
"Hindi—“
"Nakita ko siyang nilapitan ka kanina. Akala ko, makikipag-kwentuhan siya sayo kaya naidlip na ulit ako. Tell me, ano'ng sinabi niya sayo? Huwag kang magsinungaling dahil tatanungin ko siya bukas kung hindi ka magsasabi ng totoo," nakakunot-noo niyang babala sa akin. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan ba ako o matatawa.
Na-corner na niya ako pero ayaw ko mismong sa akin manggaling iyon. Baka sabihin na naman ng Patrick na 'yung, sinumbong ko siya kay Andrew at humingi na naman ako ng simpatya. Hindi pa ako nahihibang para gawin iyon. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali e, kahit na minsan ay hindi ko pa rin maiwasan ang magduda sa sarili ko mismo.
"Huwag na nating intindihin kung ano man ang sinabi niya sa akin. Huwag mo na ring pansinin ang sinabi ko." Bumalik na ako sa pagkakahiga. "Salamat ha? At huwag ka nang kumontra dahil hindi ito sapat para mapantayan ang mga ginawa mo sa akin. Tulog na tayo?"
Nag-side view ako, patalikod sa kanya dahil ayaw kong kulitin niya pa ako tungkol sa bagay na iyon. Hindi na siya dapat madamay pa rito.
***
Andrew's point of view:
Kagabi pa ako na-ba-bother sa mga kinikilos at pinagsasabi ni Alex. Alam kong may nangyari sa naging pag-uusap nila ni Patrick. Hindi ako t@nga para hindi mahalata iyon. Ang nakakainis lang ay ayaw man lang sabihin sa akin ni Alex ang sinabi sa kanya ni Patrick. Isa pa ay ang pagsabi niya na hindi na ata niya itutuloy ang pag-aaral sa UDSM. Ugh. I think, may isang tao akong dapat kausapin dito -- si Patrick. Siya lang naman kasi ang huling kausap ni Alex kagabi e.
Maaga akong bumangon. Sa totoo lang ay hindi na ako nakatulog matapos naming mag-usap ni Alex. Ramdam ko kasi ang lungkot niya e. Ewan ko ba, parang nahawa naman ako. Agad kong pinagmasdan ang natutulog na Alex. Mahimbing ang tulog niya ngunit mababakas na umiyak siya kagabi. Big deal siguro para sa kanya ang pinag-usapan nila ni Patrick. Kailangan ko talagang kausapin ang huli para kahit paano ay matulungan o madamayan ko naman itong tulog na kasama ko.
Nag-iwan ako ng note sa mesa bago ako bumaba. Sakto at nasalubong ko si Rixton na mukhang pababa na rin. Agad niya akong napansin at nginitian ako.
"Good morning, Andrew. Ang aga mo namang nagising?" tanong niya sa akin.
"Good morning din, Rixton. Hindi ako nakatulog e. Ikaw? Ba't ang aga mong magising?" tanong ko rin sa kanya.
Sabay naming tinahak ang hallway papunta sa elevator.
"Parehas tayo. Hindi rin ako makatulog. Teka, nasaan ang syota mo? Himala at 'di kayo magkasama?" Nang-aasar ba 'to?
"Tulog pa e. Hinayaan ko muna kasi hindi rin makatulog kagabi." Tumango naman siya.
Nang makarating sa lobby ay dumiretso na kami sa dining hall ng hotel. Sinalubong kami ng receptionist at hinatid kami sa table namin. Since buffet style nga rito, hinayaan kong si Rixton na ang kumuha ng pagkain ko. Nagpumilit di siya e kaya um-oo na lang ako. Maya-maya lang ay nakabalik na siya sa pwesto namin. Agad ko namang nilantakan ang kinuha niya -- sinangag, bacon, itlog. In fairness, pinoy na pinoy ang agahan namin kaya nakaka-entice kumain. Habang kumakain ay panay ang kwento niya. Hindi ba nito alam ang table ethiquette na 'don't talk when your mouth is full'? Matapos kumain ay nagpahinga muna kami sandali. Nagpa-serve pala siya ng kape para sa aming dalawa. Hindi na ako humindi dahil nabusog din ako at kailangan kong magpababa ng kinain. Nagulat na lang ako nang bigla naupo sa table namin si Patrick na mukhang energetic ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan, pero sisiguraduhin ko na matatanong ko rin sa kanya ang pinag-usapan nila ni Alex kagabi. Kailangan kong malaman dahil ako ang na-ba-bother sa kinikilos ni Alex. Oo na, kahit paano naman ay mahalaga na sa akin 'yung tao.
"Good morning, Rixton. Good morning, Andrew," masaya niyang bati sa amin. Nag-greet back si Rixton pero in-ignore ko lang iyon.
"Excuse me. Aakyat muna ako sa room namin," paalam ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pang mag-respond at mabilis na umakyat sa taas.
Nang makapasok sa room namin ay nabungaran ko si Alex na nag-aayos ng higaan namin. Napangiti ako dahil napakaresponsable niyang tao.
"Good morning, Alex," bati ko sa kanya. "Okay ka na ba?" tanong ko pa.
Napatingin din siya sa akin at napangiti rin. "Good morning, babe. Okay na okay naman ako. Huwag kang mag-alala."
Napailing na lang ako. Kahit papaano naman ay alam ko na ang mga kilos na ganito ni Alex. Palusot lang niya 'yan. Pero imbes na kontrahin ay hindi ko na lamang iyon inintindi.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Oo e. Kasabay ko si Rixton. Ikaw, kumain ka na rin. Baka nandoon na sina Angeli at Lenard," ani ko.
"Huwag na. Busog pa naman ako e. Isa pa, marami tayong nakain kagabi kaya okay na ako," naiilang niyang sabi. Okay, ano namang kaartehan ito?
Napailing na lang ako. "Hay naku, Alex. Ang daming reasons. Ganito na lang, ipapa-room service ko na lang ang pagkain mo para hindi ka na kumain sa hall."
Maya-maya pa'y dumating na ang in-order kong pagkain para sa kanya. Nagpasalamat lang ako sa attendant saka tinungo na si Alex. Matapos niyang kumain ay nagpalit na siya ng damit. 'Yung katulad ng suot namin, dahil nga kasama ko siya. Isa pa, para raw may sense of unity, sabi ng HR Officer ng kumpanya.
"Para tayong couple sa lagay na 'to," kumento niya habang nakaakbay sa akin.
"Edi wow. Couple ba tayo?" biro ko sa kanya.
"Um-oo ka na lang." Natawa na lang ako.
"Sige na. O, tara na. Magsisimula na ang program niyan," anyaya ko sa kanya.
"Okay."
Masaya naman ang mga naging event sa aming team building. I fact, by three ang naging groupings dahil ang unang activity para sa araw na ito ay parang Extra Challenge ang dating. Dahil naiilang nga ako kay Patrick, si Rixton ang kinuha ko para makumpleto kami. Napansin ko na masama ang tingin ni Patrick kay Alex; gano’n din kay Rixton. Sa totoo lang, ayaw kong magbigay ng malisya pero mukhang nagseselos ang g@go. Isa sa pinagtaka ko pa ang pagiging tahimik ni Alex; ni hindi man lang siya kumuntra noong si Rixton ang sinali ko sa grupo namin. Well, mukhang unti-unti ko nang nabubuo ang mga nangyari kagabi. Kailangan ko na lang kausapin si Patrick mamaya.
“Go!” narinig kong sigaw ng host ng game namin. Agad naman kaming napapitlag at nakitakbo na rin sa iba pang mga kasali. Si Rixton ang in-assign naming leader dahil nga forte raw niya ang mga ganitong activities.
So far, pumapangalawa kami sa mga nangunguna. Una ang team nina Angeli, Lenard at Patrick. Okay lang naman sa amin kung sila ang manalo e. Basta ang goal lang namin ay mag-enjoy at matapos ang challenge. At in fairness sa dalawang ito, hindi sila nag-aaway. In fact, pareho nilang pinapakinggan ang mga suggestions ng bawat isa. Ni wala man lang bakas na may tensyon sa kanilang dalawa.
“Yes! Ang galing! Nakuha agad natin!” sigaw ni Alex.
“Oo nga e. Ang galing mo, pare,” ani Rixton. At nag-appear pa ang dalawa.
“Tama na ‘yan. Saan na tayo niyan?” sabat ko.
Inakbayan ako ng dalawa. “Last chllenge na ito, according sa mapa na hawak natin. Kailangan na lang nating bumalik sa station kanina para makuha na ang time natin,” sagot sa akin ni Rixton.
“E ‘di tara na.”
AFTER an hour, in-announce na ang top three. Pangalawa nga kami, habang sina Angeli naman ang nanalo. Masayang-masaya sila. Okay, maliban kay Patrick na seryoso pa rin. Masama pa rin ang tingin sa dalawang lalaki sa tabi ko.
“Babe, tara na. Pwede na raw mag-swimming sabi ng HR Officer ninyo,” anyaya sa akin ni Alex.
“Sige na. Mauna na kayo ni Rixton, tutal close na rin naman na kayo e. Dito muna ako,” sagot ko na lang.
Tumango naman sila at sabay nang tumakbo papunta sa dagat. Ako naman ay naupo sa mga upuang kawayan na nandoon at nagpakaturista muna. Hindi, sa totoo lang, ayaw kong mag-swimming.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang..
“Bakit mo ako iniiwasan?”
Saglit akong natigilan.
***
Patrick’s point of view:
Kaninang umaga ko pa napapansin ang pagiging mailap ni Andrew sa akin. Hindi ako t@nga para hindi malaman na nagsumbong sa kanya si Alex sa naging pag-uusap namin kagabi. Well, hindi ko naman siya masisisi. Nawala kasi ako sa kontrol kagabi kaya ko nasabi ang mga ganoong mga bagay sa kanya. Kahit ako ay nakonsensya sa mga pinagsasabi ko. Ano’ng magagawa ko? E nawawalan na ako ng oras para magawa ang mga plano ko para sa amin ni Andrew? Maiintindihan niyo rin ako once na magmahal kayo.
Agad akong nakahanap ng tiyempo para makausap siya. Hindi kasi siya sumama sa dalawa para mag-swimming.
“Bakit mo ako iniiwasan?” deretsahang tanong ko bago maupo sa tabi niya.
Hindi niya ako nilingon.
“Aanyayahan pa naman kita mamayang gabi for a dinner. May sasabihin din ako after no’n,” sabi ko pa rin sa kanya.
Maya-maya.. “Okay. Mamaya rin ay may sasabihin din ako. Excuse me, balik muna ako sa kwarto namin.”
Pumayag siya. Maisasakatuparan ko na rin sa wakas ang mga plano ko. At sisiguraduhin ko na mamaya, mapapasaakin na siya.
ALL set na ang lahat bago mag-alas siyete ng gabi. Naka-suit and tie na rin ako. Kailangang maging presentable para na rin ma-attract siya sa akin. Sinabi na rin niya through text na nag-aayos na rin siya.
“Sir, okay na po ang lahat. May ipapaayos pa po ba kayo?”
“Wala na. Mauna na kayo, ako na ang bahala rito,” utos ko sa kanila.
Maya-maya pa’y bumukas ang pinto ng hall. Si Andrew na nga. Nakangiti akong lumapit sa kanya para salubungin siya. Bakas sa kanya na surprised siya sa ginawa ko.
“B-Bakit may ganito pa? ‘Di ba, dinner lang naman ang gagawin natin?” aniya. Napangiti tuloy ako.
“It’s a dinner date, Andrew. Now, tara na para naman ma-enjoy natin ang oras.” Inilahad ko ang kamay ko para alalayan siya ngunit in-ignore lang niya iyon. Napakamot na lang ako ng ulo.
Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. Ayaw ko naman siyang guluhin dahil nga mukhang enjoy siya sa pagkain niya. Napangiti ulit ako dahil ako ang nagluto ng dinner namin. Hinaluan ko rin ito ng pampatulog para tuluyan ko nang magawa ang plano ko. Oo, matagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung kailan ko ba maaangkin ang katawan ng pinakamamahal ko. Masama kung masama na ang gagawin ko pero ito na lang ang alam kong paraan para mahalin din niya ako.
“Patrick,” tawag niya sa akin.
“Ano ‘yon?”
“Ano’ng sinabi mo kay Alex kagabi?” tanong niya sa akin. Mukhang hindi nga nagsumbong sa kanya si Alex.
“Sinabi ko lang sa kanya na huwag ka niyang gamitin para sa sarili niyang interes. Andrew, alam kong isang call boy ang tinutulungan mo, pero at the end of the day, pera pa rin ang habol nila. Pineperahan ka lang ni Alex, Andrew. Trust me,” matapang kong sabi.
Nabigla na lang ako nang bigla niya akong suntukin – dahilan para mapaupo ko sa semento.
“Hindi mo siya kilala, Patrick! Hindi gano’ng tao si Alex! Bakit, ikaw ba ang nakakasama niya sa bahay? Hindi naman, ‘di ba?! Wala naman kayong alam e. Puro kayo panghuhusga, pero hindi niyo man lang magawang tingnan muna ang mga sarili niyo,” nagtitimpi niyang sagot. Alam kong pati siya ay galit sa mga sinabi ko. “Bakit mo ba ‘to ginagawa? Akala ko ba, nagbago ka na?” dagdag pa niya.
“Hindi mo talaga alam, ha?” Tumayo na ako at humarap sa kanya. “Mahal kita, Andrew! Bakit hindi mo man lang mahalata? Ha? Bakit? Dahil ba may Alex ka na? Dahil ba mas magaling siya sa kama kaya mas mahal mo siya? T@ngina, kaya rin kitang paligayahin sa kama, Andrew! Lahat, kaya kong gawin para sayo!”
Sa ikalawang pagkakataon ay sinuntok na naman niya ako. This time, hindi na ako natumba. Tiningnan ko siya ng masama. Wala na akong pakialam kung ano pa ang maging reaksyon niya, basta mangyari na ang dapat mangyari.
“G@go ka ba?! Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?! Hindi ako gano’ng klaseng tao, Patrick! Oo, bi ako, pero ni minsan, hindi ako pumatol sa kung sinu-sino!”
Hindi na ako sumagot noon nang mapansin ko ang panliliit ng mga mata niya. Mukhang umepekto na ang pampatulog. Maya-maya pa’y napahandusay na siya sa sahig. Napangisi ako. Agad ko siyang binuhat para madala sa kwarto na nandito rin sa hall na ito. Sinigurado ko talaga na wala kahit sinuman ang makakapasok at makakagulo sa amin.
Agad kong tinanggal ang lahat ng saplot ni Andrew. Wala akong tinira, maski ang kanyang brief. Desidido na talaga ako sa gagawin ko sa kanya. Nang masigurong okay na lahat ay bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi. Ang sarap talaga ng mga labi niya. Parang babae sa lambot. Nang magsawa ay tuluyan ko nang hinubad ang natitira kong suot.
Nabigla na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lenard.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Mr. Ancheta?” tanong ko sa kanya. Tinutuloy ko pa rin ang pag-angkin kay Andrew.
Patakbo siyang lumapit sa amin at sinuntok ako. “Rape na ang ginagawa niyo kay Andrew, Sir! Ano ba’ng pumasok sa isip niyo at ginagawa niyo ‘to?!”
“Huwag kang makialam dito, Mr. Ancheta,” matigas ko pa ring sabi.
“Huwag makialam? E kaibigan namin ang pinagsasamantalahan niyo e! Pinagsasamantalahan niyo ang kahinaan ni Andrew!” Sinuntok niya ulit ako. Hindi ko iyon inasahan kaya hindi ko man lang nasalag. “Nirerespeto kita kaya walang makakaalam nito, Mr. Umali pero huwag na huwag mo nang guguluhin pang muli si Andrew kung ayaw mong masira ang reputasyon mo.”
Binihisan niya ulit si Andrew saka binuhat na ito at lumabas na sa kwarto. Hindi ko na nagawa pang sumunod sa kanila dahil na rin sa takot at pagsisisi. Sh!t. Ano ba ‘tong pumasok sa kukote ko?
Bigla ko na lamang naramdaman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
[Itutuloy..]
***
A/N: Sorry kung ang lame ng last part. Huehuehue.XD
Picture ni Patrick sa multi-media section >>>
BINABASA MO ANG
Biyahe
Mizah[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014