Ika-labingsiyam na Biyahe

4.7K 138 9
                                    

A/N: Heto na. May masasaktan na sa mga suitors ni Andrew. Malapit na. HAHAHA. Also, halfway na rin ito. Sana, patuloy lang kayo sa pagsuporta. Kayo lang naman ang motivation ko kaya ako nakakapag-update nito e. Siya.. Siya.. Ang drama na.XD

***

Ika-labingsiyam na Biyahe:

Andrew's point of view:

Linggo na ngayon at tapos na ang weekend namin ni Alex sa mansion. Kailangan na naming lumuwas ulit dahil magiging traffic na naman niyan sa daan lalo't halos lahat ay galing din siguro sa bakasyon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-decide ng maayos. Paano, naaalala ko pa rin ang naging usapan namin ni Dad kahapon.

[Flashback:]

"Anak, as you can see, hindi na ako gaanong makakakilos ng normal, kaya I am now appointing you to take over the company. Don't worry, with consent na ito ng board," dagdag pa ni Papa.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Biglaan kasi ang mga pangyayari. Parang, hindi man lang dinahan-dahan? Aaminin ko, a part of me says 'this is it. Mapapatunayan mo na ang sarili mo sa family mo'. Then, the other half of my mind contradicts it. Ugh, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Dad, as y-you can see.." Medyo nag-pause ako sandali. "Undecided pa ako. Actually, kaka-promote ko pa lang sa Umali Corp., pero I will consider that. Please, huwag muna ngayon."

Hindi ko alam kung ano ang magiging kalalabasan ng pag-uusap naming ito, pero hinanda ko na ang sarili ko kung maulit man ang nangyari dati.

Nabigla na lamang ako nang bigla akong yakapin ni Dad. Nakaupo kasi ako kaharap siya, that's why. Ang buong akala ko, susuntukin niya ako. Paano, sinuway ko na naman siya sa kagustuhan niya.

"Anak, of course, pwede ka pang magpatuloy sa Umali Corp. After all, iyon ang naging dahilan para maka-survive ka sa loob ng ilang taon." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Ang sa akin lang, I hope after three months ay nakapag-decide ka na. Please, ako naman ang makikiusap sayo, anak. Matagal ko na itong plano, kaya ngayon ay isinasakatuparan ko na."

Masaya ako sa narinig. Talagang mahal ako ni Papa. Nararamdaman ko 'yun, despite of the gap between us. Now what, I'm torn between two important opportunities. Hindi pwedeng pagsabayin ko ang dalawa dahil conflict of interests will arise kung ipipilit ko iyon. Kailangang i-turn down ko ang isa sa kanila. Ang tanong, alin? Alin sa dalawang iyon ang itu-turn down ko? Ugh, ang hirap ng sitwasyon ko, sa totoo lang. Iniisip ko pa nga lang, nahihirapan na ako e.

[End of Flashback:]

Nang matapos ay tinawag ko na si Alex para tulungan ako sa pag-aayos ng mga iyon sa kotse.

"Okay ka lang ba, Babe?" takang tanong niya.

Hanggang ngayon ba naman?!

"'Lul! Babe ka diyan?!" paasik kong sigaw sa kanya. Kakainis.

Tumawa lang siya saka naglakad na palabas para isakay ang mga gamit namin. Nang matapos ay nagpunta na ako sa dining area para sumabay na sa lunch nina Mom - ang huling lunch ko kasama sila as of this moment.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon