A/N: Sorry po sa matagal na update. Bakit?
- Una, busy sa school. Alam niyo namang graduating na ako kaya maraming tinatapos na projects.
- Sira cellphone ko. Hanggang ngayon ay nagloloko pa siya kaya sorry sa mga ma-e-encounter niyong typos.
- Writer's block. Wala e. Hindi ko kayang pagsabayin ang school works at WP kaya kailangang magsakripisyo.
PS: Pakibasa ang announcement sa dulo. Thanks!
***
Ikalabing-anim na Biyahe:
Andrew's point of view:
"Good morning," bati ko kay Rixton nang makarating ako sa opisina. Muntikan na akong ma-late. Trapik kasi e. May ginagawa raw na daan sa malapit sa Recto.
"Akala ko, mahuhuli ka na e," seryoso niyang sagot. Tsk. Hindi man lang ako nagawang i-good morning man lang.
Agad na akong naupo sa desk ko para ituloy ang mga hindi ko natapos kahapon. Mabuti na lamang at wala namang urgent sa mga ginagawa ko ngayon. Mostly, mga sales reports lang naman iyon at for review na lang. Tatapusin ko na lang siguro ang mga iyon mamaya.
"Kamusta pala ang kotse mo?" Napatingin ako bigla kay Rixton. Mukhang busy ang isang ito sa mga documents related sa napipintong consolidation ng dalawang kumpanya.
Nagkibit-balikat naman ako. "Buhay pa naman."
"Ah," ang tangi niyang naisagot.
"May problema ka ba?" Nakakapagtaka lang kasi. Parang hindi siya 'yung Rixton na mataas ang energy. Ang tipid tipid niyang magsalita ngayon.
"W-Wala!" mabilis pa sa alas-kwatro na pagtanggi niya. Para talagang timang. Ugh.
Nag-excuse muna ako para kumuha ng kape. Baka naman kulang sa tulog iyon? Marahil nga. Nang makabalik ay nakita ko na nakapatong na ang ulo niya sa kanyang desk at natutulog. Agad akong napapunta sa pwesto niya para hawakan ang noo niya. Jusko! Mataas pala ang lagnat ng loko! Agad ko siyang ginising para maihatid ko siya sa condo niya.
"Kaya k-ko na." Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
Hindi ko nga inalis. "Ulol. Huwag ka nang kumontra kaya tara na para maihatid na kita sa condo mo."
Kahit pa siguro kumontra siya ay wala na rin siyang magagawa. Sakto naman na bumukas ang pinto. Si Lenard pala. Agad niya akong tinulungan sa pag-alalay kay Rixton. Nakatingin din sa amin ang ibang mga colleagues namin. Animo’y may live show na nagaganap.
"Andrew, ano'ng nangyari?" agad niyang tanong habang naglalakad kami.
"Nilalagnat siya, Lenard. Sa parking tayo," sagot ko.
Nang maihatid niya kami ay nagbilin lang ako na ipagpaalam na lang kami kay Patrick.

BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014