Ika-tatlumpu't Limang Biyahe

3.7K 125 11
                                    

Ika-tatlumpu't Limang Biyahe:

Alex' point of view:

"Tol, parang mabait naman ang hitsura ng Jaspher na 'yan, " bulong sa akin ni Baste. Napailing na lang ako. Tama nga naman kasi siya, masyadong maamo ang mukha ni Jaspher para gawin ang bagay na iyon sa akin.

"Baste, looks can be deceiving, sabi nga nila. Kahit ako rin, hindi ko rin napaghinalaan si Jaspher, although medyo nahahalata ko ang pagiging malamya niya." Patuloy pa rin kami sa pagmamatiyag.

Nandito kami ngayon sa mall, kasama si Baste. Sinusundan kasi namin si Jaspher, bilang bahagi ng pagbawing gagawin namin. Sa ngayon, kailangan na lang naming kumuha ng tamang tiyempo para sa pagsasagawa ng plano nila. Alangan man ako doon, napasang-ayon na rin ako. Medyo kursunada daw kasi ni Baste si Jaspher. Hay! Alam niyo ba kung ano ang plano nila? Sorry, pero hindi ko rin alam. Ewan ko ba sa mga ito. Ayaw nilang sabihin sa akin. Basta, sisiguraduhin 'daw' nilang ibabalik nila dito ang ginawa niya sa akin.

"Uy, 'tol! Dumiretso siya roon!" bulong sa akin ng kasama ko.

Wala na kaming inaksayang oras at dumiretso na sa tinuro niyang lugar. Mayroon pala siyang kinita roon. Lalaki, na nakaunipormeng pang-militar. Mas lalo tuloy na-trigger ang curiosity ko para sundan pa sila. Dumiretso sila sa DQ at doon naupo sa malapit sa counter. Base sa nakikita ko, mukhang magkamag-anak sila. Medyo may pagkakahawig kasi sila e. 'Yun nga lang, medyo may kaitiman ang kasama niya—na dala marahil ng matinding training bilang sundalo.

"Doon tayo pumwesto o.." Tiningnan ko ang tinuturo ni Jaspher. "Hindi naman tayo mapapansin doon, at isa pa, maririnig pa natin ang pinag-uusapan nila."

Agad naman akong tumango at naglakad na sa sinasabi niyang pwesto. Nang makaupo ay mataman kaming nakinig sa usapan nilang dalawa.

"Na-miss kita," narinig kong sabi ng lalaki.

"Gago ka talaga," sagot naman ni Jaspher. Mukhang naiinis ito.

"Minsan na nga lang tayo magkita, ginaganyan mo pa ako. Hindi mo siguro alam kung gaano ako nangungulila sayo," parang nagtatampong untag ng lalaki.

"Ugh, pwede ba, Kuya Marco, itigil mo na ito? Look, hindi ka naman siguro tanga para hindi malaman kung ano ang tama sa mali. At itong ginagawa natin? Isang malaking pagkakamali." Napahinto ako roon. Mas lalo pa tuloy akong nagkaroon ng eagerness na malaman ang totoo.

"Walang masama sa ginagawa natin. Bakit, porket ba magpinsan tayo, wala na tayong magmahalan?" paliwanag pa ng lalaki—dahilan para makumpirma ang kanina pang gusto kong malaman. Magpinsan pala sila?

"Kuya Marco, hindi pagmamahal ang ginagawa natin. nagtatanggal-libog lang?" ani Jaspher.

Hindi ko alam kung aware sila sa mga nakapaligid sa kanila, pero noong sinilip ko naman ay parang may sariling mundo naman ang mga nasa paligid nila—tila walang pakialam sa anumang pinag-uusapan nila.

Hindi na nakasagot noon 'yung tinawag niyang Kuya Marco. Parang natahimik sila sa kanilang diskusyon.

"Kingina lang 'yan, 'tol. Lakas maka-incest ng dalawang iyan," bulong sa akin ni Baste.

"Oo nga e. O ano, kursunada mo pa rin siya? Akala ko ba, straight ka?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman siya. "Kingina, hinawaan mo kasi ako e."

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon