Ikasampung Biyahe

6.9K 169 10
                                    

Ikasampung Biyahe:

Andrew's point of view:

"Naalala ko bigla 'yung mga kag@guhan natin dati sa school."

Sh!t. Bakit sa dinami-rami pa ng lugar na pwede kaming magkasama, dito pa sa CR? Sa CR na dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon.

Hindi ko siya nilingon. Instead, minadali ko na ang paghihilamos at pag-aayos sa sarili.

Maya-maya'y tumikhim siya. "Ang daya mo talaga, Andrew. Kinalimutan mo na ako. Hindi mo man lang i-consider ang mga nangyari sa atin dati."

Aba naman! Napakamanhid nga naman talaga!

"Walang 'atin', Rixton. Pwede ba, huwag mo na akong kulitin?!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis nga lang dahil parang wala iyon sa kanya. Instead, nagawa pa niyang ngumisi.

"Sorry, pero mula ngayon ay araw-araw na tayong magkikita," kaswal niyang sabi.

"A-Ano'ng--"

"Lagi na ako rito sa opisina ninyo, Andrew. At sa mga araw na iyon, kukunin ko ang bagay na dapat ay kinuha ko na sayo, dati pa." Kumindat pa siya sa akin. Nang-aasar pa.

Lalabas na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita.

"Hindi mo ba aalamin kung ano 'yun?" Saglit siyang huminto. Oo na, interesado akong marinig ang gusto niyang kunin sa akin. Malay ko ba kung may utang ako sa kanya.

"Uy! Interesado siya! Yikes!" Humagalpak pa ng tawa ang g@go. D@mn! Naloko ako roon ah?

Since mukhang wala naman talaga siyang sasabihing matino ay pabalibag kong isinara ang pinto ng banyo. T@nginang Rixton talaga 'yan! Wala nang ibang ginawa kung hindi ang pahirapan ang buhay ko.

PAGKAAKYAT na pagkaakyat pa lang ay naririnig ko na ang mga boses nina Lenard at Angeli na mukhang masaya. Ano kayang nangyari?

"Mukhang may nangyari ah?" usisa ko sa kanilang dalawa. Saglit silang napahinto at nakangiting hinarap ako.

"Mag-ayos ka na ng mga gamit mo, AJ. Kakain daw tayo sa labas. Treat ni Mr. Montenegro," ani Angeli.

Tinignan ko ang aking wrist watch. 3:04 PM pa lang. "Teka? Ang aga pa ah?"

"Okay lang 'yan, Andrew. Ah, puntahan mo raw si Mr. Umali sa opisina." Si Lenard.

Nagpaalam na ako sa kanila para puntahan na si Patrick. Tahimik lang siyang nakatutok sa screen ng kanyang laptop.

"Mukhang seryoso ah? Totoo ba 'yan?" pabiro kong sabi sa kanya. Nanatili akong nakatayo sa bandang pinto ng opisina niya.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon