Ika-dalawampu't Walong Biyahe

3.6K 121 1
                                        

Ika-dalawampu't Walong Biyahe:

Alex' point of view:

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang lumipat kami sa bago naming tirahan ni Andrew. Ito raw ang condo unit na regalo sa kanya ng kanyang ama. Ayos naman ang lokasyon nito dahil mas accessible sa UDSM. Isa pa, hindi masyadong hassle sa part niya. Naisipan ko ring pumasok bilang student assistant sa school, para na rin hindi gaanong mahirapan si Andrew sa pag-aaral sa akin. So far, ayos naman ang resulta ng Prelim grades ko. Tuwang-tuwa nga siya noong ibinalita ko iyon sa kanya e. Hindi ko naman siguro iyon mapapabayaan, lalo't nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko.

Narito ako ngayon sa pad namin at nag-aaral para sa Midterms namin sa susunod na linggo. Naisipan din namin nina Sabi at Jaspher na mag-review rito, na siya namang pinayagan ni Andrew. Pero, wala pa rin sila hanggang ngayon. Tsk, lagi na lang late 'yun dalaw--

"Alex, nandito na kami!"

Napatayo na ako nang marinig ko ang boses ni Sabi. Agad ko naman silang pinagbuksan ng punto. Napanganga ako sa kanila. I mean, bakit may dala silang unan?

"B-Bakit--" Inunahan na ako ni Jaspher.

"Dito kami makiki-sleep over. Yay!"

Nanlaki ang mata ko roon. What?

"Alam niyon--" Inunahan na nila ako.

"Alam ni Kuya Andrew at, huwag ka, with consent pa!" nagmamalaking untag ni Sabi, na prenteng naupo na sa kama ko.

Sabi ko nga, e. Wala na akong magagawa. Naupo na rin ako sa tabi ni Jaspher at nagsimula na kaming mag-aral. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagre-review, pero napahinto kami nang tumunog ang cellphone ko, tumatawag na. ko naman itong sinagot.

"Hello!" masaya kong bati sa kanya sa kabilang linya.

"Nasa labas na ako at marami akong dala. Pakibukas ang pinto," aniya.

Agad naman akong tumalima, nabigla na lamang ako dahil ang dami nga niyang dala. Sa kaliwang kamay niya ay may hawak siyang dalawang box ng pizza. Sa kanan naman ay may plastic siyang hawak, kasama na ang kanyang cellphone. Agad ko namang kinuha ang mga dala niya, saka pumasok na sa loob. Natawa naman ako sa kanya dahil naupo agad siya sa sofa, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya. Mukhang pagod na pagod siya sa trabaho.

"Nasaan sina Sabi at Jaspher? Tawagin mo muna't magmeryenda muna kayo," utos niya sa akin.

Tatalima pa lang sana ako nang sila na mismo ang lusang lumabas at binati pa si Andrew.

"Good afternoon, Kuya Andrew," ani Sabi.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa amin dito," ani naman ni Jaspher.

Ngumiti naman sa kanila ang babe ko. "Welcome kayo rito. Mabuti nga't nandito kayo para alam niyo ang mga kashitan niyang si Alex, e"

Natawa naman silang tatlo, habang ako? Heto at napapakamot na lang ng ulo.

"Sinasaktan mo ako, babe," biro ko sa kanya.

Umepal naman si Sabi. "Ang OA mo, Alex."

"Kumain muna kayo ng pizza diyan. Tapos, magbukas na lang kayo ng softdrinks. Hindi ko na kasi kayang hawakan kung isasama ko pa 'yung softdrinks sa pizza house. Sa kwarto muna ako," ani Andrew at tumayo na para dumiretso na sa kwarto.

Bago pa siya tuluyang makapasok ay nagsalita ako. "Salamat, Andrew."

***

Rixton's point of view:

"Shit!"

Kanina pa ako na-fru-frustrate sa ginagawa ko ngayon. Nasa condo ako ngayon at nagluluto ng pagkain. Actually, nag-take ako ng one week leave, since masyado akong stressed out sa mga projects ng kumpanya. Idagdag pa sa stress ko si Mama na pilit akong pinagkakasundo sa anak ng kaibigan niya. D4mn, ilang beses ko nang sinabi sa kanila na may mahal akong iba, e. Masyado nilang pinipilit ang gusto nila, e paano naman 'yung sa akin? Ang hirap pa nito ay mas malayo ang kumpanya nina Andrew sa kumpanya namin, kaya hindi ako makagawa ng moves ko.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon