Ika-dalawampu't Anim na Biyahe:
Andrew's point of view:
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon nga'y June na. First day of classes ni Alex. At since nag-resign na ako sa Umali Corp., lagi na lang ako sa bahay - nakatambay. Hinihintay ko lang kasing matapos ang June 10 bago pumunta sa kumpanya namin at ipaalam kay Papa ang pagpayag ko. Ayaw ko ring biglain ang sarili ko, lalo't masyado pa akong stressed sa trabaho.
"Babe, kain na tayo?"
Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Alex na naka-uniform na. Policy daw iyon ng UDSM, kahit first day of class daw.
"O, mahuhuli ka na sa klase mo. Mauna ka na," sagot ko sa kanya.
"Ayaw ko nga. Gusto ko, sabay tayo para naman inspired ako mamaya sa klase namin," nakangiti pa niyang sabi.
Tinaasan ko ng ng kilay. "Ulol."
"Mahal mo naman."
"Wow ha? Assuming ka, dre," pagkukunwari ko.
"Aray. Kanina mo pa ako sinasaktan ha?" Umakto pa siya noon na parang may hinanakit talaga. Ugh.
Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi ang sabayan siya sa agahan. Ako ang nagluto, this time. Simpleng fried rice, bacons at soup lang ang niluto ko. Hindi naman kasi ako kasinggaling niyang magluto e. Ako 'yung tipo ng tao na basta may makain, okay na ako. Lol, bahala siya kung mag-iinarte pa siya. Nang matapos siyang kumain ay naghanda na siya para makaalis na. Naibigay ko na rin ang allowance niya para sa linggong ito. Actually, noong una nga, ayaw pa niyang tanggapin. Aniya, may ipon pa naman siya. Grabe lang ha? Pinakialaman ko kaya 'yung mga gamit niya noong minsan. Nasa 550 php na lang ang natitira sa ipon niya. Obviously, hindi na iyon sapat para sa kanya. 'Ba, kung tatanggihan pa niya 'yang allowance na binigay ko, sasapakin ko siya.
"Wala ba akong goodluck kiss?" nakangising tanong niya sa akin. Nandito kami sa living room.
Hindi ko alam kung namula ako roon o hindi pero, shit lang. Bakit ba siya ganito?
Instead, "urur. Umalis ka na nga!"
Ngumuso naman siya. "Hindi ka talaga mabiro."
"Oo! Kaya umalis ka na't baka mahuli ka pa!" bulyaw ko sa kanya.
Nang makaalis na siya ay bumalik muli ako sa aking kama para matulog. Inaantok pa talaga ako. Pinilit ko lang gumising kanina para mapaghanda siya ng agahan. Isa pa, hapon ko pa balak umalis. Gusto raw makipagkita ni Patrick sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero pumayag na rin ako since sa public place naman kami magkikita.
Maya-maya pa'y napaidlip na ako.
***
Alex' point of view:
Agad ko namang nahanap ang room namin para sa first period ko. Medyo nahiya pa akong pumasok, since medyo matanda na ako for a college freshman. Agad naman akong nakahanap ng magandang upuan -- malapit sa bintana. Hindi ko pa nakikita si Sabi e ang sabi niya, nandito na raw siya. Hahaha! Redundant 'yung 'sabi'.
Maya-maya pa'y may pumasok na professor --dahilan para mag-panic ang mga kaklase ko. Napaayos na rin ako ng upo para makinig.
"Good morning, class. I'm Mr. Jason Robles, your adviser..." pagpapakilala niya sa kanyang sarili. As usual, introduction stage daw muna, since mga freshman pa lang kami. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga nagpapakilala sa harap. Makilala ko rin naman sila sa paglipas ng mga araw. Isa pa, namimiss ko si Andrew. Ewan ko ba. Nasanay kasi ako na magkasama kami nitong mga nakaraang mga araw. Alam ko rin na doon na siya sa kumpanya nila magtatrabaho o hahalilian na niya ang kanyang Papa roon. Hindi ko lang alam kung kailan niya balak magsimula. Nag-aalala rin ako, lalo't binalik na niya sa Umali Corp. ang kotse niya. Medyo malayo pa naman ang kumpanya nila.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Umorismo[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014