Unang Biyahe

16.2K 288 40
                                    

Unang Biyahe

AJ's point of view:

"I-I'm bisexual, Dad."

Nakita kong napakuyom ng palad si Dad. Sino bang ama ang hindi mapapakuyom ang palad kapag nalaman nilang bi ang kaisa-isa nilang anak na lalaki?

Yes, ako lang ang lalaki sa aming tatlong magkakapatid.

Naramdaman ko na lang ang pagtama ng kamao ni Dad sa pisngi ko -- dahilan para mapahiga ako sa sahig.

Pilit namang pinipigilan ni Mom si Dad, habang inaalalayan ako ng dalawa kong ate -- sina Althea at Andrea, at nilalayo kay Dad.

"Wala akong anak na b-bakla! Lumayas ka rito sa pamamahay ko!" madiin niyang sabi, habang dinuduro-duro pa ako.

Kahit masakit, hindi na lang ako nag-react. Wala na ring silbi yun e. Nag-decide na siya. Nakakalungkot lang isipin na humantong pa sa ganito ang lahat. Bakit ba hindi matanggap ni Dad na bi ako? Bakit, salot ba ako sa lipunan? Bi lang naman ako ah? 

Tao pa rin naman ako. Nasasaktan.

***

One year later..

*Kriing!*

Napabalikwas ako nang marinig ang napakalakas na alarm ng aking cellphone. Ugh, inaantok pa ako e.

Kahit inaantok pa ay pinili ko nang tumayo para naman makapaghanda na ako sa pagpasok sa trabaho -- as Marketing Officer sa isang sikat na kumpanya ng mga steel products. Wala namang espesyal sa araw na 'to bukod sa birthday ko. Yes, I am now already 22 years old. 

Ang bilis, 'no? Tumanda na naman ako ng isang taon.

After doing my usual routine, naghanda na ako papasok. Hay, bagong araw, bagong biyahe.

Matapos akong palayasin ni Dad sa bahay namin, nakitira muna ako sa mga kaibigan ko. Natatandaan ko pa nga yung nangyari noon e..

Flashback:

Kung minamalas ka nga naman! Ngayon pa umulan nang malakas. Argh! Saan ako sisilong nito?

Agad akong tumakbo para makahanap man lang ng masisilungan. Kinuha rin kasi ni Dad ang kotse ko e. Buti na lang, may mga naipon ako sa pagtatrabaho sa kumpanya namin. Oo, businessman si Dad.

No choice, tinext ko si Brenda, one of my closest friends. Alam kong matutulungan niya ako.

To: Brenda

Bes, pwede ba akong makitira sayo? :(

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon