Ika-apatnapu't Apat na Biyahe

3K 104 5
                                    

Ika-apatnapu't Apat na Biyahe:

Andrew's point of view:

Naibalita ko na sa mga magulang ni Brenda ang mga pangyayari. Agad silang napasugod sa ospital, at hindi matanggap ang mga nangyari. Natawagan ko na rin ang step dad ni Patrick. Agad naman itong nagpa-book ng flight pauwi rito sa bansa. Nalulungkot ako sa mga pangyayari. Actually, naghahalo, e. Lungkot, galit, lito, takot. Nalaman ko na rin na ex-wife ni Patrick ang may pakana nito. Nakatakas daw kasi ito sa mental, at ngayon nga'y planong maghiganti. Nalaman ko rin na sinabotahe nito ang preno ng sasakyan nina Patrick. Mabuti na nga lang at hindi nadamay rito ang bata. Hindi na namin kakayanin iyon, kung gano'n ang nangyari.

"Magpahinga muna kayo, Andrew. Mukhang pagod din kayo, e," ani Tita, Mama ni Brenda, sabay abot sa amin ng tig-isang baso ng kape.

"Naku, okay lang po kami, Tita. Salamat po," magiliw kong sagot. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para maging matatag sa mga nangyayari.

"Nakakalungkot ang mga pangyayari, pero wala na akong magagawa. Wala na kaming magagawa ng Tito mo. Ang gusto na lang naming ngayon ay ang mailibing ng maayos si Brenda, at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya," maluha-luhang untag ni Tita.

By the looks of her, nakakaramdam ako ng awa para sa kanila. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung anak mo pa. Nangako na rin ako na tutulong ako sa pagtugis sa Claire Castro na 'yun. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Hindi pa, sa ngayon.

Hindi pa rin naiimik si Alex hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya ngayon. Ayaw ko namang pilitin, dahil mahirap nga naman ang sitwasyon niya. Mahirap dahil silang magkapatid na lang nandito sa mundo at magkaramay. Hindi ko na muna siya pinakialaman dahil iyon ang tamang gawin.

"Maiwan ko muna kayo, Andrew at Alex," ani Tita. "Titingnan ko lang kung naayos na nila ang mga papeles para kay Brenda."

Hindi ko na nakuha pang sumagot dahil umalis na rin ito. Gusto kong sumama at tingnan din ang kaibigan ko, ngunit hindi ko rin magawang iwan dito si Alex na tahimik pa rin hanggang ngayon.

Maya-maya pa'y isa-isa nang nagsisidatingan ang mga malalapit naming kaibigan.

"Andrew, Alex." Si Rixton. Mukhang malungkot din sa nangyari.

"Mabuti at nakarating kayo," mahina kong sabi sa kanila.

"Maaari bang hindi?" Si Angeli. "I mean, naging malapit na boss sa akin si Sir Umali, idagdag pa na naging ka-close ko na rin si Brenda, kaya nalulungkot ako—kami, sa sinapit nila."

"Tama si Angeli," pagsang-ayon naman ni Lenard.

Kahit paano ay nakuha ko na ring ngumiti, kahit na naba-bother pa rin ako sa pananahimik ni Alex. The least thing that I can do is to hug him—iparamdam sa kanya na maging positibo lang.

Noong tanghali naman, sinamahan ako ni Rixton pauwi sa condo para kumuha ng ilang mga gamit. Tinawagan na rin ako ni Dad kanina. Siya raw muna ang hahalili sa posisyon ko. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon, at nangako siya na pupunta sila sa burol ni Brenda.

"Okay ka lang ba?" ani Rixton. Kotse niya ang gamit namin, since puyat nga ako at baka mabunggo kami kung ako ang magmamaneho.

Tipid akong ngumiti. "Oo naman. Medyo nalulungkot lang sa mga nangyari, especially sa kaibigan ko."

Hindi ko na rin napigilan at napaluha na naman ako. Mas matindi pa nga yata ang nailuha ko ngayon, kaysa kanina. Masakit lang kasi na 'yung tinuring mo nang kapatid, 'yung naging sandalan mo sa lahat ng bagay, at 'yung kaisa-isang taong hindi ako iniwan noong nag-iisa ako, ay iniwan na ako. Wala man lang akong nagawa para lamang makabawi sa lahat ng nagawa niya sa akin. Nadi-disappoint ako kasi hindi ko man lang napagtanto na 'yung ex-wife pala ni Patrick ang may kagagawan nito sa kanila.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon