Ika-dalawampung Biyahe

5.6K 150 14
                                        

A/N: Share ko lang ito. Binasa ko ulit itong story na 'to mula umpisa. Ngayon ko lang na-realize na ang dami palang inconsistencies! Haha! Sa mga nalilito sa time frame ng story, January 2013 ang start ng kwento at ngayon nga'y nasa April 2013 na. Ayun, sana ay huwag kayong malito. Sorry talaga.:)

PS: Sana po ay makapagbigay kayo ng kumento para MAS lalo pa akong ma-motivate magsulat nito. Iyon lang! Salamat!

Picture nina Alex at Baste sa multimedia section.:)

***

Ika-dalawampung Biyahe:

Alex' point of view:

Apat na araw na ang nakalipas mula nang pabalikin ako sa UDSM para ayusin ang mga requirements ko at orientation na rin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip ko na ‘sa wakas, makakapag-aral na ako; matutupad ko na ang pangarap nina Mama at Papa para sa akin’. Labis din ang pagpapasalamat ko kay Andrew noong araw ding iyon dahil nga sobra pa rin akong overwhelmed sa ginawa niya para sa akin. Talagang pinaghanda ko pa siya noon ng masarap na dinner e. Siyempre, hindi rin mawawala ang kapilyuhang taglay ko. Damoves ba? Hehe! Naku, kung alam niyo lang! Kinurot ba naman ako sa tagiliran! Hay! Ang cute niya talaga, lalo na kapag naiinis. Ang sarap.. mahalin.

Kakatapos ko lang mag-ayos ngayon ng sarili. Ngayon kasi’y pinapabalik ulit ako para naman kumpletuhin na ang lahat ng requirements ko. Sa kabutihang-palad ay nahanap ko pa ang mga high school documents ko kaya wala nang problema. Mae-enjoy ko na ang bakasyon.

Napahinto ako sa pag-aayos ng mga requirements ko nang makatanggap ako ng text..

ANDREW: Alex, 'di ba pupunta ka ngayon sa UDSM? Sabay na tayong mananghalian. I will text you later para sa location.

Sabi ko sa inyo e, ang sweet niya. Ganyan ‘yan, kunwari naka-poker faced pero ang totoo, concern talaga siya sa akin. Hindi ko na lang pinapansin para hindi mainis sa akin. Agad naman akong nag-reply at naghanda na para umalis. Humigit-kumulang thirty minutes ata ang naging biyahe ko para lang makarating sa UDSM. Marami na ring mga estudyanteng nandoon kaya agad akong pumila. Ang maganda lang dito ay 'di mo ramdam ang init. De aircon kasi ang hallway. Pang-mayaman talaga. Sa kalagitnaan ng pagmumuni ko ay hindi ko napansin ang kumakalabit sa akin.

"Kuya," tawag nito sa akin. Babae; mga 5'3" ang height; maputi at maganda naman, though may pagka-boyish ang dating. Oo, na-describe ko agad siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ano'ng course mo?" tanong nito sa akin.

Ayaw ko mang matawag na bastos ay malugod ko namang sinagot ang tanong niya. "Civil engineering ang kinuha kong kurso. Ikaw?"

"Same course tayo! Astig! May kakilala na ako," masaya nitong sabi. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Saka ko lang na-realize na tibo pala ito.

"Ah, sorry pero I hope you don't mind, tibo ka?" tanong ko agad. Gusto ko lang makumpirma. Hinanda ko na rin ang kamay at pisngi ko; baka sakaling sampalin ako. Gano’n naman talaga, ‘di ba? Pakiramdam ata ng ibang babae, nayuyurakan ang pagkatao nila.

Tumango naman siya. "Actually, bisexual lang ako. Pero kasi, mas dominant ang pagkagusto ko sa kapwa ko babae. Minsan lang ako ma-attract sa mga lalaki. At sorry ka, hindi kita type, ano!"

Wow. Napanganga ako roon ah? Napaka-straightforward niya kasi, gayong hindi ko naman iyon tinatanong o sinabi. Isa pa rin ang tinitibok ng puso ko. Ang kaso nga lang, sobrang manhid naman ng taong iyon. Hahaha! Ang gay ng statement ko na ‘yun!

"Savannah ang pangalan ko. Gross, pang-girly masyado, kaya tawagin mo na lang akong Sabi. Nickname ko 'yun," dagdag pa niya. Tama nga siya, hindi bagay sa kanya ang Savannah. I mean, sa personality at porma niya.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon