Ika-apatnapu't Tatlong Biyahe

3.4K 108 14
                                    

Ika-apatnapu't Tatlong Biyahe:

Andrew's point of view:

Masaya naman ang naging pagkain namin sa resto na iyon. Very accommodating ang mga attendants, at okay naman ang mga pagkain. Hindi ko na rin makuhang magsalita nang tuluy-tuloy dahil nga nag-e-enjoy ako sa pagkain at pakikinig sa jazz-flavored sound ng lugar. Pakiramdam ko nga, nabawasan ang stress na nararamdaman ko dahil doon, e. Masaya namang nagkukwento sa akin si Alex ng kung anu-ano. Parang hindi siya nauubusan ng topic.

Nakikipagkulitan din siya sa akin, pero limited nga lang. Ayaw naming magkaroon ng issue dito. Alam naman natin na hindi gaanong tanggap ang ganitong relasyon sa bansa natin, 'di ba?

"Saan tayo niyan pagkatapos?" tanong ko sa kanya. Patapos na ako sa pagkain noon.

"Sa salon," nakangiti niyang sagot. Sh1t lang talaga. Pamatay 'yung dimple niya, e.  Nagtaka naman ako. Ano'ng gagawin namin do'n?

"Papagupit ka?"

"Tayo," sagot niya habang nagpupunas ng gilid ng labi.

Ayaw ko man ay wala na akong nagawa. Boss ko nga pala siya ngayong araw, dapat siya ang masunod. Tsk. Plano ko kasing pahabain ang buhok ko. Maiba lang. Para magmukha akong business person talaga. Haha! Biro lang.

Iyon na nga, matapos makapagpahinga ay pumunta na kami sa salon para magpagupit. Agad naman kaming sinalubong ng Receptionist.

"Good afternoon, Sir! Welcome to XXX Salon!" masayang bati nito sa amin ni Alex.

"Good afternoon. Papagupit po kami," tila nahihiyang sabi naman ni Alex.

"Oh, this way, Sir," nakangiti namang sagot nito sa kanya.  Magkahiwalay ang pwesto namin, pero tanaw pa naman namin ang isa't-isa. Isa pa, okay na rin ito dahil gusto ko munang umidlip.

"Uhm, pwede namang umidlip kahit sandali, 'di ba?" tanong ko sa baklang hairstylist ko.

Nangiti naman ito -- ngiting nang-aakit. "Yes, Sir. Don't worry."

Hindi ko na pinansin pa kung tama ang paggugupit niya sa buhok ko. Hinayaan ko na muna ang sarili ko na makapagpahinga. Isa pa, nasabi ko na rin sa kanya 'yung desired haircut ko. Bahala na siya kung ano'ng style ang gagawin niya. Sakto naman na kakatapos lang nang magising ako. Tila namalik-mata ako noong masilayan ko na ang bago kong hairstyle.

Wow. Just, wow.

"Okay po ba, Sir Pogi?" nakangiting sabi ng hairstylist ko.

"O-Oo," nasagot ko na lamang habang pinagmamasdan ko pa rin ang sarili sa salamin.

Tumayo na rin ako matapos niyon para tingnan ang bagong hitsura ni Alex. Gaya-gaya ang loko. Nakaidlip din.

Maya-maya pa'y nagising na rin siya. Tila nagulat din siya sa bago kong gupit.

"Astig!" nakangiti niyang sambit sa akin.  Nang matapos siyang gupitan ay napatingin na rin siya sa salamin. Katulad ko ay mukhang satisfied naman siya sa bago niyang gupit.

"Selfie tayo!" masaya niyang sabi-- ignoring others' reaction.  I just rolled my eyes bago sumama sa selfie trip niya. Good thing is, mukhang wala namang naghihinala sa amin. Kumento pa nga ng isang nandoon, ang kulit daw naming magkaibigan.

We decided na mag-CR muna bago pumunta sa arcade. As usual, ang daming gumagamit. Hindi naman ako umihi. Nanalamin lang ako just to check my new hairstyle. Pinagtitinginan ako ng mga kasabayan ko, pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Nang matapos ay lumabas na agad ako. Sa labas ko na lang hihintayin si Alex. Magulo at masikip sa loob, e.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon