A/N: SPG Alert!! Read at your own risk. -author
***
Ika-tatlumpu't dalawang Biyahe:
Andrew's point of view:
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang binabasa ulit ang text conversation namin ni Alex kanina lang. Stressed kasi ako ngayong linggong ito at bihira na lang akong makangiti. Oo nga't nakikipagngitian naman ako sa mga ka-meeting ko, pero iba kasi 'yung ngiti na dulot ng mga tao na nakakapag-inspire sayo, lalo na kung mahalaga siya sa iyo. Oo na, mahalaga si Alex sa akin. Mahal ko e. Pero, gaya nga ng sabi ko sa kamya noong nasa mansiyon kami, i-enjoy muna namin kung ano ang nasa kasalukuyan. Mahirap din kasi 'yung masyado nating pangunahan ang oras. Isa pa, may tamang oras para sa lahat ng bagay. Huwag magmadali, upang hindi magsisi sa bandang huli. Hay! Iba na talaga ang nagagawa o naiisip ng taong inspired!
Napapitlag na lamang ako nang may kumatok. Panigurado, si John iyon. Siya ang dating sekretarya ni Dad, na sekretarya ko na ngayon.
"Sir, may nanggugulo po sa lobby," mahinahon, ngunit may bakas ng pag-aalala niyang balita.
Nabigla ako roon. "What the-- sige, sunod na ako."
Nang makababa ay naabutan namin si Bea na nakikipagsabunutan sa isa pang hindi pamilyar na babae. Hindi sila maawat ng mga gwardya roon kaya wala akong choice kung hindi..
"ANO'NG KAGULUHAN ITO?!"
Lahat naman ay napatigil matapos kong sumigaw. Dapat lang dahil nakakahiya ang inaasal nila mismo sa harapan ko.
"Kayo po ba ang may-ari ng kumpanyang ito?!" mataray na tanong ng babae sa akin.
"Oo. Ano po bang problema ninyo?" Sinusubukan kong kumalma ngayon. Kung maaari, ayaw ko nang madagdagan pa ang kaguluhan dito.
"I can't believe na mayroon kayong empleyadong ganito rito! For fvck's sake, mukhang walang manners ang isang ito," aniya habang tinuturo-turo si Bea na nakatingin lang sa kanya nang masama. "By the way, Mr. Canlas, right? I'm here to inform you that MY DAD, Mr. Shigeo, already signed the proposal you presented to him."
Nanlaki ang mata ko noong mga oras na iyon. The fvck?! Anak siya ni Mr. Shigeo? By the way, Mr. Shigeo is one of our clients. Take note: OUR MAJOR CLIENT as of this moment. Why? Plano niya kasing i-expand internationally ang kumpanya namin, mostly sa Japan. Malaking tulong iyon sa kumpanya, lalo't tumataas ang kumpetisyon sa merkado.
"Oh, sorry, Ms. Shigeo! Ako na ang humihingi ng dispensa sa nagawa ng isa sa empleyado ng kumpanya," agad kong hingi ng tawad. Nakakahiya iyon! Isa pa, malaking kawalan siya sa kumpanya, kapag nagkataon.
"No, it's okay. Don't worry, hindi ko na ito i-inform kay Dad." Ngumiti pa siya, dahilan para lumabas ang natural na Japanese looks niya.
Agad ko siyang inimbitahan sa office ko para mas makapag-usap pa kami nang masinsinan. Pero, bago iyon, pinagasabihan ko ang guard na huwag na huwag palalabasin si Bea. Mamaya ko na lang siya iintidihin. Baka lalo pang sumakit ang ulo ko sa kanya.
Nang makapasok sa office, agad kong inutusan si John na maghanda ng kape at pagkain para sa amin. Kung maaari nga, kahit ano'ng gusto ni Ms. Shigeo, ibigay ko na e. Malaking abala ang nangyari kanina.
"Nice, office, Mr. Canlas," kumento niya nang makaupo ako sa pwesto ko.
"Thank you, Ms. Shigeo," sagot ko.
"Jelly na lang," nakangiti niyang sambit. "Uhm, well, Jenny talaga ang name ko but mas prefer ko ang Jelly. May pagka-weirdo lang ako minsan. Hihi."
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014