Ikatlong Biyahe

11.5K 232 13
                                    

A/N: Dedicated sa kanya. Wala lang. Nakakatuwa lang na may bumabasa nito.:)

 

Picture ni Patrick sa side >>>

 

***

 

Ikatlong Biyahe:

Patrick's point of view:

Nakakainis! Hindi ba nila ma-realize na ayaw ko nang bumalik doon?

Marahil, nagtataka kayo kung bakit nababanas ako sa kausap ko kanina sa cellphone. Ganito kasi yun..

Flashback:

Four years ago..

 

"Saan ka na naman galing?! Ha?!"

 

Napantig ang tenga ko sa nagsalita-- este sumigaw na iyon. Sino bang hindi? Yung tipong maghapon ka sa opisina pero ganito ang aabutan mo pag-uwi? D@mn.

 

"Pagod ako sa trabaho kaya huwag ka nang dumagdag pa," kalmado ngunit ma-awtoridad kong sagot sa kanya.

 

Siya si Claire -- asawa ko. Yes, at the age of 18, pinakasal na kami ng mga magulang namin sa bawat isa. And yes, biktima AKO ng isang arrange marriage. Bakit ako lang? Kasi, ginusto naman ito ni Claire e. No'ng mga bata pa lang kami, sobra na ang obsession niya sa akin. No'ng una, hinahayaan ko lang. Kung maaari nga, ayaw ko na lang magsalita. Hanggang sa 'di ko na napigilan -- dahil nga bigla na lamang silang nagplano nang walang consent galing sa akin. Pinilit kong tumakas, pero wala ring nangyari. Talagang desidido sila na ipakasal ako sa ‘demonyo’.

 

"Hindi ako naniniwala. Hindi! Hindi!" Paranoid na naman siya. Hay, saan ba ako pwedeng lumugar sa pamamahay na ito?

 

"Stop it, Claire!" sigaw ko sa kanya. Gaya ng sabi ko, pagod ako sa trabaho, kaya may tendency na maging mainitin ang ulo ko. "Shit! Hanggang ngayon ba naman, pinagdududahan mo pa rin ako?! T@ngina naman!"

 

Imbes na matakot ay mas lalo pa siyang nagalit. "Asawa mo ako, Patrick! Karapatan ko yun!" At talagang dinuro-duro pa niya ako sa dibdib – na animo’y niloko ko siya. Ganyan talaga siya, akala niya, iiwan siya ng mga tao sa paligid niya.

 

Pero put@ng inang karapatan 'yan!

 

"Alam mo.." Nanginginig pero madiin kong sabi. "Pagod na pagod na akong intindihin ka. Two years, Claire! Two na akong nagtitimpi sa mga pagdududa mo sa akin! Bakit hindi mo ma-realize na hindi ako nambababae?! Ha?!"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, punong-puno na ako sa kanya. Tao lang ako, at marunong din akong mainis at maubusan ng pasensya.

 

 

"So anong balak mo?! Ha?!" Nakita ko ang iilang mga luha na tumutulo sa mga mata niya, pero wala na akong pakialam doon. Kailangan ko ng mag-decide – para sa kabutihan naming dalawa. Wala nang patutunguhan ang set-up namin, yun ang totoo.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon