A/N: Medyo SPG. HAHA.
***
Ika-labingpitong Biyahe:
Andrew's point of view:
Nang maihatid ko sina Angeli at Lenard sa main road ay agad na rin akong pumunta sa KFC. Okay naman siguro kung ganito na lang ang dinner namin, 'di ba? Tutal, kaka-withdraw ko lang kahapon. Nang makabili na ay dumiretso na ako pauwi. Natatakot din kasi ako na magsuntukan ang dalawang iyon, lalo't nagtatampo nga 'yung Alex na 'yun. At heck lang. Pagkapasok na pagkasok ko pa lang sa bahay ay may naririnig na akong commotion. Obviously, kanino pa ba galing?
"May sakit ka ba talaga o naglolokohan lang tayo rito?!" Si Alex. Mukhang alam ko na ang gusto niyang i-imply.
"'Di pa ba sapat 'yung nahawakan mo na ang noo ko?! G@go lang, dre?" narinig kong paanas na sagot ni Rixton.
"Malay ko ba—"
"Malay mo kasi, aagawin ko sayo ang syota mo." Tumawa siya (Rixton) ng mahina. "Well, hindi sa pagkakataong ito. Huwag kang mag-alala, fair and square akong lumaban."
"Ba, siguraduhin mo lang!"
"F*ck. Bakit nga ba ako nag-e-explain sayo? Lumayas ka na nga! Sumasakit ang ulo ko sayo!"
WTF? All this time, ako pa rin pala ang pinag-aawayan ng dalawang ito. Bago pa tuluyang lumala ang gulo, binuksan ko na ang pinto. Heck lang. Pakiramdam ko, ako pa ang magkaka-migraine dahil sa kanilang dalawa. Naabutan ko si Alex na nag-aayos ng mesa. Natunugan naman niya ako kaya tinulungan na niya ako sa pagbubuhat ng mga pinamili ko. Agad niya itong nilagay sa mesa at isa-isang nilabas. Matutuwa na sana ako ngunit bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya nayamot na naman ako. Leche lang talaga.
"Tatawagin ko lang si—" Inunahan na niya ako.
"Ako na." May binulong pa siya pero 'di ko na narinig.
"Ako na. Baka magka-giyera pa kung ikaw ang tumawag sa kanya," walang-lingong pagkontra ko.
Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "Akala ko ba, magpapanggap tayo sa kanya? E bakit ikaw 'yung sumusuway?" bulong niya.
Seriously?
"Napaka-isip-bata mo, Alex," ang nasagot ko na lang bago tumungo sa kwarto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Alex. Oo na. May kasalanan na ako. Ako na ang pasaway. Pero I think, this is an exemption! Hindi lang kasi ito basta-basta e. May sakit 'yung tao. Nagkataon pa na ako ang kasa-kasama ni Rixton sa opisina. Mai-imply na roon na ako ang accountable sa kanya. Ang hindi ko rin maintindihan, bakit pakiramdam ko, sinasabotahe niya ako? Ugh, alam kong mali pero naiinis talaga ako sa kanya! Pwes, bahala muna siya sa buhay niya!
"Rixton, kain na tayo. Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa kwarto.

BINABASA MO ANG
Biyahe
Comédie[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014