A/N: Huwag kayong malito sa pabago-bagong tawag kay AJ/Andrew. HAHAHA. Pero, mula sa chapter na 'to hanggang matapos, mas gagamitin ko na ang Andrew. K? K.
***
Ikaanim na Biyahe
Andrew's point of view:
"A-Alex?" nauutal kong tawag sa kanya.
Gulat man ay ngumiti pa rin siya sa akin. "U-Uy! Kamusta, Kuya?"
Nagawa pa niyang ngumiti sa lagay na 'yan?! E kung pukpukin ko kaya siya ng bote para matauhan siya? Para siyang binugbog-- okay, talagang bugbog-sarado siya. Sino kayang putragis ang gumawa niyan sa kanya?
"Kilala mo?" bulong sa akin ni Patrick. Takang-taka sa mga kaganapan.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at nilapitan ko na ang ngayo'y bugbog-saradong si Alex. "Sino'ng may gawa sayo niyan?"
Napabuntong-hininga siya bago magsalita. "Ang tiyahin ko. Pinalayas na niya ako sa bahay."
Nakakatanga talaga 'tong tao na 'to. Nagagawa pa talaga niyang ngumiti kahit na ganyan ang lagay niya. Agad kong sinenyasan si Patrick na tulungan akong alalayan si Alex. Nagtataka man ay agad niya akong sinunod. Aware na rin ako na pinagtitinginan na kami ng mga taga-roon. Salamat na lang talaga at nag-aalala talaga ako sa taong ito, kung hindi, naku, kanina pa ako nag-freak out dito. Hindi, biro lang.
Agad akong nagpara ng cab nang makarating kami sa kanto. Kailangan makauwi kami agad. Naku, parang pakiramdam ko, ako ang dahilang kung bakit ganito ang lagay ng taong ito.
"S-Saan tayo pupunta?" tanong ni Alex sa akin. Magkatabi kami sa backseat, samantalang naupo sa harap, katabi ng driver si Patrick.
"Sa bahay ko. Doon ka na muna magpalipas ng gabi. Isa pa, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napa'no ka, gayong nakita ka na namin," may pag-aalala kong sagot.
"N-Naku, huw--"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. "Sasapakin kita 'pag kumontra ka pa."
Hindi ko maintindihan ang sarili ko noong mga oras na iyon. Bakit ganito ako makaasta? Yung tipong, animo'y boyfriend ko siya kaya todo ang pag-aalala ko sa kanya? Ugh, kargo de konsensya ko siya kaya hinding-hindi ko hahayaang mapaano siya. Ilang saglit pa'y nakarating na kami sa bahay ko. Si Patrick na ang nag-initiate ng bayad, na siya ko namang pinagpasalamat. Tulad kanina, tinulungan niya ako sa pag-alalay kay Alex papasok. Agad namin siyang pinaupo sa sofa.
"Nasaan ang first aid kit mo, Andrew?" tanong ni Patrick.
"Nasa CR. Sa kanang cabinet." Ibinaling ko ang atensyon ko kay Alex. "Umayos ka ng upo at gagamutin nating ang sugat mo."
Umayos naman siya ng upo. Base sa hitsura niya, talagang malala ang natamo niyang mga pasa.
"S-Salamat," halos pabulong niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Humor[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014