Ika-labingwalong Biyahe:
Andrew's point of view:
Hindi ko alam ang gagawin ko nang makapasok na kami sa loob na bahay. Sa loob ng humigit kumulang dalawang taon, ngayon ko lang ulit ito nasilayan. Ganoon pa rin naman ang hitsura niyon. Wala pa ring pinagbago, although may mga muwebles lamang na nadagdag. Nang makarating sa dining area ay natanaw ko na ang likod ni Papa na.. nakaupo sa wheelchair? Bigla akong nag-alala para sa kanya. Ito kasi ang kinakatakot ko e -- na isang araw ay atakihin na siya ng sakit sa puso. Damn, kung anu-ano na namang pumapasok sa isipan ko.
"Huwag kang mag-alala, AJ. Matagal ka nang napatawad ni Papa. In fact, siya ang nag-request na pumunta ka rito. Miss ka na no'n, huwag kang mag-alala," bulong sa akin ni Andrea habang tinatahak namin ang daanan.
Nginitian ko lamang siya saka nilingon si Alex. Nakangiti rin pala ang loko sa akin. Kahit paano'y gumaan ang pakiramdam ko. Well, I'm hoping for the best. Matagal ko na ring gustong makapag-ayos kami e. Mahal na mahal ko kasi si Papa. Napansin na rin kami ni Ate Althea at ni Mama -- na labis ang saya. Hay, na-miss ko sila.
"Mama, P-Papa.." Kinakabahan ako.
"Anak, na-miss kita." Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap sa akin ni Mama. Dahil doon, kusa nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag matagal kang nawalay kanila then ngayon lang ulit kayo nagkita. Walang kapares na kaligayahan ang naramdaman ko.
"Anak, kumusta ka na? Ano'ng nangyari sayo sa loob ng dalawang taon?" may halong excitement na tanong niya. Imbes na sagutin iyon, hinarap ko muna ang pinaka-importanteng tao para sa akin ngayon.
"P-Papa.." Wala akong masabi.
Nakatitig lang sa akin si Papa. Ni wala kang mababakas sa kanyang emosyon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong kabahan o ano. Maraming what if's ang pumapasok ngayon sa isip ko. Ugh, ayaw ko ng ganito pero wala e. Ito talaga ang nangyayari sa akin.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin at yayakapin.. anak ko?"
Walang sabi-sabi, niyakap ko siya bigla. Grabe, ito na siguro ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko! Parang pakiramdam ko, nabunutan ako ng isang-daang tinik sa dibdib. Ang saya ko!
"Papa, sorry po sa lah--"
"Ako ang dapat magsabi sayo niyan, AJ. Hindi ko kaagad natanggap kung sino ka talaga. Anak, pasensya ka na ah? Hindi man lang ako naging mabuting ama sayo," naluluhang sagot niya.
Wala na po iyon, Papa. Ang mahalaga, nagkaayos na tayo. Alam niyo naman po na mahal na mahal ko po kayo, di ba?
Tumango naman siya. Again, niyakap ko ulit siya. Ang saya talaga ng pakiramdam ko. Feeling ko, nabuo ulit ang pagkatao ko.
Mya-maya pay biglang sumabat si Mama.
Anak.. Tiningnan niya si Alex. Oo nga pala, hindi ko pa siya naipapakilala sa kanila.
Mama, Papa, mga Ate, si Alex po pal
Boyfriend mo? nakangising tanong o sabat ni Ate Andrea.
Hindi! Ako.
Opo. Alex.
Magkaiba pa kami ng sagot. At WTF lang? Bakit pati rito, pinapairal pa rin niya ang pagpapanggap namin?! Ano siya, siniswerte? Ugh!
"Naku, parang ang bata mo pa ah?" kumento ni Mama. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Pagdidiskitahan na naman nila ako nito. Baka nga itakwil ulit ako ni Papa e. Hindi sana iyon mangyari.
"Nasa tamang edad na rin naman na po ako, Ma'am. Isa pa po, mahal ko po ang anak ninyo at pinahahalagahan ko po siya kaya wala po kayong dapat ipag-alala," nakangiti pang sagot ng ungas! Naku, malilintikan talaga 'to sa akin mamaya.
BINABASA MO ANG
Biyahe
Mizah[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014