[A/N: Look for the MM on the side for each of the character's imaginary cosplay characters. Makikita niyo din siya sa FB group under the album "LWTG CHAP 24: COSPLAY". And play the vid beside when needed. Thanks!]
CHAPTER 24: CHASING THE DISTANCE
ANYA'S POV
Napapikit agad ako nang muling marinig ang sunud-sunod na pagpalatak ni Ma'am Rodriguez habang nasa harap ng musical stand. Hayyy, Anya! Ang epic fail mo talaga kahit kailan!
"Ano ba naman yan, Lagdameo?! Ilang beses na tayong paulit-ulit ah?! Hindi mo pa din makuha-kuha yung itinuturo ko! Ipapahiya mo, hindi lang yang mga kaibigan mo kundi pati pangalan ng school kung ganyan ang performance mo!" Panenermon nito.
Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Nandito kasi kami ngayon sa music studio ng campus at nagpa-practice para sa mga isasagawa naming performance para sa event. Kung nagtataka kayo kung bakit si Ma'am Helen Rodriguez na head ng Biotech Department ang nagtuturo sa amin, kung hindi niyo na maitatanong, isang former theater actress sa Broadway si Ma'am. Kung hindi nga lang daw siya nag-quit para ipagpatuloy ang pag-aaral ng Master's degree niya, baka kahilera na ni Lea Salonga yung pangalan niya.
Bukod pa doon, pinakiusapan din yata siya ni Sir Cuenca na tulungan yung mga magpe-perform sa kada club dahil nga sobrang importante nung event at darating yung mga major sponsors ng university. Kaya heto, oras na nga namin nina Yoda Boy at nina CL, Minzy at Shimmer na turuan niya pero hayyy, epic fail pa din ako.
Inis na napabuntong-hininga si Ma'am saka ako tinaasan ng kilay. Tumingin ito sa wristwatch niya, "You were all dismissed for now at time na nung next club para turuan ko. Pero you, Lagdameo! I'm keeping my eye on you, young lady! Ayusin mo yang pagkanta mo at kung hindi, ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi makapag-perform ang club niyo! Am I clear?"
Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan saka tumango, "Ye---yes, Ma'am...."
"I can't hear you! I repeat, are we clear on that?!" Pasigaw nang tanong nito dahilan para natatarantang mapabaling ako dito.
"YE---YES MA'AM!"
"Good. You may all go. And please tell the students outside to come in."agad naman kaming napalabas na lima sa sinabi nito. Si Minzy na yung sumunod sa utos ni Ma'am habang nauna na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...