Chapter 38: The Upper Hand

7.2K 177 89
                                    

[A/N: Sorry for the late UD. Wag makulit, aware ako na late talaga. Busy sa work si alien. Pagbigyan niyo na, lapit na bday ko o! Haha! Dedicated to ladydee_gonzales21, natats kasi ako sa mahabang comment niya na matutong mag-antay sa UD yung ibang readers. Ano comment pa ng UD please? Tagal ng UD noh! /le insert evil laugh here/ *EHEM*
Btw, special mention to the ff: cfranceslouise , kirsten215 , hanahfernandez , FunTasy2000 , Istroberi_KappyKeyk , MarieFe797 , Kimhyun_Byun ,  nhavilleMyloves , and PixieFlakes ~Kaway-kaway! Thanks for the active comments!]

--------


"With words as valueless as poker chips, we play games whose object it is, to keep us from seeing each other's cards." -Frederick Buechner, The Alphabet of Grace



CHAPTER 38: THE UPPER HAND



THIRD PERSON'S POV

Pigil ang mga luha na nagpahid ng kanyang mga mata ang isang dalaga nang tuluyang makalabas ng tila impyerno na kanyang pinanggalingan. Sa muling beses na hindi na niya mabilang kung pang-ilan, hinayaan niyang muling gamitin ang kanyang katawan ng taong iyon. Inaamin niyang nandidiri siya sa kanyang sarili ngunit wala siyang ibang mapagpipilian. Kung ito lamang ang tanging paraan para makamtan niya ang puso ng taong pinakamamahal niya, pikit mata niyang gagawin ang lahat.

Namamaga ang mga mata na nagpapahid siya ng mga luha nang marinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao. Agad na nakuha nito ang atensyon niya at sinundan ang pinagmulan ng tunog na iyon. Dinala ang kanyang mga paa sa may race tracks kung saan kasalukuyang ginaganap ang "special round" ng track and field na pakulo ng student council.

Napabaling ang tingin niya sa stage at gayun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang babaing kanyang karibal sa puso ng taong minamahal. Wala sa sariling agad na napadako ang tingin niya sa race tracks at doon natagpuan ang binatang minamahal.

Ang taong kanyang pinakamamahal na ngayon ay nasa race tracks upang makipaglaban para sa puso ng iba.

Namalayan na lamang ng dalaga na muling masaganang nagpakawala ng luha ang kanyang mga mata. Masakit para sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya para lang tuluyang makuha ang puso ng binata pero wala nang higit na mas sasakit pa na makitang habang ginagawa niya ang lahat para mapa-ibig ito ay siya ring ginagawa nito ang lahat para mapa-ibig ang iba.

Dahil sa kaisipang iyon, napalitan ng poot at galit ang lumarawan sa mga mata ng dalaga habang nakabaling ang tingin sa babaing kanyang karibal. Marahas na nagpunas siya ng mga luha bago tuluyang magdesisyon na lisanin na ang lugar na iyon.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay na naglakad siya palayo habang isinusumpa ang babaing kanyang karibal.

"Sulitin mo na ang mga araw na ito, Anya, dahil sa oras na maisakatuparan namin ang lahat, ipinapangako kong ipaparanas ko sayo doble pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon."

****

"Has everything been settled?"

(Yes, boss. Wala na kayong dapat na ipag-alala. Sinisiguro namin na malinis ang pagkakagawa ng lahat.)

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon