Chapter 39: Of Rationality And Insanity

6.8K 181 59
                                    

A/N: Kaway-kaway to my active commenters last chap: @watty_0012, @JanelleLu_m ,@cfranceslouise ,and @Angel_of_Fantasy (minemention ko lang yung walang UD please sa comments. Dun sa isa dyan *EHEM* na nagpopost pa sa board ko, PINKY YOU! kainis >.<! Atat much?)

Late UD, yes because I'm fab. Bleh:---))))!
-----------




"Love is not rational. It's madness. A beautiful, wonderful moment of magnificent insanity"
-Michael Faudet





CHAPTER 39: OF RATIONALITY AND INSANITY


KAI'S POV

"Nakaka-g*g* lang talaga, 'tol eh. Pakipaliwanag nga dahil kahit pigain ko pa itong kukote ko, hindi ko pa din maintindihan kung bakit hinayaan mo na lang siya dun sa apat na kumag? Kung tutuusin, IKAW ang may pinakamalaking tsansa sa kanilang lahat! Ikaw itong pinakamalapit sa kanya tas ganyan? Magpapaubaya ka lang? Ewan ko sayo, 'tol! Labo mo ding tao ka eh!"

Inis na napahilamos na lang ako sa mukha habang kausap si Dyo. Kami na ang nagpresenta na bumili ng pagkain para sa lahat dahil abala sila sa pagbabantay kay Chen.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit naisipan ng taong ito na magpaubaya na lang doon sa apat para sa "kanya". Oo, matagal ko nang alam ang tungkol sa "espesyal" na nararamdaman ni Dyo para kay Anya. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, ngayon pa lang naman nag-uumpisa ang laban, sumusuko na agad siya? Tas siya pa itong malakas ang loob sakin na magsabi na umamin na gayung siya pala itong mahina ang loob.

Ang labo, dre!

Nginisian lang ako nito, "Kahit naman kasi pigain mo yan, wala ding kakatas."

"OY, AYOS AH!"

Bahagyang tumawa lang ito. Tumigil kami sa apat ng isang vendo machine para bumili ng maiinom. Matapos makuha, nagpatuloy na kami sa pagbalik sa clinic.

Ngumiti lang ito, "Ano ba kasing malabo sa ginawa ko?"

"T*ngn*, tol! Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita nasapak! LAHAT! Lahat malabo! Ba't nga ba nagpaubaya ka?!"

"Simple lang, dahil mahal ko siya. Anong malabo dun?"

"G*G*! MAGHANAP KA NG KAUSAP MO!"

At ang kumag, tinawanan lang ako. Pigilan niyo ko't kahit kaibigan ko ito, uupakan ko ito! Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Aish! Nababaliw na yata itong si Dyo eh!

"You really don't get it, do you, Kai?"

"Oo, ako nang mahina ang utak! Ako nang mahirap maka-gets!"

Napailing ito, "It's not about that." napabaling ako sa seryosong tono nito. Malalim itong bumuntong-hininga bago nagpatuloy, "May mga bagay lang na hindi mo pwedeng ipagpilitan."

"HUH?!"

"May mga bagay na gustuhin mo man, hindi mo na pwedeng ipilit pa. Mga bagay na pwede pa pero alam mong dumating ka na sa punto na, ikaw na mismo ang dapat na tumigil. At isa itong sitwasyon ko sa halimbawa ng mga bagay na yun..."

Mapaklang ngumiti ito, "Kahit alam ko na may tsansa ako, kailangan kong itigil. Hindi dahil sa nagpapaubaya ako kundi dahil iyon ang mas ikakabuti."

"Anong----mas ikakabuti?"

"Dahil masasaktan lang siya kung mas ipipilit ko pa ito. Malakas ang kutob ko na alam na niya ang tungkol dito at sapat na sakin ang bagay na yun. Kung ipipilit ko pa, mas lalo lang siyang mahihirapan. Mas lalo lang siyang masasaktan."

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon