Chapter 46: The Mess He Made

5.6K 133 81
                                    

“It’s not that you can fall in love with someone new because you forgot the old…It’s because you fall in love with someone new that you’re able to forget about the old

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“It’s not that you can fall in love with someone new because you forgot the old…It’s because you fall in love with someone new that you’re able to forget about the old. Only love can heal a heart that was hurt by love” -Takeuchi Ayaka, Bokura Ga Ita



CHAPTER 46: THE MESS HE MADE

ANYA’S POV

Katahimikan.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming lahat ngayon. Halos damang-dama ang tesyonadong aura sa buong mansion. Ito yung tipong kahit bawat paghinga o pagpikit ng mata mapapansin mo.Tila ba nag-aantayan lang na may isang bumasag sa katahimikang ito.

Nakayakap sakin si barbie doll habang tila pinapalakas ang loob ko. Sa may gitnang sofa kaming dalawa nakaupo habang pinapalibutan kami ng buong BK 2.0 at SkullBashers. Mahimbing na natutulog na si bebe Newton sa kwarto nito na pinagpapasalamat ko dahil hindi na niya kailangan pang masaksihan ang magiging komprontasyon ngayon.

Nasa kabilang upuan naman si Thunder habang pilit na pinapakalma nina Yasser, Kier at V. Nakaupo sa tapat namin si GD na kanina ko pa dama na sinisilip ako mula dito sa kinauupuan ko kung hindi lang ako pilit na hinaharangan nina Luke, Chen, at Claus.

Mula dito naman ay nasisilip kong mariin siyang binabantayan nina Kris, manyakis na brief, Nathan at nina Shane at Kai na mukhang handang-handa na itong sugurin sa oras na may mapansin silang maling galaw o sabihin nito.

Nasa tapat na upuan lang nito sina Troy na mataman lang nagmamasid sa lahat habang si Yoda Boy ay seryosong nakasandig lang sa may paanan ng hagdanan papunta sa mga kwarto namin.

Tila nabasag na lang ang kanina pang katahimikan nang dumating sina Dyo at Drew na may dalang mga inumin at pagkain para sa lahat. Isa-isa nila kaming lahat binigyan. Napansin ko naman ang pagtanggi ni GD ngunit tila napilit ito lalo na nang makita ang ngiti ni Dyo-dyo.

Naupo na lang din ang dalawa matapos masigurong nabigyan na ang lahat. Noon naman nagpasyang tumikhim ni Troy.

“Kung hindi lang dahil sa sinabi ni Blakey boy, nuncang hahayaan naming makatapak ka dito sa teritoryo namin matapos nang ginawa mo kay Anya. Malamang na unang tapak mo pa lang papasok sa gate, nakahanda na ang libingan mo.”

Wala sa sariling napalunok at napayakap ako ng mahigpit kay bebe Newton. Mula noong una kong nakilala ang BK 2.0 at noong iligtas nila ang buhay ko hanggang sa mga oras na ito, ngayon ko lang nakita at narinig ang kakaibang bahid ng galit sa mga ito. Aaminin ko, medyo natatakot ako ngayon ngunit hindi din mapigilang lumaki ng puso ko sa isipin na ganito nila ako protektahan.

“Huwag kayong mag-alala, alam ko kung saan ako dapat lumugar ngayon.”

“Buti alam mo…”pabulong na asik ng kapatid ko.

Napabuntong-hininga na lang ako dito. Naiintindihan ko naman ang nararamdamang galit nito ngayon kay GD at hindi ko siya masisisi dahil alam kong gaya ng BK 2.0 at SkullBashers, pinoprotektahan lang din naman ako ng kapatid ko.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon