Nagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...
[A/N: This is a side story featuring Star, Yasser and Logan. You may always skip this chap. Exclusive for those readers who are curious about their story~ Let's know kung bakit nga ba umiiyak si Star nang bumalik sila sa Phoenix Mansion at kung bakit bugbog sarado sina Logan at Yasser]
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SIDE STORY F: THE WORST OF YOU, THE BEST OF ME
****
"It never stops hurting, does it?"
"What?"
"Giving someone the best of you and watching them choose someone else."
****
STAR'S POV
"Make Yasser ask you out on a date? That's easier said than done, babe."
Gulat na napabaling na lang ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Isang malawak ang ngiting magnet lang naman ang bumungad sakin. Inis na hindi ko na lang ito pinansin saka ipinagpatuloy ang pagbabasa doon sa papel na ibinigay sakin ni Kulog.
Hanggang ngayon kasi, iniisip ko pa din kung anong klaseng magic o pagbu-boom shakalaka ang gagawin ko para lang ayain ako ni Yassermyloves na makipag-date! As if naman noh! Parang mas madali pang magpa-snow sa Pilipinas kaysa doon! Oo, ganun siya ka-hopeless!
Well, sige. Sabihin na nga natin na napilit ko nga si myloves na ayain ako noon sa isang date na hindi naman talaga considered na "date" talaga dahil biglaan lang ang mga pangyayari sa earth pero this time, dapat yung buong puso, walang kinikilingan, walang pag-aalinlangan, serbisyong totoo lang na siya mismo ang mag-aya sakin ng date!
Yun nga lang, paano ko magagawang mayaya niya ako na makipag-date kung ika nga, "the feeling is NOT mutual" naman?! #Saklapnamandizlayf
Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang mawala sa paningin ko yung papel na hawak ko. Nakita kong kinuha na lang pala iyon ni magnet na ngayon ko lang napansin na nakaupo na sa harap ko.
"Tsk, tsk, tsk! Why even waste your time making that fcktard ask you out on a date when I can everytime? Kung gusto mo pa nga araw-araw tayong mag-date babyloves, game ako!"
Inirapan ko lang ito sabay hila doon sa papel na basta-basta na lang niyang kinuha, "Iyon na nga po kasi ang punto doon, magnet. KUNG GUSTO KO eh ang kaso AYAW ko nga kaya sorry ka na lang. Saka ba't ba nanggugulo ka dito huh? Wala ka bang klase?"
Umiling ito, "I will always have time for you, babe." sabay kindat.
Umarte naman ako na tila nasusuka, "Ginawa mo pa akong baboy saka akin na nga yan! Pakielamero!"sabay dila ko dito na imbes na kainisan niya eh mukhang natuwa pa siya base sa pagkurot niya ng ilong ko.
"Ang cuuuuute-cute mo talaga, babyloves!"
"Tigilan mo ko! Psh!"
Ewan ko ba pero bigla na lang akong kinabahan nang biglang ngumisi ang loko, "Ya---YAH! Hajima! Ayoko niyang mga ngisi mong yan!"