Side Story C-1: His Thunder

8.4K 203 17
                                    


[A/N: As I posted in my wall before, EVERY TWO WEEKS ANG UPDATE DITO. At pag mas marami akong nabasang "kelan po ang update?", "update pls.","author,pa-update naman", kung ilan yun, ganun din ang total ng extension ng araw na idedelay ko ang UD. Para fair deybah? Saka para naman matuto yung iba na magcomment talaga sa story at hindi yung puro hingi lang ng UD ang ikinocomment. Nyways...

This is a side story featuring the story of Thunder and Suzy. You can always skip this chap. Pero kung interested din sa kwento nina Yasser, Star at Logan, this is a must read. Para lang po ito sa mga interested sa kwento nung apat.]





SIDE STORY C-1: HIS THUNDER



***

"She was THUNDER and her smile would rattle my bones.

She couldn't pile herself together but I fell in love with all of her.

She was the death of me, the beginning and the end.

And I never understood her,

For how could someone so beautiful,

Be the cause of so much destruction after all."

-R.M. Drake (Adapted)

***




[FEW WEEKS AFTER THE ANNUAL CLUB INITIATION EVENT]



THUNDER'S POV



"Seryoso ka ba talaga dito sa gagawin natin, bibwit? Tsk! Masama kutob ko dito eh!"alanganing tanong ko kay bibwit nang sa wakas eh makarating na din kami sa harap nung boutique nina Ate Shimmer na sinasabi niya.



Mataray na inikutan lang ako ng mata ng bata, "Yung totoo, Kulog? Ngayon mo pa ba balak umatras kung kelan nandito na tayo?! Saka akala ko ba gusto mong mapansin ka ni Suzy unnie?! Sa tingin mo ba mapapansin ka ng ganyan ang itsura mo na nakalimutan yata na hindi na uso ang suspenders?! Yung totoo, pauso much?"



Sinamaan ko ito ng tingin, "Tss, makapagsalita parang siya...."tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, "Eh kamusta ka din naman? Mukha ka na ngang Christmas tree sa dami ng abubot mo dyan sa ulo isama mo pa yang hindi malamang kulay ng medyas mong pagkataas-taas!"



At ang bata, nginusuan lang ako! "Yah! Ito kayang uso sa Korea!"



"Bakit nasa Korea ka ba?"



Natawa na lang ako nang inis na napapadyak ng paa si bibwit. Basag, eh. Haha! Nayayamot na inayos na lang niya yung pagkakasabit ng bag niya sa balikat saka inis na bumaling ulit sakin.

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon