[Dedicated po to her sa paggawa ng cover sa gilid! Hihi! Almost one week po yan ang cover ng LWTG! and very very thanks to her! Haha, conyo much -___-! Thanks po sa paggawa ng cover! Try niyo ring magpagawa sa kanya. It's worthfit ^__^]
CHAPTER 16: AN ENDING THEY'LL NEVER KNOW
ANYA'S POV
"HIJA! MABUTI NAMAN AT DUMATI---Ohhh...te-teka, Anya, kasama mo ba siya?"pabulong na tanong sakin ng manager ng Vitamins nang makita si Yoda Boy sa tabi ko. Oh well, hindi na ko nagulat. Sino ba namang hindi maloloka kapag nakita mong kasama ko ang isa sa pinakanotorious na gangster at pinagkakaguluhang heartthrob ng campus, di bey?
Tumango na lang ako, "Ahhh, opo. Sinamahan niya lang po ako."
At parang nag-al dollar sign naman yung mga mata ni manager saka ako hinatak sa isang tabi at bumulong, "Anyaaaaa! Kalurkey kang mujer ka! Ba't ngayon mo lang sinabing may kakilala ka palang member ng BK2.0! OMO OMO OMOOOOO! Ang laki ng maitutulong niya para muling buhayin itong resto natin!"
"Po?! Sigirado po kayo? Yang Yoda Boy na yan?"sabay baling namin kay Yoda Boy na tila inosenteng batang amaze na amaze sa mga dekorasyon ng resto. Sa itsura niya ngayon, di mo aakalaing gangster ang kumag. Parang batang naligaw lang sa kung saan eh!
Tumango-tango naman si manager, "Oo naman! Heartthrob kaya sa buong ZVP yung grupo nila! Kaya makaka-attract sila ng customers para bumisita dito! Kaya, sige na naman, Anya! Alang-alang sa Vitamins, tulungan mo kong mapapayag siyang tulungan tayo!"
Naguguluhang napakamot na lang ako ng ulo, "E---ewan ko, manager. Itatanong ko na muna sa lokong yan. Pero huwag kayo masyadong umasa. Bipolar yan, malakas sapak sa utak."
Totoo naman eh! Hirap kayang ispelengin ng mood ng Yoda na yan! Minsan akala mo inosente, tas biglang magiging masungit, tas biglang babait tas bigla na namang magiging masungit tas biglang tatawa na parang baliw at tulad ngayon, parang batang ngayon lang lumubas ng lungga niya! Juice colored lang! Nevermind na nga sa pagbili ko ng tornilyo para sa utak niyan! Mamaya maubos pa yung tornilyo sa hradware, ako pang masisisi!
"Oo, Anya. Pero ikaw nang bahala huh? Siyangapala, heto nga pala yung kantang kakantahin mo mamaya sa first set mo. Medyo luma na, well, alam mo naman itong Vitamins, vintage talaga ang theme."
Inabot ko yung papel na binigay ni manager at binasa. 'When I dream about you' yung title ng kanta. Hmmm,tunog pamilyar ah? Ito yata yung tinutugtog ni papa dati sa plaka niya eh! Yun oh! Madali na ito!
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...