[A/N: *Dedicated po to her for doing the cover for Living with the Gangsters and for being a fellow ChanDara shipper! Woooh! ChanDara 5evs! ChanBaek lang pwede tumibag, haha! Thanks for the cover and teecee always!
*This is a side story featuring the stories of Star, Yasser, Thunder and Suzy. Iba pa po ito sa Special Chapter. Mas madalas na may ganito para updated din kayo sa stories nung apat kaysa sa SC.
*if not interested, you can always skip this chap. Para lang po ito dun sa mga nag-aabang ng story nung apat.]
SIDE STORY- A: DOMINOES
*****
"Because baby, we are like dominoes. I fall for you but you fall for another."
****
STAR'S POV
Palihim na pinapanood ko si Yassermyloves sa likod ng puno ng mangga na ito habang masayang nakikipagkwentuhan kay Suzy sa isang swinging bench. Argggggghhhhh! Halos magmukha na nga akong dalmatian dito sa mga pantal sa kakakagat ng mga hantik dito sa puno pero kiber lang! Basta para kay myloves, kahit ebola o bagyong Yolanda pa yan, susuungin ko! Naks, gumaganern ang peg eh noh?!
Pero kasi naman, masisisi niyo ba ako kung mainlove ako sa myloves ko?! Kahit na alam kong never as in never ever as in ever in my entire existence na mapapansin niya ko o magagawa niya kong mahalin, ayoko pa ring sumuko. Never give up nga di ba?! Kaya heto, patuloy pa din akong magwiwish sa falling star, maghihintay ng 11:11, magtatago ng wishing bone at wishing feather at aasa na isang araw eh mapapansin din niya ko.
Ang kaso, paano nga naman niya ko mapapansin kung may isang malaking epal na itago na lang natin sa pangalang 'ANNIKKA SUZANNAH KANG' o 'SUZY' ang nakaharang! Mababakuran ko na nga sana si myloves kung hindi lang bumalik balik pa dito sa Pinas ang karibal ko sa kanya! Ang mahirap pa dito, alam kong mutual ang nararamdaman nila sa isa't isa kaya masaklap lang lalo!
Isipin mo ba naman, paano ka makikipaglaban sa isang istorya kung sa simula pa lang, alam mo ng Isa ka lang EXTRA?! Yung aliping sagigilid ng prinsesa sa fairytale, yung bestfriend niyang lagi niyang kausap o kaya naman yung fairy godmother na tumulong sa kanya. Isipin niyo, kelan pa nagkatuluyan ang fairy godmother atang prinsipe? Never pa di ba? At parang ganyan ang masaklap na kwento ng lovelife ko. Bow.
Kaya naman, ganito lang ng ganito ang drama ko. Tumitingin sa malayo, umaasang kahit minsan eh lilingon din siya sakin at mapapansin din niya ko. Pero wala eh. Paano nga naman niya magagawamg sumulyap sakin kung sa iba nakatuon ang mga mata niya?
Patuloy pa din ako sa panunood kina Yassermyloves at Suzy unnie---well, kahit naman karibal ko siya, mabait naman ang turing sakin ni unnie, sadyang nagkataon lang na iisang lalaki ang nagustuhan namin---nang may mapansin ako sa di kalayuan na puno. Hmmmm, teka! Parang kilala ko yun huh!
![](https://img.wattpad.com/cover/20137743-288-k482909.jpg)
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...