Chapter 35: The Secrets that we keep

8.4K 206 70
                                    

A/N: Dedicated to adorable_078 ! Here's your prize, saeng! Enjoy! Hihi! Yun nga lang, hindi pala magagamit dito yung kanta sa "Guess the song title" na sinagutan mo. Pero, as promise pa din, here's the dedic! Thanks for reading and supporting! Teecee always! Mwah~!

Gangsters and their bidders (as of this update):

Troy: chynnabebe

V: Czeee07

And to my active commenters last chap: ms_violet16 , Slowffy14 , VampireQueen16 , Suplada_Princess , ximcmxciv , kaway-kaway!

BELATED HAPPY HALLOWEEN SA LAHAT ^^~! At dahil diyan, magshe-share ako ng horror story.

One upon a time, isa kang die hard EXO-L (aka fan ng EXO) at nangangarap na sana mapansin ni witch Youngmin ang Pilipinas para mag-concert ang EXO. At nang matupad naman ang pangarap mo, BOOM! Wala ka pang ipon pambili ng ticket.
And yes, sa ngayon, yan ang pinakanakakatakot na horror story na nalaman ko. At true-to-life pa yan! San' ka?! T.T /le laslas in the corner/
#EXOluXionInManila
#FindingtheLostPlanet
------





"While all deception requires secrecy, all secrecy is not meant to deceive."
-Sissela Bok






CHAPTER 35: THE SECRETS THAT WE KEEP

ANYA'S POV

"Good morning..."

"Magandang umaga..."

Naninibago at nagtatakang sabay na nagkatinginan kami ni Minzy nang bumungad ngayon samin sina CL at Shim-Shim na para bang puyat na puyat. Yung itsura nila ngayon, parang mga anime characters na tinakasan ng kaluluwa sa sobrang pagka-haggard. Gulo-gulo yung buhok, gusot yung damit at halatang-halata yung eyebags sa mga mata. Yung tipong kapag naglakad sila sa harap mo, aakalain mong bagong gising lang at basta na lang nagbihis. Ganern!

Naupo yung dalawa sa pagitan ko. Bale napapagitnaan kasi nila ako habang nasa dulo naman namin nakaupo si Minzy. Tila puyat na puyat na yumuko sila sa desk para matulog.

"CL, Shim-Shim, bakit ba parang puyat na puyat yata kayo? Ano bang nangyari sa inyo kahapon huh?"tanong ko sa dalawa. Nilapat ko pa yung likod ng kamay ko sa noo ni CL, "Oh? Mukhang wala ka na namang lagnat, CL. Kung nanghihina ka pa, sana di ka na lang muna pumasok. Kami nang bahala nina Minzy mag-excuse sayo sa mga klase mo."

Tumango naman si Minzy, "Oo nga. Saka isa pa,akala ko ba si CL lang ang may sakit? Anong drama yan, Shim-Shim?! Nagpuyat ka na naman siguro sa kaka-marathon ng kdrama mo noh?"

Nagulat na lang kami nang biglang umupo ng ayos si Shimmer. Nakabaling sa kawalan na bigla itong nagsalita, "I am currently in a state of shock right now. My mind is in a mess with words and thoughts all whirled up and yet making no sense. My mind is in a haywire and I couldn't used my full potentials and capabilities to its maximum level."biglang sabi nito sabay yuko ulit ng ulo.

Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kami ni Minzy. EHMHEGHED! TOTOO ANG HIMALA! Huhu! Biglang tumalino na lang ng sobra si Shimmer! Pero teka nga, ano bang nakain nito?! Memo plus? Liveraide? Ceelin? Epekto ba ito ng pagpupuyat?! Eh kung ganun lang din pala, magpupuyat na lang ako lagi!

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon