Chapter 10: First Day Mayhem

15.4K 334 16
                                    

 

 

 

CHAPTER 10: FIRST DAY MAYHEM

 

 

 

ANYA'S POV

 

Yung totoo? Anong meron at lagi akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi? Hindi kaya namamahay pa din ako? Nyek! Bata lang, Anya? Isa pa, ilang araw na din kaya akong nakatira dito sa Phoenix Wing! Hayzzzttt...inis na napabuntong-hininga ako saka napatingin sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table ko.

12:45 am

Sumalampak muli ako sa kama saka mahigpit na niyakap yung unan ko. Sinubukan kong matulog ulit pero wala...NGA-NGA. Inis na napabangon tuloy ako. Grabe naman kasi! Ang aga pa kaya ng pasok namin bukas! Ahhh, alam ko na! Iinom na nga lang ako ng gatas sa baba, baka sakaling makatulog ako.

Pero sa kabilang banda, wag na lang kaya? Mamaya kasi deja vu pala ito nung nangyari nung isang araw at isang manyakis na higante na naman ang makita ko! Arggghhh! Kumukulo pa din talaga ang dugo ko sa Yoda Boy na yun! Tinulungan nga ako, pinintasan naman ako! Nasaan naman ang hustisya dun di ba?

Hayyy, yae na nga lang! Hayaan mo siyang higante siya basta ako iinom ng gatas! Sosyal pa naman ng binibiling gatas ni Troy, imported pang fresh milk! Galeng noh? Gatas na lang, porindyer pa! Nyahahah XD! So heto na nga, bumangon na ko sa kama saka pinihit pabukas yung pintuan ng kwarto ko nang...

O___O

=______=

.___.

Bangungot. Isang masamang tanawin lang naman po ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto! Aba, sino pa bang may-ari ng katapat na kwarto ko kundi yung higanteng may malaking tenga! Aish! Sa dinami-dami ng pwede kong makasabay na magising ngayong madaling-araw, bakit kailangang siya pa?!

"HOY, YODA BOY! Hindi kaya stalker kita?! O baka naman bampira ka na nagigising lang sa gabi huh? Grabe langs! Bakit ikaw na naman ang nakita ko ngayong oras na ito huh?"

Nagkibit lang ito ng balikat, "Bah, malay ko! Ako pang pinagbintangan nito. But come to think of it, shouldn't I also ask you the same question? Baka naman ikaw pala itong stalker ko diyan---"

"Luh, luh, luh! Kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mong higante ka! Kainis! Bahala ka na nga diyan sa buhay mo! Nakalimutan kong sa gabi nga lang pala nagpapakita ang mga kapre."

"Krung-Krung nga talaga, makapanlait na kapre ito, kung kapre ako, ano pa si Kris?"

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon