A/N: Dedicated to ximcmxciv ! Thank you so much sa support! One of my most active readers from LWTG, TGD at Reply 1687! Thanks for supporting~! Mwa~!
Kaway-kaway to my active commenters last chap: Demi_God01 , krungy_dara21, allanayupo, jluyana, hador12364479658, andiistrange669911, mysterious_writer_04, NicutieCole, jayjayrvr, 09078033504princess ...In fairness, dumami kayo! Haha! Enjoy reading this chap!BELATED HAPPY BIRTHDAY CHANYEOL KO~!
#HappyChanyeolDay
----
"Don't get too close, it's dark inside. It's where my demons hide. Don't want to let you down but I am hellbound. Your eyes, they shine so bright. I want to save their light."
-Demons, Imagine Dragons
CHAPTER 36: HELLBOUND
THIRD PERSON'S POV
"Ano? Malinis niyo bang nagawa yung pinapatapos ko? Baka naman yan na lang eh papalpak pa kayo?!"halos nagngingitngit na tanong ng isang misteryosong tao sa lalaking kausap nito sa kabilang linya.
(Wag kang mag-alala. Malinis na natapos ng mga tauhan ko yung taong iyon. Pero sabihin mo, talaga bang kasama pa sa plano ang lahat?)
"Kinukwestiyon mo ba ang mga plano ko huh?!"
(Hi---Hindi naman. Alam mo namang malaki ang tiwala ko sa mga plano mo. Ipinagtataka ko lang kung bakit kailangan pa nating ipain ang walang kwentang taong iyon sa kanila? Gayung kayang-kaya naman natin silang paikutin sa mga palad natin.)takang tanong ng lalaki.
Mala-demonyong ngumisi ang misteryosong tao saka nagbuga ng hangin sa hawak nitong sigarilyo, "You are too naive, partner. Kaya ka naiisahan ng mga taong iyon. Well, kung nagtataka ka talaga, sabihin na lang natin na binibigyan lang natin sila ng babala. What happened may serve to them as a warning for an even greater danger that awaits them."
(Paano kung makapaghanda sila? Paano kung mangyaring malaman nila ang tungkol sa tunay mong pagkatao? Higit sa ating dalawa, mas kilala mo ang mga batang iyon. Mga bata man sila, hindi sila ignorante katulad ng iba.)
"Hah!"pakling tawa ng misteryosong tao, "I know! Kaya nga mas nagiging interesado ang lahat di ba? Wag kang mag-alala sakin. I got everything wrapped around my fingers. At maghahanda? Nagpapatawa ka ba? Kahit na malaman nila na isang babala ang lahat, masisiguro ko sayong hindi pa din sila makakapaghanda sa mga naghihintay para sa kanila. I'll make them pay with my wrath!"
Hindi napigilan ng lalaki sa kabilang linya na manginig sa mga salitang narinig mula sa kausap nito. Batid niyang walang dungis ng kabutihan ang kaluluwa niya at malamang ay sinusunog na iyon sa impiyerno pero ang taong ito...tila ba ito mismo ang pinuno ng impiyerno. It was like the person on the other line was the devil incarnate.
Tumikhim siya, (Sige. Siguraduhin mo na lang na kontrolado mo ang lahat diyan. Ayokong mabulilyaso ang buong grupo ko sa oras na may hindi umayon sa plano.)

BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...