[Hi ate! I dedicate this chapter po to you pambawi sa dating book cover po na ginawa niyo pero hindi ko na din nagamit kasi nga, ni-revise ko yung story! Pasensya na po! BTW, thanks pa din po sa paggawa ng book cover dati ng TGS! More power po and teecee!]
----
A/N:
Well, dahil naisip kong sequel ito ng MIWTG at mas instense ang drama dito, asahan niyo na po na walang teasers...para mas abangan niyo, haha XD! Nyways, Updated na po ang OTHW since maraming nagmamahal kay fafa Deus Jin...
Here's the update! Enjoy reading eartlings!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CHAPTER 1: DESTINY OR CURSE?
Kadiliman....
Purong kadiliman...
Iyan ang bumungad sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. Habol ang hiningang muli ako napapikit ng mariin saka napasabunot sa aking buhok. Ilang sandali pa ay bumalikwas ako ng bangon at binuksan ang lampshade sa tabi ng kama. Binuksan ko ang drawer sa bedside table at kinuha ang isang bote ng gamot.
Matapos uminom ng gamot ay nahagip ng mata ko ang isang picture frame. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Isang larawan ng isang buo at masayang pamilya. Ialng buwan na nga ba ang nakalilipas? Paanong sa isang iglap, humantong ang lahat sa ganito?
Kung iisipin, tila isang malaking kalokohan lang ang lahat, yung tipo ng mga kwentong sa mga teledrama mo lang inaakalang mangyayari, isang bagay na sadyang napaka-IMPOSIBLE. Oo, imposibleng mangyari pero nangyari sa akin.
Namalayan ko na lang na walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang inaalala ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]
Teen FictionNagsimulang magulo ang nananahimik at "almost perfect" life ni Anya nang walang awang kinuha sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan. Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nalagay sa bingit ng panganib ang buhay ng dalaga. Alang-alang sa kanyang...