Chapter 6: What Lurks Behind

16K 394 15
                                    

 

 

 

 

 

[Dedicated po itong chap kay ate Fei! Hi ate, sensya na naulit yung dedic ko...need ko kasing I-edit yung story...loves ko pa din yung MMA! Kaso hindi na ko maka Mitsui ngayon, maka-LuHan na kooo! LUHAN AND ASHLEY FTW!Goodluck po sa ending ng MMA! More power po and teecee always! ]

 

----

 

CHAPTER 6: WHAT LURKS BEHIND

 

 

 

 

 

 

 

ANYA'S POV

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto habang humugot ng malalim na buntong-hininga si Tito Aaro bago ito magsimulang magsalita. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kabahan sa mga sasabihin nito. Sa wakas, malalaman ko na din ang buong katotohanan sa tunay na trabaho ng mga magulang ko at sa mga posibleng tao sa likod ng pagkamatay nila.

Agad kong hinanda ang sarili ko nang magsimula na itong magsalita, "Anya, your mom and dad were secret agents hired by our gang. Our gang, Black Knights, or now known as Black Knights 2.0 is not just any gang. Hindi katulad ng ibang gangster na puro gulo lang ang hanap, we were all gathered for a certain purpose. We help the authorities in putting criminals behind bars."

Kunot noong napatigin ako dito, "A-ano pong ibig niyong sa-sabihin?! Meaning, may kinalaman po sa inyo ang mga pulis?"

Tumango ito, "Yes. Hindi lahat ng mga big time na kriminal ay nagagawang mahuli ng mga awtoridad dahil na din sa koneksyon ng mga ito sa may mga kapangyarihan sa pamahalaan, and that is when we come into the picture.  We fight and help catch these underground criminals secretly. At dahil na din sa kapangyarihan ng mga pamilya ng bawat kasapi ng gang ay nahihirapan na ang mga koneksyon ng mga ito na matulungan pa sila."

"Hi---hindi ko po ga---gaanong maintindihan....sa-saka po, ano naman po ang kinalaman ng mga magulang ko dito?!"

"It is really difficult to understand, hija. The world we live in is a lot more complicated than we all thought it is. Pero sa tamang panahon ay maiintindihan mo din. For now, what you've needed to understand is all about your parents."bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy.

"Like what I've said earlier, your mom and dad were Black Knights' hired secret agents. They were basically our informants on everything that happens in the underground world and if necessary,  they go undercover to learn more about our target."

LIVING with the GANGSTERS [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon